🌻CHAPTER 24🌻

54 5 3
                                    

*✧♡*♡✧*

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*✧♡*♡✧*

Napatingin si Kaylie sa madilim na langit at nagbabadyang pagpatak ng ulan, nasa terrace siya ngayon ng kanilang bahay habang kasama si Estelle.

Nakatambay lamang silang dalawa at nag kukwentuhan, pinag-uusapan kung pano nila mapapabalik sa kasiglahan ang kuya Darrel nila.

"Gusto ko sana ayain si kuya Darrel na maggala sa bayan pero ayaw niya talaga lumabas," saad ni Kaylie at nagbuntong hininga naman si Estelle habang may hawak na baso ng tubig.

"Ilang araw na siyang nagkukulong sa bahay niya, ayaw niya rin naman tayong kausapin kaya nakakatakot tumambay sa bahay niya ngayon."

Napabuntong hininga si Kaylie at muling bumalik sa pagpipinta, inabot ni Estelle ang baso ng tubig na pagkakanawan ng mga paint brush ni Kaylie.

Nakatalikod silang dalawa sa daan na nasa harapan ng bahay nila Kaylie, may mataas din silang bakuran kaya hindi nakita ng dalawa ang pagdaan ni Darrel sakay-sakay ng bike nito.

Patuloy lang silang nagkwentuhan hanggang sa lumakas na ang patak ng ulan at napatakbo palabas si Luningning para hanguin ang kaniyang mga sinampay.

"Naku Kaylie! Tulungan mo muna ako rito!" Hiyaw ng kaniyang ina sa binata at agad naman 'tong tumayo para tulungan hanguin ang mga sinampay nilang damit.

Tumulong na rin si Estelle at napalingon ito sa bahay ni Darrel na tanaw sa hindi kalayuan.

"May sinampay din si kuya Darrel!" Sabi ni Estelle habang nakatingin sa mga damit ni Darrel na nababasa na ng ulan.

"Madali ka Kaylie at hanguin mo ang damit ng kuya mo! Mukhang tulog na naman ang isang iyon," utos ni Luningning sa kaniyang anak at kumaripas naman ng takbo si Kaylie sa bakuran ni Darrel at na pansin na bukas ang gate nito.

Dumaretsyo agad siya sa sampayan at hinango ang iilang damit ng kuya Darrel niya, agad siyang tumakbo at kumatok sa pinto upang maibigay ang damit kay Darrel ngunit pansin niyang wala ang tsinelas nito sa ilalim ng pinto.

"Hu? Umalis ba siya?" Tanong ni Kaylie sa sarili.

Agad na tumakbo si Kaylie sa kusina kung na saan ang sliding door at binuksan ito, hindi ito naka-lock kaya agad siyang nakapasok sa loob ng bahay at ibinaba sa sofa ang mga damit na hinango niya.

"Kuya Darrel!?" Tawag at hiyaw ni Kaylie sa loob ng bahay ngunit patak lamang ng malakas na ulan ang naririnig niya sa paligid.

Nakapatay ang TV sa sala, patay din ang mga ilaw sa buong bahay at nang tignan niya ang pangalawang palapag ng bahay ay nakita niyang bukas ang kwarto ni Darrel.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Where stories live. Discover now