Napailing nalang ako dahil sa nasa isipan ko. Napalingon ako sa tabi ko nang maramdaman ang masamang tingin nito sakin. Problem na naman 'nya ba sakin? Kanina pa 'sya!

"Bakit?" Taas kilay kong tanong kay Aiden pero inismiran lang ako nito ng masama.

Naka-drugs ba 'sya? Hindi naman sya inaano eh. Inirapan ko nalang sya dahil sa inis na sakto naman na pagpasok nina Mommy dala-dala ang mga pagkain.

Buong hapunan ay masamang tingin ang pinupukol sakin ni Aiden habang nakangisi nang makahulugan naman samin si Ate Jane na tila ba may nadiskubreng napakahalaga. Ewan ko rin ba kay Ate. May pagkaweird pa naman sya minsan sa mga tinginan nya kaya binabalewa ko nalang din.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto namin para magpahinga dala ng pagod sa byahe kanina nang biglang may mauna at sinadyang banggain pa ng mahina ang balikat. Huminga ako nang pagkalalim lalim.

Like what the freaking hell is the problem of this guy with me?!

Inis kong sinarado ang pinto at hinarap sya.

"Problema mo ba?!" Inis kong tanong dito pero ni isang tingin ay hindi ako nito tinapunan.

Aba! Nakahithit ata 'to. Kanina pag-alis namin sa bahay namin ang bait-bait nya tapos pagdating namin dito sa Island sinumpong na naman ng kasungitan. 'Di ba daig pa ang babaeng may dalaw.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang naghuhubad ito ng damit.

"H-hoy! A-nong ginagawa mo?!" Nanlalaking mga mata kong tanong sa kanya.

"Obviously, matutulog." Sarkastikong sagot nito sakin. Nakatalikod lang ito sakin nang ilang segundo lang nang humarap nang nakangisi. Tila ang isip ay may binabalak na hindi maganda.

Napalunok ako nang makitang wala itong saplot pang-itaas. Mas lumalim ang paglunok ko nang makita ang masasagana at makikisig na pandesal nito.

Nakailang kurap ako nang magsimula na itong maglakad papunta sa akin na dahilan para mapaatras ako.

"K-kung m-matutulog ka, b-bakit n-naghuhubad ka?!" Sigaw ko dito pero tila hindi ito naapektuhan at tuloy lang sa paglapit sakin habang walang suot na pang-itaas. Ang shit nya! Hindi ba nya alam na naiilang ako sa ginagawa nya.

"To inform you, I'm not comfortable wearing clothes while sleeping," hindi ko naramdaman ang sofa sa likuran ko kaya napaupo ako dito nang hindi sinasadya dahilan para tuluyan itong makalapit sa akin. Yumuko ito kapantay ng mukha ko.

Mas lalo akong napalunok nang ang magkabilang kamay nito ay iharang sa magkabilang gilid ng mukha ko. Kinulong ako sa mga braso nya. Gusto ko nalang lumubog ng mas lalong ilapit nito ang mukhang habang diretso ang tingin sa akin. Amoy mint!

"I usually wear boxer only when sleeping." Nakangising saad nito na lalong nagpalaki sa mata ko.

Anong boxer lang?! 'Wag mo sabihin na mag-boboxer lang sya habang kasama ako?! Gagi! Bawal!

"H-hoy! B-baka n-nakakalimutan mo na m-may kasama kang b-babae ngayon?!" Pag-iwas ko nang tingin sa kanya. Dahil para akong mahuhulog sa lalim ng tingin nito sa akin.

Pero dahil may mala-demonyong umaaligid ata sa akin ngayon kaya lumandas ang tingin ko sa makikisig nyang pandesal. Isa.. dalawa.. tatlo.. apat.. lima.. anim.. Shocks! Anim! Anim yung pandesal. Teka! Parang nagiging makasalanan ang isipan ko!

"Liking the view?"

Mas mabilis pa sa alas-quatro ang pag-iwas ko ng tingin sa pandesal nya.

"Sinasabi mo!" Lunok kong sabi.

Damn! Nahuli nya ako na nakatingin sa abs nya?! Nakakahiya! Sana lumubog nalang ako ngayon sa kina-uupuan ko!

Nginisian lang ako ulit nito bago lumayo at humawak sa short nito. Nagbabadya nang pagbukas ng butones nito kaya agad akong napatayo at napalayo sa kanya habang nakapikit at napatakip sa mukha. Dahil sa paglayo ko 'di ko napansin na napunta ako sa may gilid ng walk in closet.

Married To A Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon