"Selos naman boybestfriend ko na yan ,"I teasing him then he looking at him. Kalauna'y nakita ko ang ngiti sa mga labi niya saka siya ngumisi.

"You're teasing me huh?"he smiled to me.

Pagkatapos nun ay bumalik na rin si Terrence sa dati dahil kinaukausap na niya ako. Hanggang sa nakarating na ako ng condo ay kinakausap niya ako.

"Sige una na ako ,may kailangan pa akong tapusin. Hatid na lang kita ng ulam diyan ,okay?"he said then I nodded.

Nang sabihin na niya yun ay naglakad na siya at dumiretso na siya sa condo niya. Ako naman ay pumasok na sa loob para tumungo sa kwarto ko para makapagbihis na ng pambahay na damit.

Hinatid nga ako ng ulam ni Terrence kaya nagpasalamat ako sa kanya. Bumalik din siya sa condo niya dahil may mag aaral pa daw siya kaya di ko na siya inistorbo. After I eat ,ginawa ko na mga plate ko na dapat tapos na kagabi. Inabot ako ng madaling araw bago ko natapos kaya itinabi ko na yun at pahikab-hikab na ako. Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na.

Kinuha ko muna pansamantala ang cellphone ko dahil bigla na lang tumunog at umilaw yun. Napangiti na lang ako na si Terrence lang pala ang nagtext sa akin.

Terrence:

Good night ,Aifha. Have a good sleep!

Sa isang buwan na pagkilala ko kay Terrence ,kahit papaano ay malaking tulong rin siya para mabawasan ang kalungkutan ko dito sa loob ng condo ko. Nung bago bago ko pa lang siya kilala ay natatakot pa ako mag open sa kanya ng problema dahil sa isip ko ,tatawanan niya lang naman ako. Pero mali ang akala ko ,hindi pala siya ganon. Nang malaman niyang umiiyak ako sa loob ng condo ko agad niya akong nilapitan para tanungin kung ano ba ang problema ko kung bakit umiiyak ako.

Sinabi ko rin na gabi-gabi naiiyak ako dahil naaalala ko ang magulang ko. Lagi ko sila pinapanaginapan na masaya sila na wala na sila dito kaya bigla na lang ako naiiyak kapag naaalala kong iniwan nila ako. Malakas pa rin ang impact ang pagkawala ng mga magulang ko. Para sa akin ,sila ang buhay ko. Sila ang nagpalaki sa akin ,sila ang nagtaguyod sa akin hanggang sa nagkaisip ako. Hindi nasasanay ang sarili ko na di ko sila nakikita. Kaya kahit pilit ko na silang winawaksi sa isip ko ,di ko magawa dahil di ko pa rin matanggap ang pagkawala nila.

Pero ngayon ,madalang ko na lang naiisip ang magulang ko dahil ginagawa ni Terrence ang lahat para makalimutan ko yun pansamantala. Ginagawa niya ang best niya para mapasaya ako. Kahit sa ganoong bagay ,natutuwa ako sa kanya. Kaya kapag may dinadala akong problema ,sinasabi ko na sa kanya dahil alam kong mapapagaan niya ang mabigat kong problema.

Kumportable ako sa kanya kaya di ako nagdadalawang isip na sabihin ang bagay na yun.

"Sino yung lalaking kasama mong umuwi?"nabigla ako na tinanong ako ni Erich ,"At mas pinili mo pa yun kaysa kay Vinz."

"Bakit gusto mong malaman?"tinaasan ko siya ng kilay.

She bit her lower lip, "Well ,curious lang ako. Pogi kasi siya!"

Napaismid na lang ako na patagong siyang kinikilig kaya inirapan ko siya. Siguro na love at first sight siya kay Terrence?

"Neighbor ko sa condong tinutuluyan ko. Pumupunta siya ng dream high para sunduin lang ako."sabi ko sa kanya habang kumakain ako ng beef noodles.

"Ah...ganon pala.."tumatango siya ,"Single ba siya?"

Dahil sa sinabi niya ay kumunot ang noo ko. Talagang tinatanong pa niya ang bagay na yun ah!

"Single siya but-"I trailed off ,"Wala siyang interested na babae sa ngayon!"

Sinabi niya sa akin na may babae na siya ulit napupusuan pero sa ngayon ay pag aaral muna ang atupagin niya. Sumang ayon rin ako sa desisyon niya dahil alam kong sariwa pa rin ang break up ng dati niyang kasintahan na mahigit limang taon silang nagtagal.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)Where stories live. Discover now