"Maghanap ka ng mauupuan. Ako na bibili ng makakainan natin ngayon. Baka maubusan pa tayo at wala tayong pwesto."sabi ni Erich bago siya umalis sa harapan ko.

Ngumuso ako. Di man lang ako binigyan ng pagkakataon para pagsalitaan ako!

Napailing na lang ako at napagdesisyonan ko na maghanap ng pwesto. At swerte ko naman at may nahanap akong pwesto. Akmang uupo na ako na may biglang humarang sa harapan ko.

Tumingala ako para tignan kung sino ang humarang sa akin. Pagtingin ko ay halos maestatwa ako dahil di ako kumportable sa paano kung tumingin siya sa akin.

"Hey. Bawal ka dito ,dito pwesto namin miss mestisa ,"ngumingisi pa siya at narinig ko ang tawanan ng mga kasama niya.

Aksidente siyang napatingin sa ID ko at halos tumaas ang kilay niya pero kalauna'y ngumiti din siya ,"You're Aifha Saavedra ,3RD year BS arhitecture."

Kahit kabado ako ay nagawa ko pa silang tignan kahit sa itsura pa lang nila ay para silang basagulero at parang mahilig magcutting sa klase.

"I'm Cavin ,miss Aifha ,"he smiled creepy ,"4TH year BS Engineering."

Nakita kong naglahad siya ng kamay sa akin pero di ko tinanggap ang kamay niya. Na napagtantong niyang di ko tinanggap ay siya mismo ang kusang nagbaba.

"Ang sungit mo naman miss ,"he laughed awkwardly ,"By the way ,kung gusto mong makahanap ng pwesto ay pwede ka naman dito...kaso nga lang may kapalit..."napatingin na lang ako na bigla niyang hinawakan ang balikat ko kaya sa sobrang trigger ko sa ginawa niya ay sa isip ko gusto ko siyang sampalin.

Really? may ganito pa pala klaseng mga tao?

Tinignan niya buong pagkatao ko hanggang sa tumagal ang titig niya sa dibdib ko kaya nakaramdam ako ng takot dahil sa biglang pag ngisi niya.

Lalapit sana siya sa akin pero nagulat na lang ako na bigla may tumulak sa kanya. Dahil sa lakas ng tulak ay halos napahiga siya sa lamesa kaya halos mga estudyante doon ay napatingin.

Tinignan ko kung sino nagtulak at halos umuwang ang labi ko na si Vinz na ang nasa tabi ko at sobrang sama ng tingin niya sa lalaking nasa harapan niya.

"What the fuck ,Vinz!"napatingin ako sa lalaki dahil sa pagsigaw niya. Tumayo siya sa pagkakahiga niya at masama niyang tinititigan si Vinz ,"Wala ka na talagang ginawa kundi umepal na lang noh?

"First day na first day Cavin ,may ginagawa ka na naman katarantaduhan noh?"malamig na sabi ni Vinz habang mahigpit niya akong hinahawakan sa braso ko ,"4th year college ka na ang manyak mo pa rin! di ka pa rin nagbabago!"

Dahil sa sinabi ni Vinz ay nakita ko ang pagdilim ng paningin ni Cavin kaya natakot ako sa pwede niyang gawin kay Vinz.

"Anong sabi mo!"umalingawngaw ang sigaw niya kaya halos lahat ng estudyanteng kumakain doon ay napatingin sa gawi namin ,"Manyak ako?baka nakalimutan mong senior mo ako!"

"Bakit totoo naman diba? manyak ka? at wala akong pakielam kung senior man kita. Nakatungtong ka lang ng 4th year dahil palagi kang nangongopya at madalas tres pa ang nakukuha mo."ramdam ko sa boses ni Vinz na galit siya habang nakikipagsagutan pa siya kay Cavin.

"Eh ,gago ka pala eh!"susuntukin na sana ni Cavin si Vinz na bigla naman nasalo ang kamao niya sa kamay ni Vinz kaya tumingin siya at nakita ko ang higpit ng pagkakahawak ni Vinz sa kamao ng lalaking harapan niya.

"Magbago ka na Cavin ,baka yung pagiging future engineering mo di mo yan matupad at baka maging future rapist ka pa..."dahil sa pagkasabi ni Vinz ay narinig ko ang mahihinang tawa ng mga estudyanteng nakikinood sa gawi namin ,"And beside ,ayokong dumapo ang kamay mo sa anong parte ng katawan ni Aifha. Alam ko galawan mo kaya kung ako sayo tigilan mo baka ipa-guidance pa kita at baka di ka pa makagraduate dito."

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें