🌻CHAPTER 23🌻

Start from the beginning
                                    

Hindi ko kasi makalimutan ang reaksyon na pinakita niya nang makita niya ang lalaking iyon, may idea na ko kung sino siya pero masyado akong makasarili at ayokong isipin na siya ang lalaki sa memorya at mga kwento ni Kristal.

Ayokong isipin na ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit wala siya ngayon sa piling ko.

Ayoko na masaktan, nagsasawa na ko sa pakiramdam na 'to kaya kahit na mag-intay pa ako rito at magmaang-maangan na babalik din siya, uuwi sa bahay kung saan kami nakatira ay gagawin ko— magbubulag-bulagan ako sa pwedeng kahinatnan ko.

Kasi masyado nang masakit, masyado na kong na saasktan sa mga nangyayari sa akin at ito na lang ang paraan ko para tumakas sa katotohanan na mag-isa na lang ulit ako ngayon.

Alam ko naman na may pamilya at kaibigan pa rin ako, pero hindi ko alam bakit hindi ko maramdaman ang pangangailangan ko sa kanila. Siguro dahil sila ang pumipigil sa akin na makilala ang sarili ko? Siguro dahil hindi pa rin nila sinasabi sa akin ang mga sagot sa tanong ko?

O siguro dahil kay Kristal ko nahanap lahat ng mga bagay na hinahanap ko sa pamilya ko? Si Kristal ang tumulong sa akin makabangon sa kalungkutan ko, siya ang nagturo sa akin ngumiti ulit at magbigay kulay sa blangko kong mundo.

Kaya ngayon na wala siya ay parang guguho na rin ang mundong mayroon ako.

Isang palatandaan na sobrang laki ng parte ni Kristal sa pagkatao ko ngayon.

Muli akong napatingin sa labas ng bahay at nakita ang maitim na ulap sa kalangitan, tumayo ako sa pagkakaupo at sinarado ang sliding door sa kusina saka naglakad papunta sa likod bahay para kunin ang bike ko.

Sinakyan ko ito at mabilis na pinatakbo pababa ng burol, patungo sa dagat na tinatawag ako.

Binaybay ko ang daan ng ako lang mag-isa at kada titingin ako sa aking harapan ay tila bumabalik ang iilang memorya galing sa pangyayari nung araw na iyon, nung na aksidente ako at nawalan ng memorya.

Madilim din ang kapaligiran, pababa ako ng burol at sobrang lakas ng ulan.

Mailap na nagpakita sa akin ang mga senaryo na iyon habang nakatingin ako sa daan, kaya dinaretsyo ko na lang ang tingin ko sa dagat.

Napapailing ako dahil sumasakit ang aking ulo tuwing may mga memoryang bumabalik sa isip ko, na tila pati sarili ko ay hindi gustong maalala ang pangyayaring 'yun.

Napalunok ako at mas binilisan pa ang pagpepedal, sinalubong ng malamig at preskong hangin ang mukha ko at hinayaan kong malunod ang sarili ko sa kaba ng mabilis na pagpapatakbo ko.

Hanggang sa hindi ko na mamalayan na nasa harapan ko na pala ang malawak at asul na karagatan. Nakita ko ang malalaking alon na ginagawa ng malakas na hangin na siyang humahampas sa baybayin.

Mukhang tama ang punta ko ngayon sa dagat dahil ito ang mas magandang pagkakataon para mag surfing na siyang tutulong sa akin na makalimot kahit papano sa mga iniisip ko.

Pinarada ko ang bike sa gilid ng daan kung saan may mga lumang bakod na gawa sa kawayan, naglakad ako sa buhanginan habang pinag mamasdan ang galit na dagat na nakikipaglaro sa malakas na hangin.

Nagtungo ako sa bahay ni mang Joe ngunit nakita kong sarado ito at tila walang tao.

"Mang Joe?" Tawag ko sa kaniya pero walang sumasagot kaya umikot ako sa likod bahay niya at nakita roon ang ilang mga surfing board na pinapatuyo ng matanda.

"Pano matutuyo 'to kung mukhang uulan?" Tanong ko habang tinitignan ang paligid, isa-isa kong inalis sa pagkabilad ang mga surfing board at inilagay ang mga ito sa silong ng bahay niya.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Where stories live. Discover now