Chapter 1

883 27 0
                                    

L A I R A H

Tahimik lang ako na kumakain kaharap ang mga Cronello. Simula nung magpakilala yung Aiden hindi na ulit ako nagsalita. Tanging ang mga magulang lang namin ang maririnig sa lamesa.

"Tama, pwede natin silang dalawa iwanan mamaya para makapag-usap. And I bet magkakilala naman na sila dahil Medrano ang inyong anak."

Huh? Hindi ko naman sya kilala. Pero parang familiar nga sya sakin.

Sumalyap ako sa lalaking nasa harap ko na ngayon ay nakatingin ng masama sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa. Mukhang may inaantay na mensahe o tawag.

Napaiwas ako ng tingin nang i-angat nito ang mata sa akin. Salubong ang kanyang noo nang makita ako. Nahalata ata na pinagmamasdan ko sya.

Nang maramdaman ko na inalis na nya ng tingin sa akin ay pasimple ko itong sinulyapan ngunit agad din na nabawi nang marinig ko na tumawa si Daddy.

"I guess you're talking about Lairah's cousins. I saw Aiden once in Jeremy's house." Pagtutukoy ni Daddy sa mga pinsan ko at kay Tito Jeremy, kapatid ni Daddy.

Nang dahil sa sinabi ni Daddy ay agad tuloy akong napatingin sa lalaking nasa harap ko. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin din ito sa akin kaya ako na ang umiwas ng tingin.

Tama! Naalala ko na. Sya iyong isa sa mga lalaking kaibigan ng mga pinsan ko. Sya din yung tuwing pupuntahan ko mga pinsan ko umaalis kaya hindi din kami nagkakilala. Ngayon ko lang din naalala na same course lang kami sa iisang university.

Pero... may girlfriend yun?

Ibig sabihin may girlfriend sya?! Alam nya yung tungkol sa engagement na nagaganap samin pero bakit wala syang ginagawa?! Bakit hindi sya tumututol?!

Nanlalaki ang mga mata ko ng tignan sya at doon ko lang napansin na nakatigin pa rin ito sa akin. Nang makita nya ang reaksyon ko ay agad itong napangisi. Mukhang alam nya na narealize ko na kung sino sya.

Saglit pa kaming nagkatitigan habang gulat pa rin ang aking mukha at sya ay nakangisi. Ngunit agad din iyon nawala nang tumunog ang kanyang cellphone na kanina-kanina lang ay tinititigan nya. May tumatawag sa kanya.

Hindi ko sinasadya na makita ang caller. Pero nang dahil doon at sa reaksyon nya ay nakumpirma ko na ang suspetya ko.

Love... Ang nakalagay sa caller. In short, ang girlfriend nya. Nagulat kami ng bahagyang lumangitngit ang silya ni Aiden mula sa biglaan nyang pagtayo.

"I'm sorry but I need to go." Bago pa bumuka ang bibig ng mga magulang nya ay agad na itong nagmadaling tumalikod at lumabas habang kausap ang taong tumawag sa kanya.

Ilang beses pa itong tinawag ng mga magulang nya pero hindi man lang ito huminto o lumingon.

Napalingon sila ng ang aking silya naman ang tumunog dahil sa pagtayo ko.

"Susundan ko lang po sya."

Maikling paalam ko bago nagsimulang maglakad palabas ng restaurant. Ilang beses ko pa narinig ang patawag nina Daddy pero hindi ko magawang huminto o lumingon gaya ni Aiden dahil sa pagmamadali.

Alam na ba ng girlfriend nya?! Kinakabahan akong isipin na alam na nya ito. Gusto kong i-explain na hindi kami kasali sa desisyon ng kasal. Ayokong maging masama ang tingin nya sa akin at sa boyfriend nito.

Nang tuluyan na akong nakalabas mula sa loob ng restaurant. Agad akong dumeretso sa parking area. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko doon ang pakay ko.

Mas binilisan ko ang paglalakad papunta sa lalaki kaya halos madapa na ako nang makita itong papasok na sa Mustang na nasa tabi nya. Napangiti ako ng mahawakan ko ang pinto bago nya ito maisara.

Married To A Billionaire Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin