Chapter 12

13.8K 720 393
                                    


"Congrats, Yari! Iskolar ka ng bayan!"

Umingay na naman ang lamesa namin habang si Yari ay nakangiti lang. Pagkatapos ng ilang linggo, siya ang unang nakatanggap ng balita na pasok siya sa UP. Si Avery naman, sa DLSU at si Karlo ay nag-settle sa FEU.

"Dapat mag-farewell party tayo!" ani Celeste, nakangiti at mukhang proud talaga na nakapasa si Yari sa UP. Hindi naman kasi biro ang UPCAT. Ako nga, kung magti-take ako ng entrance exam roon, hindi ako sigurado na makakapasa ako.

"Oo nga! Lapit na graduation, oh!" hirit naman ni Karlo.

Napatingin ako kay Lulu na nagce-cellphone lang sa tabi ko. Mukhang distracted ito at may iniisip kaya hindi ko nalang ginulo. Si Ivo naman, nasa kabilang banda at nanunuod ng live stream ng surfing competition sa phone niya.

Sa tuwing nararamdaman kong malapit nang matapos ang highschool life ko, bigla akong kinakabahan. Alam ko naman ang gusto ko, pero sa tuwing iniisip ko yun ay mas lalong nadaragdagan ang rason kung bakit hindi pwede ang gusto kong mangyari. Nahihiya akong sabihin kay Papa na sa Manila ko gustong mag-aral lalo na ngayong gipit ulit kami sa pera.

Natigil lang ako sa pag-iisip nang mapansing nagpa-plano na pala sila kung saan kami tatambay para sa sarili naming farewell party. Hindi naman pwede kina Avery dahil hindi kami makakapag-ingay. Kina Ivo naman, hindi maganda ang pakiramdam ng Lola niya kaya bawal muna ang bisita. Ganun din kina Lulu, nai-intimidate ang lahat sa PSG chief niyang tatay na umuwi ngayon sa kanila kaya ang hirap ding mag-party doon. Sa huli, nag-presenta nalang ako na dun sila sa bahay total kami-kami lang naman.

"Aww, thanks Mom! You're the best!" biro ni Yari sa akin.

Tumawa lang ako at iti-next si Papa na dadalhin ko sila doon bukas. Hindi rin naman niya maaabutan ang mga kaibigan ko pero gusto ko pa ring ipaalam.

"Sabay tayong mamalengke bukas, ah?" ani Celeste habang nagliligpit ng gamit.

"Ay, ambagan pala 'to? Kala ko salo na ng mga ga-graduate!" biro naman ni Ivo.

"Ang barat, Ivo!" sigaw ni Karlo. "Huwag kang pupunta ah!"

"Ikaw ang huwag pumunta, bobo! Sure kang ga-graduate ka?!"

Nagtawanan ulit sila nang magbangayan ang dalawa. I quietly slid my stuff inside my bag. Nagpaalam na din ako sa kanila at sinundo ang kapatid ko. Nang makarating kami sa bahay, dumiretso kaagad ako sa kusina para magluto ng hapunan nila. Si Sonny ay hindi pa umuuwi dahil may basketball kaya kami lang dalawa ni Selena sa bahay.

"Ate..."

Napalingon ako nang bigla siyang sumulpot sa kusina.

"Bakit? May assignment ka ba, Selena?" tanong ko.

Umiling siya, namumula ang buong mukha. Nakaramdam kaagad ako ng kung ano kaya pinatay ko ang stove at nilapitan siya.

"Bakit? Ano yun?"

Mukha na itong maiiyak kaya nag-panic na ako.

"May sakit ka ba? Anong masakit sa iyo?"

"Ate... dinudugo ako..." she cried.

Natigilan ako saglit. Tumulo lang ang luha ni Selena at itinuro ang salawal niyang natagusan niya ng dugo.

"H-Hindi ko alam kung paano gamitin yung... n-napkin. Kumuha lang ako sa kwarto mo."

Kalmado akong tumango at tuluyan nang iniwan ang ginagawa ko sa kusina. Pumasok kaming dalawa sa kwarto ko.

"Huwag ka nang umiyak, Sel. Kanina pa ba yan?"

Tumango siya at pinunasan ang mga luha. Kumuha ako ng napkin sa drawer ko at tinuruan siya kung paano iyon gamitin. Mukhang nahihiya pa ito dahil ayaw niyang salubungin ang mga mata ko at kahit na sinabi kong ako na ang maglalaba sa natagusan niya, nagpumilit pa ring siya na daw ang gagawa nun.

Drifting with the Waves (Elyu Series #1)Where stories live. Discover now