Chapter 4

530 23 11
                                    

Hi! Alam ko medyo matagal na simula nung last update ko. Since I decided to focus on my study. So, here's my little update for you guys. I'll try next time to give a better and more updates. Susubukan ko rin na makapag-drop ng 2 chaps for the next uds.

So, I hope you guys enjoy!

-----

L A I R A H

This is the d-day! It's my birthday! Kanina pa kami nag-aayos dahil ilang oras nalang magsisimula na ang event.

8 pm magsisimula ang event at 6 pm na kaya busy ang lahat. At ako? Kanina pa pinapaalalahanan ng event organizer sa mga gagawin ko. Dumating na din kanina ang mga make up artist at stylist na mag-aayos sa akin.

"Ma'am Lairah, tara na po. Kailangan nyo na po mag-ayos." Salubong sa akin ng isang babae make up artist nang makasalubong ko ito sa hallway ng mansion nina Lolo Roman. Mukhang kanina pa ako hinahanap dahil medyo hinihingal pa ito sa bilis ng paglalakad.

Dumeretso kami sa room na pinagamit sakin dito sa mansion. Isang magarbong kwarto. Akala ko nga sa maliit o stock room ang ipapagamit nito sakin matapos namin magkasagutan nung nakaraan.

Lumipas ang mga minuto at 30 minutes nalang bago magsimula ang event. Inaayusan pa rin ako ng hairstylist habang konting ayos nalang daw para sa make-up ko. Kanina pa dapat tapos ang make-up ko pero biglang nawala ang make-up artist. Babalik naman daw ito dahil may tumawag lang daw saglit.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang bumukas ito.

"Ang ganda nga naman ng celebrant!"

"Oh my god, Lai! Bakit ang ganda mo?!"

"Of course, maganda naman talaga sya. Nasa genes kaya natin yan."

Sino pa ba ang mga dumating? Edi, ang mga pinsan ko. Si Sophie, Noah, Kuya Nolan, Gavin at ang kambal.

Nginitian ko sila. "Hahaha! Mga nambola pa."

Gusto ko silang lapitan para yakapin pero dahil sa inaayusan pa ako ay hindi ko magawa ito.

"Pero kayo rin, ang gaganda at gagwapo nyo. Tama si Sophie. Nasa genes natin ang kagandahan at kagwapuhan." Sabi ko habang natatawa pa.

"I know right." Ngisi pa ni Sophie nang biglang sumingit si Oliver.

"Curious ako, Lai. Sino ba escort mo?" Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko.

Hindi pa nga pala nila alam. Paano na?!

"Ah, ano.."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na si Aiden ang escort ko. Eh, ni hindi nga kami nag-uusap nun kaya magtataka sila.

Ibubuka ko na sana ulit ang bibig ko nang bumukas ang pinto ng kwarto.

"Uh, sorry to interrupt po pero ico-continue ko na po kasi yung make up ni Ma'am Lairah. Ilang minutes nalang din po kasi yung natitira, so, bawal po muna kausapin si Ma'am." Magalang na sabi nung make up artist ko.

Nagtanguan naman ang mga pinsan ko. Tanda na naiintindihan nila ang ibig ng babae.

"So, pano ba yan? Una na kami." Pagpapaalam ni Noah.

Isa-isa na silang nagpaalam bago lumabas. Huli si Gavin sakin na nagpaalam.

"You look stunning, Lai." Nakangiting sabi nito sakin habang pinagmamasdan ang mukha ko.

"Hahaha, ikaw din, Gav. Gwapo natin."

"Ah, Sir, kailangan na po kasing ayusan si Ma'am." Singit nung make up artist.

Married To A Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon