Chapter 33

13.4K 658 338
                                    

"Ano ka? Free taste?" tumawa ako para ibsan ang kaba na nararamdaman ko. Abot-abot na ata ang tahip ng puso ko. I don't know why he's looking at me like that! It's making me feel... something.

Tumawa rin si Ivo. "Labo mong kausap. Matulog ka na!" pinagtabuyan na niya ako kaya agad akong tumayo at umalis. Baka kasi kung saan pa mapadpad ang usapan naming dalawa. We're both tired and we need to rest.

Kinabukasan, maaga akong nagising pero mas inagahan ata ni Ivo dahil naabutan ko siyang nagwawalis sa bakuran. Nagpunta muna ako sa CR para maghilamos saka ako nagbihis at lumabas.

"Bibili lang ako ng pang-agahan natin," paalam ko sa kaniya. Tumango naman siya at pinagbuksan ako ng gate. He must've changed earlier. Itim na shorts at puting shirt lang ang suot niya ngayon. Pinagpapawisan pa ito nang kaunti.

Nilakad ko hanggang sa terminal ng tricycle at nagpahatid sa palengke. Mas lumaki ata ito ngayon at mas madami ng nagtitinda. Bumili ako ng itlog, tocino, hotdog, pati na rin bigas. Sinamahan ko na din ng mantika at toyo. Hindi ko alam kung gumagana pa ang stove sa bahay pero pwede namang magluto sa kahoy kung hindi. I quickly went home after buying what I need.

Si Ivo naman, naroon sa balcon at nagkakape. Hawak niya ang iPad niya at may kung anong binabasa. I smiled at him when I arrived. It's a good sign. Maybe the stove is still working.

"Gusto mo ng kape?" tumayo kaagad siya at inabot ang mga pinamili ko kahit hindi naman mabigat. Iniwan niya ang ginagawa at sabay kaming pumasok sa kusina.

"Sige, salamat," wika ko at nagtungo sa ref pero wala naman itong laman kahit tubig. Naka-off din ito.

"Hindi na yan gumagana," ani Ivo sa akin. "Sinubukan ko yang ayusin pero wala ata akong natutunan sa EIM natin noong second year," tumawa pa siya.

Isinara ko ulit ito at napailing. Ang daming kailangang itapon sa bahay. Nakakahiya naman sa prospect buyer kung narito pa ang mga lumang gamit namin kapag titingin sila. Dapat rin siguro naming papinturahan ito para mas appealing tingnan.

Ibinigay sa akin ni Ivo ang kape ko habang isa-isa kong nilabas ang mga pinamili ko sa palengke. Kinuha niya yung mug niya pati na rin yung iPad at lumipat sa kusina para samahan ako.

"Baka tanghali pa dadating si Tita Belinda," I glanced at him. "Wala ka bang trabaho?"

"Meron." Sagot niya habang nakatingin pa rin sa iPad niya.

"Eh ba't narito ka pa? Uuwi na din ako mamaya." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sabay na tayo." He shrugged.

"Paano ang kompanya mo?"

"Day-off ko ngayon."

Ngumuso ako. Kilalang-kilala ko na siya. "Gawa-gawa mo lang yan, eh."

Ivo laughed and finally peeled his gaze away from the iPad to look at me. "Eh C.E.O. ako, eh. Pwede naman akong mag-day off kahit kailan ko gusto. Sinong mag-a-absent sa akin, secretary ko?"

Napairap nalang ako sa ere dahil sa inaakto niya. He's still that careless, free-spirited boy I fell in love with. Para akong tanga na inaasahang sobrang laki ng pagbabago niya pero ganito pa rin siya. I was overthinking for the past few years!

Pagkatapos kong magluto, sabay ulit kaming kumain ni Ivo. Halata sa mukha niya ang saya habang kumakain.

"Na-miss ko 'to, ah?"

"Ay, hindi mo afford bumili ng hotdog?" biro ko sa kaniya. "Nakakahiya naman sa kompanya mong may anim na international branches..."

Sinamaan ako ng tingin ni Ivo. "Grabe, nagbago ka na talaga, Raya..."

Elyu Series #1: Drifting with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon