Napailing lang siya. "Let's eat. I'll call Astheria." Lumabas siya para puntahan so Astheria sa unit niya.

"What do we have here?" Tanong agad ni Astheria ng makapasok sa kusina ko. Tumingin siya sa lahat ng niluto ko. Sa aming dalawa kasi, mas mahilig akong magluto pero marunong din naman siya, yun nga lang palaging tinatamad.

Kumain kami at puro mga papuri ang narinig ko sa kanila. Pumalakpak ako at tinuro ang sarili ko. "Ano ba kayo, ako lang to!" Taas-noong kinindatan ko sila.

Sabi nga ni daddy, magchef nalang ako since mahilig akong magluto pero business ang kinuha ko. Para naman may maitulong ako kapag nangangalaingan ng tulong si Daddy o kaya si Mommy sa kumpanya nila.

Oo nga pala, hindi ko nabanggit sa inyo. I have a stepsister. Anak sa unang asawa ni Mama. Si Yvonne Liane, mas bata sa amin ni Astheria ng isang taon. Nagkikita lang kami kapag bumisita kami kay Mama sa bahay nila. Hindi din kami magkasundo kasi may pagkamaldita ang babaeng yun. Masyadong spoiled!

"Goodnight, sis. Thanks again for the food! Goodnight, Skier!" Nagpaalam na si Astheria at bumalik na sa unit niya.

Ako naman naligo na dahil kanina pa nakaligo si Skier. Sa kwarto kami pareho natutulog ni Skier pero nag-insist siya na sa sahig siya. Pero may bedsheet namang nakalatag.

KINABUKASAN..

Dala-dala ko ang mga papel na assignment ko habang naglalakad papunta sa harap lang ng university. Magpapaprint kasi ako.

Nang makapasok, umupo muna ako dahil marami pang mga estudyante ang nakapila.

"Athena?" Napalingon ako sa likoran ko at nagulat ng makita ulit si Ley. He's with Coreen this time.

Tumayo ako. "Hey! Coreen, tagal nating di nagkita ulit ah!" Nagbeso kami.

"Oo nga eh. Gumanda ka nga lalo." Pambobola pa niya.

"Sus, ikaw din naman. Teka, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Um.. may pinapaprint lang." Alanganin siyang ngumiti. Tiningnan ko si Ley pero nginitian din niya ako ng maiksi.

"Ahh.." tumango ako.

"Una na kami sayo, Athena. Kanina pa kasi kami, ngayon lang natapos."

"Uh sige, ingat kayo!" Kinawayan ko sila bago sila lumabas. Bumalik ako sa pagkakaupo. Weird.. bat ba ang daming weird sa mundo? Nasesense ko kasing parang may tinatago sila. Well, naintindihan ko naman kung ayaw nilang sabihin sakin. Hindi naman kami ganun kakilala para magsalitan ng sekreto.

Hindi din nagtagal ay nagawa ko na nga ang pakay ko. Buti naman!

****

"Everyone, next week is our semestral break." Anunsyo ng instructor namin.

"Yes!"

"Wooo!"

"Hay, buti naman!"

Yan lang naman ang naririnig ko dahil sa labis na kasiyahan ng mga kaklase ko. Wala naman siguro akong masyadong gagawin sa sembreak, i-totour ko nalang so Skier saka turuan pa ng ibang Tagalog words o di kaya mag-bakasyon kami sa Boracay.

Hapon na at wala na rin akong klase kaya nagtext ako kay Astheria na mauna na ako. Nasa gate palang ako papalabas ng university ng mamataan ko si Ley.

"Ley, andito pa kayo?" Lumapit ako sa kanya. Wala si Coreen. "Where's Coreen?"

"May inasikaso pa kasi siya, dito lang ako naghintay sa kanya. Ikaw, pauwi ka na?"

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now