Chapter 3

676 31 9
                                    

L A I R A H

Days passed at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinokontak ni Aiden. 3 days na ang nakakalipas simula nung magkausap kami sa restaurant. Nagsimula na ulit sila ni Sam pumasok kahapon sa university na naging malaking usapan. Ano pa ba aasahan kilala sila sa university bilang perfect couple.

Pero may perpektong relasyon ba?

In 5 days, debut ko na. Naghahanda na rin kami dahil gaya nga ng sabi ni Daddy bibigyan nya ako ng isang elegante at grandeng debut. Gaganapin ang debut ko sa Medrano's Mansion. Ang main mansion ng mga Medrano kung saan nakatira sina Lolo Roman.

Hindi na ito bago sa mga Medrano. Lahat ng mga babaeng Medrano ay sa Medrano's Mansion kadalasan ginaganap ang debut at lahat ng mga pinsan kong babae ay doon ginanap ang kanilang debut pero kapani-panibago ito sa akin dahil hindi ko maintindihan kung paano pumayag si Lolo na doon ganapin ang debut ko.

Tulad nga ng sabi ko may galit sa akin ang matandang iyon sa hindi kong malamang dahilan. Kung kaya't naninibago ako sa mga isinasakilos nito ngayon. Baka may plano na naman sa akin ang matanda?

Lunes na ngayon at sa Sabado na ang debut ko. Magsisimula na rin kami mamayang hapon, pagkatapos ng mga klase namin mag-practice para sa gaganaping debut ko.

May masama akong kutob na mangyayaring malaking eksena sa Sabado dahil sa kakaibang kinikilos ni Lolo Roman. Sana nga lang nakakamali akong ng kutob.

"Problema natin?" Untag sakin ni Sophie sa tabi ko. Inilingan ko nalang ito habang nakangiti.

Naglalakad kami papunta sa parking area ng university para pumunta sa Medrano's Mansion. Kakatapos lang ng mga klase namin pero hindi pa sina Kuya Elton, Kuya Nolan at Ate Jane. Hindi na rin daw sila makakahabol mamaya kaya sa susunod na practice nalang daw ulit.

Buti nalang 3 days practice ang debut ko. Gusto daw nila siguraduhin na magiging maayos at organisado ang daloy ng event kaya tatlong araw ang magiging praktis para dito.

Nagpaalam pa kami sa isa't-isa bago kami nagsipasukan sa kanyang-kanyang sasakyan. Oo, may kotse na ako. Binigay sakin ito nina Mommy sakin mga ilang araw na din. Sabi nila kailangan ko na daw masanay na mag-drive ng sarili. Darating daw yung araw na kailangan ko na maging independent sa kanila. Well, may pagka-dependent nga ako sa bahay pero sanay naman na ako na madalas wala sila.

Habang nagmamaneho hindi ko maiwasan mapaisip kung talaga bang may plano si Aiden para mahinto ang engagement. Kahit kasi na pumasok na sila kahapon at ngayon ay hindi ako nito pinapansin. 'Ni kahit katiting na sulyap ay wala. Hindi na rin ako sumasabay ng lunch sa mga pinsan ko dahil kasama nila ang iba pa nilang mga kaibigan kabilang na sina Aiden at Sam.

Mas pinili kong iwasan sila para hindi ako mahalata. Hindi ko kasi maiwasan na mapatingin kay Aiden ng madalas. Ayokong magduda sila kahit na alam ko na medyo nagdududa na sila kung bakit hindi ako sumasabay mag-lunch. Dinadahilan ko nalang na dahil sa marami pa akong gagawin na mga activities.

Dala ng lalim ng pag-iisip ko, ngayon ko lang napansin na nasa village na pala kami nina Lolo. Buti nalang hindi ako nabangga o nakabangga.

Niliko ko ang kotse ko sa may kataasang gate ng mansion nina Lolo. Nang makilala na kami ng guard ay kusa na nagbukas ng automatic gate. Dineretso ko ang sasakyan ko at kumanan para diretsuhin ang pabilog na daan. Sa gitna nito ay may fountain. May design ito na malaking letter M, stands for Medrano.

Hininto ko ang sasakyan sa may parking gaya ng ginawa ng mga pinsan ko. Hindi pa man kami nakakalabas ay sinalubong na kami ng mga tauhan ni Lolo.

Nginitian ko nalang sila bilang sagot sa pagbati nila. Sa malawak na garden gaganapin ang debut tulad ng nakagawian. Bago pumunta sa mismong area ng event ay pumasok muna kami sa loob ng mansion.

Married To A Billionaire Where stories live. Discover now