Nanginginig ang kamay kong humawak sa sling bag ko at huminga ng malalim. Kaya ko to! Buong lakas kong hinampas sa lalaki ang bag ko bago ako tumakbo papalayo.

"TULONG! MAY HOLDAPER PO! MAY HOLDAPER!" sigaw ako ng sigaw habang tumatakbo.

Lumingon ako sa likoran ko at nakita kong nakasunod sakin ang lalaki. Hinihingal narin ako.

"BUMALIK KA RITO!" Sigaw nung lalaki.

"AYOKO POOO!" Sigaw ko pabalik. Takbo lang ako ng takbo ng biglang may sumulpot sa harapan ko at hinila ako sabay takip sa bibig ko. "Hmmmmbbbbbb!" Nagsisigaw at nagwawala. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. K-Katapusan ko na ba?

"Sshhh! Don't make a noise and don't move!" Anang lalaking nagtakip sa bibig ko. Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makilala ko ang boses. At ngayon ko lang din na-realize na pamilyar ang pabango niya.

Binitawan na niya ang bibig ko pero nasa bibig niya ang isang daliri niya senyales na wag akong maingay.

Kahit papano, nakahinga ako ng maluwag. I'm now safe, thank you, Lord! Nakasilip si Daren sa isang butas mula sa pinagtataguan namin saka niya ako nilingon. "He's gone." Nauna pa siyang lumabas saka ako sumunod.

Hindi ko alam ang sasabihin koㅡI mean, ayaw magsalita ng bibig ko. Athena, isang salamat lang ang sasabihin mo! Ewan ko ba, naninibago ang sarili ko. Ilang araw ko lang naman siyang hindi nakita ah pero pakiramdam ko antagal naming hindi nagkita.

Nasa unahan ko siya at nakatalikod sakin kaya bahagya kong hinila ang laylayan ng damit niya. "Um.. salamat, Daren.." sinubukan ko ring wag mautal.

Huminto siya sa paglakad. Inaasahan kong haharap siya pero dumaan ang ilang minuto, hindi nangyari yun. Narinig ko nalang na bumuntong-hininga siya at bahagyang tumango saka naglakad palayo.

Napasimangot ako habang nakatanaw sa bulto niyang unti-unting nawala sa paningin ko. Laglag ang balikat kong nagpara ulit ng taxi. I missed him! Wala ng kaso kahit sabihin ko yan e alam niyo naman na ang nararamdaman ko kay Daren.

Nakatanaw lang ako sa bintana ng taxi nang tumunog ang cellphone ko. Tamad ko yung kinuha sa purse ko saka walang ganang binasa ang text.

From: +639352651187

Let's meet tomorrow. Sa Park. 7 PM. I have an important matter to tell you.

Nangunot ang noo ko sa nabasa. Teka, sino ba to? God! Ang dami talagang mga nangpa-prank ngayon!

Isisilid ko na sana ang cellphone ko ng may nagtext ulit. From the same number.

From: +639352651187

It's Daren.

Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa nabasa. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa text. Teka, nakikipagkita siya dahil may importante daw siyang sasabihin. Pero bakit, hindi nalang kanina tutal nagkita naman kami kanina?

I slid my phone inside my purse while smiling like an idiot. Well, I don't care though.

****

"Someone's happy huh?" Bungad sakin ni Skier sa kusina.

"Ako?" Nagtatakang tanong ko habang nakaturo sa sarili ko.

"You were humming while cooking and I wonder why. It's your first time humming and singing as if you won in a lottery." Aniya at umupo.

O? Hindi ko napansin na kanina pa pala ako naghahum. Tumikhim ako. "I'm just happy, Skier. Remember, I have money now."

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now