04

17 2 1
                                        

ABUSIVE CHEATER


Walangya lang ay dito sila sa may canteen dumaan, nakakawalang gana kumain. Naibaba ko yung sanwich ko ganun din sila Adri at Ella.

"Potcha bakit dito sila dumaan, may ibang daan naman kailangan talaga sa may kumakain" reklamo ni Ella

"Oo nga parang gago, nawalan tuloy ako ng gana" saad naman ni Adri  

Naglakad nalang kami pabalik sa classroom dahil sa nakita.

"Pero bakit naman namatay yun eh hiwa sa mukha lang naman yung sugat niya?" tanong ko naman nang dumating na kami sa classroom

"Baka naubusan ng dugo" sabi naman ni Adri

"Hindi daw oi, sabi ng mga nakiusyoso kanina ay sinakal daw hanggang mawalan ng hininga" biglang may sumingit sa pag uusap namin, si Kresta kaklase rin namin

"Saka hiniwa yung mukha?" dagdag ni Ella na hindi sigurado

"Hindi, hiniwa muna yung mukha saka sinakal" dagdag ni Kresta

"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya

"My father is a police man joke, pero totoo pulis papa ko tapos nagtanong ako tungkol sa case ni Vince, sabi hindi na raw fresh yung dugo meaning inuna pa yung  paghiwa. May mga dugo rin sa kamay ni Vince meaning hinawakan niya ito bago mamatay" dagdag ni Kresta, tumango naman kaming tatlo

May point siya hindi naman kasi magkakadugo ang kamay niya kung hindi niya hinawakan yung mukha niya.

"Eh bakit naman pinatay si Vince diba mabait maman yun mahangin nga lang" sabi naman ni Adri, mahangin talaga siya feeling niya naghahabol sa kanya ang lahat ng babae

"May tinatagong sikreto yan, yung sikreto niya naibunyag isang beses tapos bigla ulit nabaon sa limot" pagsasagot naman ni Kresta, so the killer has motives huh?

"Ano naman yun?" tanong naman ni Ella

"May jowa yan na teacher nuon tatlo ata tapos nakipagtalikan siya doon paiba-iba. Cheater yan pero may sineryoso ata yun this year lang din, yung namatay natin kaklase may she rest in peace" malungkot na bitaw ni Kresta sa apat na huling balita

"Si Nicki ba?" paninigurado ko sa kanya at tumango naman siya

"Paano mo nalaman?" tanong sakin ni Adri

"Naalala ko nung nag transfer kayo dito humihikbi rin siya pero hindi malakas, tunog nasasaktan" pag eexplain ko at nag-ahh naman si Adri

"Alam mo ba kung bakit umiiyak si Vince nun? Nagkaalitan kasi sila nun tapos aayusin sana ni Vince yung sa kanila kaso huli na kasi binalita na lang na wala na si Nicki" malungkot na pagkwekwento ni Kresta, nagpaalam naman siya samin at bumalik sa mga kasamahan niya

Kapansin-pansin ang pananahimik ni Ella kaya kunwari ay may nahulog ako sa baba at sinagi siya bago ko kunin yung ballpen na sinadya kong ihulog.

"Ayos ka lang ba Ella?" tanong ni Adri sa kanya, napansin din pala niya

"Huh? oo ayos lang, tumatak lang sa isip ko yung sinabi ni Kresta" nagtaka naman kami kung alin sa sinabi ni Kresta, eh andami niyang sinabi

"Alin doon?" pagtatanong ko sa kanya

"Yung huling sinabi niya, ang sakit nun no yung aayusin mo na sana kaso hindi na pwede kasi wala na yung tao" malungkot na sabi niya at natahimik naman kaming dalawa ni Adri

"Bago namatay yung ate ko, nagkaalitan kami hindi siya umuwi sa bahay at dahil mataas ang pride ko hindi ko siya tinext. Nalaman ko nalang kinabukasan sa social media na wala na siya, walang pangalan nakasaad pero alam kong siya yun dahil sa damit at punseras niya" ngumiti ng mapait si Ella

"Ako may gawa nun eh" dagdag niya pa at tinaas ang ulo para hindi lumabas ang luha niya

Nanatili kaming tahimik at taimtim na nakikinig kay Ella. How cruel the world for her, she only have one family left but cruel world let her be alone.

"Tama na nga ang drama ko omg" sabi ni Ella at mahinang tumawa, tinapik namin siya ni Adri

"Makukuha mo rin yung hustisya ng ate mo Ella" sabi naman ni Adri, ngumiti sa kanya si Ella

"Sana nga, malapit na talaga" sabi ni Ella pero di namin marinig yung iba niyang sinabi

"Ano yun Ella?" tanong ko sa kanya

"Huh? sabi ko sana nga, sana nga" ngumiti naman siya sa akin ng bitawan ang mga salitang yun

Nginitian ko rin siya at tumango. I know one day I'll be next to die, it's just I'm not sure if I'm really ready or just confident I'm far from his/her list.

Section MortemDonde viven las historias. Descúbrelo ahora