02

6 1 1
                                    

SILENCE



Agad namang may dumating na pulis, nagtaka naman agad ako kung paano sila nakarating dito.


"Ilalabas ba sa medya yan?" biglang tanong ni Adri, nagkibit balikat naman ako


"Ewan ko kasi baka may mag post na galing dito" sabi ko at tumango naman siya


"Eh—" naputol ang sasabihin ni Adri nang biglang magsalita ang pulis


"Pakitabi po tayo mga bata at sana'y wala kayong hinawakan na kahit ano. Maari ba naming interbyuhin ang unang nakakita?" saad ng pulis, tiningnan naman namin si Ella na hindi pa rin tumatahan


"A-ako po nakakita" hikbing sabi ni Ella


"Sumunod ka sakin, maari na kayong magsibalik sa silid niyo" saad ng pulis, humupa na ang nagkukumpulan na tao at kami nalang ni Adri ang natira kaya bumalik na kami sa classroom.


Pagbalik ni Ella sa classroom ay agad namin siyang sinalubong at nagtanong. Maga ang mga mata nito, nagulat ata siya sa nangyari at napaiyak sa gulat.


"Anong nangyari?" salubong na tanong ko sa kanya


"Tinanong lang ako ng pulis kung may koneksyon ba ako sa namatay, may motibo ba ako para patayin yung biktima at oras na pumunta ako sa cr" saad niya at pinunasan yung ilong niya


"Pinanghihinalaan ka nila? Porket ikaw unang nakakita?" naiiritang tanong ni Adri  


"Trabaho nila yun eh, kahit sinong tao na makikita sa scene ng krimen ay iinterbyuhin ng ganun, may mga kasama naman ako interbyuhin" nakangiting sabi niya


"Sino may sabi?" takang tanong ko


"Si Seargant Kulip" nagtaka naman kaming dalawa ni Adri kung sino yun


"Yung pulis kanina ba, yung nag interview sakin" biglang sabi niya ng makitang nagtataka kami kung sino yun


Napa-ahh naman kami ni Adri at kinamusta namin siya. Nabawasan na naman kami ng kaklase, dahan-dahan ng kumikilos yung killer.


Tahimik na nagsimula ang klase namin hanggang sa matapos eto. Iisang guro lang ang meron samin kasi takot madamay sa patayan sa section namin.


Dismissal na at agad naman kaming lumabas. Tahimik ang buong campus, walang ni isang nagsasalita.


"Ganito ba lagi kapag may namatay?" bulong ni Adri, sinenyasan ko naman siyang manahimik


Nang makalabas kami sa campus ay saka ako nagsalita


"Pay of respect, ganun lagi sa campus. Silence means respeto sa namatay" sabi ko at napatingin naman silang dalawa ni Adri at Ella sa akin


"Ay grabi so kapag tahimik buong campus ibig sabihin may namatay?" tanong ni Ella at tumango naman ako


Sa ganoong paraan lamang nila maipapakita ying respeto sa patay sa pamamagitan ng pagtahimik, wala ni isang nagtanong o nag usap tungkol sa namatay pero sa mga susunod na araw pag uusapan na nila yan.


Ewan ko lang kung bakit may ganun sa handbook, alam ba ng principal na may magaganap na patayan dito.

"Sumakay na kayo, papasok na ulit ako sa campus" lumabas lang talaga ako para pasakayin  silang dalawa


"Sabay na kayo, magkatabi naman yung street niyo eh. Ingat kayo" sabi ko nang makapara na ng jeep para sakyan nila


"See you tomorrow, Bria!" nakangiting paalam ni Ella


"See youu labidabs mwuah" malambing na paalam ni Adri


Kumaway silang dalawa sa akin at kumaway din ako pabalik, nang di ko na sila matanaw ay pumasok na ulit ako sa campus.


Hinarangan pa ako ng guard, sinabi ko namang sa dorm ako nag st-stay kaya pinapasok niya ulit ako.


Pagkapasok ko sa dorm ay nagbihis at nagluto ako. Kapagod ngayong araw kahit wala akong ginagawa masyado, nakakaba lang may namatay na naman ngayon, ano kaya mangyayari bukas?


Shuta kasakit sa ulo yung mga nangyayari, hindi ko alam kung kailan ako tatargetin ng killer kaya lagi akong may dalang small knife sa pocket ko. Malas nalang kung di ko madala ang small knife.


Nagmumuni-muni ako hanggang sa kainin ako ng antok.

Section MortemWhere stories live. Discover now