"Pwede ba akong maghintay sa kaniya?" sinulyapan ko ang orasan. Alas dyes pasado naman na.

"Miss Montanez, as I've said, he's very busy. Even if you wait, there's a possibility that he might not see you any time of this day." Pigil ang iritasyon niya sa pagsagot sa akin.

"Pwede mo ba siyang tawagan?"

Umiling siya, halatang naiirita na sa akin. "I can't do that either."

I swallowed the disappointment brimming in my mouth. Of course, Ivo is not someone I can easily see nowadays. Hindi na ako yung teenager na basta nalang pupunta sa bahay niya para makausap siya. He owns a goddamn company. It was so unprofessional of me not to set an appointment of him ahead of time. Malungkot kong binalingan ang pagkaing dala ko.

"Come with me."

Nagulat ako nang magsalita ulit ang receptionist at umalis sa upuan niya. Nag-aalangan ko siyang sinundan dahil ang sama na ng tingin sa akin ng security guard. She stepped inside the worker's elevator and pressed a button. Tahimik lang siya habang nakatayo kaya sinilip ko ang pangalan niya sa kulay gold niyang name tag. Laura.

Nang makarating kami sa 60th floor, pumasok si Laura sa lobby gamit ang ID niya. May isa pa ding receptionist doon at maliit na lobby na punong-puno ng mga tao. She gestured to the small crowd.

"These are the people who are hoping to talk to Mr. Escarra after his meeting..." she smirked at me. "Are you sure you're going to wait?"

"Uh... yes." I shrugged. "Ano nga ulit oras matatapos ang meeting? 11:30 am?"

Tumango siya at lumapit sa kasama niyang receptionist. May ibinulong siya dito. Ako naman, nagpalinga-linga. Wala na akong maupuan dito. I don't know these people but they're all jittery and anxious. Some are even from media if I'm not mistaken. I'm not wearing my company ID so no one knows where I'm from. In-adjust ko ang hawak kong paper bag na may lamang pagkain at alanganing ngumiti sa mga taong napapatingin sa akin.

"We will have to clear out this area after lunch. If Mr. Escarra doesn't talk to you by then, I'm afraid you have to leave."

Tumango ako at nagpasalamat kay Laura. Pwede niya naman akong itaboy sa ground lobby pa lang, pero binigyan niya ako ng pagkakataon at dinala dito. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung makakausap ko ba talaga si Ivo dahil mukhang mga desperado rin ang mga tao rito gaya ko.

Nagkunwari nalang akong nagce-cellphone para patayin ang oras habang naghihintay ako kay Ivo. Sumasakit ang paa ko dahil naka-heels ako kaya ininda ko nalang. I've gotten used to the culture in Manhattan and I don't expect anyone to give up their seats for me. I am a woman, but I'm still capable of standing like everyone else.

Sobrang bagal ng takbo ng oras kapag may hinihintay ka o bored ka. Wala naman akong in-install ng games sa phone ko para aliwin ang sarili ko. All I did is read the latest magazine issues of our competitors to study what's new, what should be up, and what things shouldn't land on the paper.

"Mr. Escarra!"

Biglang nagkagulo ang mga tao nang bumukas ang pinto at lumabas si Ivo. May kasama siyang bodyguard na naka-all black at malaki ang katawan. He doesn't even spare as much as a glance here as people desperately flock to him. May kausap siya sa cellphone at mabilis na naglalakad. Nag-panic kaagad ako.

I bit my lower lip and joined the crowd, trying to get to him. Nalulunod ang tawag ko sa mga boses nila kaya irita akong sumingit para makalapit sa kaniya.

"Ivo!"

He stopped walking, stunned. Nasa tainga niya pa rin ang cellphone niya nang lingunin niya ako. Someone grabbed my shoulder and I almost fell. Ivo cursed and gave his phone to his bodyguard. Dali-dali siyang lumapit sa akin.

Elyu Series #1: Drifting with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon