Kabanata 1

25 11 0
                                    

Lip tint



"Tanginang mga pusa to sira-sira na nga ang bubong natin jan pa talaga mag takbuhan" Inis na sabi ni tita habang nag lalaro ng baraha kasama si Bekla at si Mike.

"Oh ikaw nanaman mike! Aba ang daya mo naman Bekla!"

Ay oo nga pala nakalimutan kong i chika sa inyo mga mare, na si Mike ay dito sa amin naninirahan at tsaka sinusustentuhan sya ng kanyang ina sa abroad at noong bata palamang sya ay sumakabilang buhay na ang kanyang tatay. Tsaka marami din syang napagdaan sa buhay, at tumutulong sya sa amin.

Hindi ko nga alam kung bakit sa amin pa sya nakituloy bakit hindi sa mga kamag-anak nya?. Siguro mga pilingera mga kamag-anak nun.

Gwapo din naman sya 'konti lang' mga wamport.

"Ate naka saing kanaba?" Sabi ni belle na naglalakad papunta sa aming ref na sira-sira. Ako naman ay nag huhugas ng pinggan.

Ako talaga taga hugas ng pinggan dito sa mansion! kasi yung iba jan kakain nalang tapos mag lalaro tapos matutulog. Oh diba YAWA!.

"Syempre naman kanina pa! ulam nalang tagala ang kulang" Ani ko sa aking kapatid.

Thirteen years old palamang si belle habang si Buboy naman ay 8 years old. Kaya habang tumatanda sila ay mas lumalaki narin ang nagagastos namin sa pagaaral nila. Tsaka gusto ko mang mag aral sa mga public university upang hindi malaki ang tuition ay sa kasamaang palad ay pinagpala ako maging bobo. Tsaka kung sa private university naman ako mag-aaral eh wala nga kaming pera. Sa kinakain palang namin arawaraw eh hindi pa sapat yun.

Ang hirap maging mahirap.

Kaya dapat lang talaga na mag trabaho ako para naman may pera kaming maipaayos itong sirasira naming mansion. Kawawa naman simula noong bata pa ako ganito na talaga ang itsura. Butasbutas na plywood tsaka sirasirang bubong. Maliit nga lang ang bahay namin ngunit puno ng saya.

"Oh eto yung ulam mo Bekla ito naman sayo Belle oh buboy at mike ito naman sayo Joy" pagaabot ng pritong isda ni mareng tita Leticia. Nasa hapag na kami at kumakain.

"Ay oo nga pala Joy yung tungkol sa pagtatrabahuan mo" panimula ni Bekla sa usapan habang kumakain.

Gamit lang namin ang aming mga kamay habang kumakain. Alangan namang paa ang gamitin.

"Si Mrs. Veronica Alcantara kase yung nag hahanap ng bagong katulong kase alam mo yung anak nya galing manila" kumuha sya ng tubig at ininom iyon "yung lalaking anak nyang masungit! Yun! yun sya kailangan nya ng katulong!"

Wadapak lalaki?! Tsaka kilala ni tita Leticia yung si Mrs. Alcantara. Mukhang may nabangkit sya tungkol sa kanya pero nakalimutan ko kung anu Yun.

"Si Mrs. Alcantara ba ang magiging amo ko Bekla?" Tanung ko sa kanya.

"Hindi" tipid nyang sagot. "Si Miguel" Sabi nya sabay ngiti at kindat sakin.

Sino si Miguel amp!.

Tangina lalaki pa talaga! Pero no choice ako eh kailangan din namin ng pera. Pero putangina lang kase eh bakit lalaki pa?!. Jusko naman lord.

"Paano mo naman nalamang kailangan nila ng kasambahay?" Tanong ni tita. Tapos na kaming kumain ngunit nag uusap pa kami. Pero itong si Mike na nasa tabi ko ay nag seselpon.

Tumingin ako sa cellphone nya para malaman kung ano ang ginagawa. Aba! Nag memessenger. May ka chat! BABAE! Jowa nya ata edi sanaols. Pero binasa ko yung convo. Mukhang may pinagaawayan.

Alam nyo sa umpisa lang yan masaya kita mo ngayon nagiging sadboi si Mike! ampota! Sadboi. Gusto kong matawa. CHAROT.

Eto namang si mike kaya pala hindi namamansin eh busy pala sa pagiging sadboi.

"Alam mo Leticia sa kagandahan koba naman ay hindi ako papansinin ng may-ari ng General Hospital naku! Nagkakamali ka ng hinala" sabi ni Bekla.

General Hospital? Shuta sya pala may-ari nun? Grabe mayaman pala!.
Ang alam ko ay sa General Hospital nagtatrabaho si Bekla bilang tagapag linis doon tapos ngayon ay ang rest day nya.

"Oo na Bekla ikaw na ang maganda" sabi ni tita.

Matapos ang mahabang usapan ay natulog na kami. Sa isang maliit na kwarto ay kami ng mga kapatid ko ang magkatabing matulog tsaka si tita, mike at Bekla naman sa kabilang kwarto.

Si Bekla naman ay dito narin sa amin naninirahan dahil sa ayaw syang tanggapin ng kanyang tatay dahil sa pagiging bakla nito. Eh anu naman ang masama sa pagiging bakla diba?.

Grabe naman yung tatay nya malasin sana habang buhay dahil sa ginawa nya sa anak nya. CHOS!

"Maaga tayong matulog ngayon tsaka wala narin naman tayong ibang gagawin mabuti sana kung may TV tayo eh wala naman" Ani ko sa aking mga kapatid na nauna ng nahiga sa nilapag kong banig at pina andar ko na Ang celling fan namin.

Okay nako sa usapan namin nila Bekla ang sabi nya bukas na bukas ay sabay kaming pupunta sa General Hospital upang ipakita ako kay Mrs. Alcantara kung gaano ako kaganda. Este! Para makapag trabaho na.

Kahit gaano kahirap kakayanin ko sana kayo rin.

Lumipas ang alas kwatro ng umaga ay gumising na ako at lumabas ng kwarto.

Nag paganda muna ako tsaka nag timpla ng kape upang mawala ang lintek kong antok.

"Himala Joy maaga kang gumising ngayon ah!" Bigla akong napatalon sa nagsalita, na walang ibang kundi si mike na walang suot na t-shirt.

Umay walang abs. Tsk.

"Aba! Araw-araw kaya akong gumigising ng umaga" pag susumbat ko sa kanya.

"Ganyan talaga yan kapag excited na Makita si Miguel" singit ni Bekla sa usapan. Gising na pala ang mga animal dito sa zoo.

"Miguel ka jan! Eh hindi ko nga sya kilala!" Sino ba naman kase si Miguel?!. Kasing gwapo ba nyan si Achilles?!.

"Hoy mareng bekla sino ba kasi yang si Miguel?! Gwapo ba yan? O baka naman pangit?"

"Malalaman mo lang Joy basta isa lang ang masasabi ko" kumuha sya ng tasa tsaka lumingon sakin "wag na wag Kang maglalaway " sabi nya sabay flip ng hair nya kunwari.

"YAK" sabi ni Mike na nakiki chismis.

"Kapag yang sinasabi mong Miguel ay kasing pangit ni Mike naku sasapakin talaga kita" Agad naman akong tinignan ng masama ni Mike.

Kahit walang ginawa si Mike ay madadamay talaga sya kase hindi naman talaga sya gwapo no mga anu wamport.

"Sige ah pero kapag gwapo sya sasabunutan kita" paghahamon nya sakin.

"Tama na nga yang gwapo gwapo leche! Eh wala namang gwapo! Kung ako sa inyo maligo na kayo kung ayaw nyong masayang ang oras sa kaka chismis!" Sigaw ng reyna ng mga tikbalang.

Agad naman kaming kumilos mauuna na sana ako sa CR kaso ang walay hiyang si mike ay inunahan ako. PISTI!

Tatawatawa pa sya huh habang naliligo akala siguro nya matatawa ako sa ginagawa nya!.

"Halika nga dito Joy" Sabi ni Bekla na may hawak na lip tint.

Nandito kami ngayon sa palengke kase 7 am pa kami pupunta sa General Hospital kung saan ako ipakikilala ni Bekla.

"Anu bayan bekla?"

"Wag kanang maarte Joy! lip tint lang to para naman hindi ka mag mukhang may sakit" Sabi nya saka nya nilagyan ng lip tint ang aking labi. "Oh diba nag mukha kang anghel"

Kinuha ko ang salamin upang tiganan ang aking labi.

"Eh mukha naman akong igat neto" naka simangot syang tumingin sa aking sinabi. Kumuha ako ng tissue sa lamesa at ipinahid sa namumula kong labi.

Sobrang pula grabe para akong pokpok sa Kanto.










Your vote is highly recommended.

Dumb ways to loveWhere stories live. Discover now