Chapter 12

394 17 2
                                    

L A I R A H

Nakatingin sila sa amin na para bang nahuli nila kami na may ginawang mali. Nasa pinto si Kuya Elton, Kuya Noah, Noah, Oliver at Olivia, Jacob, Ate Jane at si Sam at.. Aiden na sobrang sama ang tingin samin. Oo, sya din ang lalaking mukhang sinusumpa na kami.

Inilipat nito ang tingin sa akin. Galit ang mga mata nito na para bang nasaksihan nya ang pangangaliwa ko. Pangangaliwa? Sino kaya ang nangangaliwa dito ayon sa batas? Tch. Pasimple ko nalang itong inirapan nang makitang nakahawak si Sam sa braso ni Aiden.

Aber! Nakakalimutan ata nila na kasama namin sina Mommy. Mukhang masyadong komportable na sila.

Dala ng inis nginitian ko nalang sya ng peke bago hinarap ang mga pinsan ko.

"Uh, kain na..?" Alanganin ko na sabi dahil sa mapanghusga nilang tingin. Palipat-lipat ang tingin nila sa akin at kay Dylan.

Agh! Bakit ba kasi niyakap at nilapit pa ni Dylan mukha nya?! Okay. Scratch the hug. Baka kasi sa sobrang tuwa at proud nya na masarap yung unang try nya magluto sa salmon nayakap nya ako. Pero... Agh! Ayan tuloy mukhang may handa ng pumatay sa kanya.

"Okay.. okay, kids. What's happening?" Tanong ni Mama Lucy nang bigla itong lumitaw kaya naman agad na napabitaw sa kapit si Sam kay Aiden na ipagpasalamat nalang nila dahil hindi nakita ni Mama. Samantalang ang lalaki ay sobrang sama pa rin ng tingin samin.

Problema na naman 'nya?!

"Ah, wala po, Tita." Sagot agad ni Ate Jane. Agad naman nagsiubuhan ng peke ang iba ay kanya-kanya punta sa gilid.

Kahit na bakas pa rin ang pagtataka nito ay 'di nalang nito pinansin. Pumasok nalang ito sa loob ng kusina mula sa daan na ginawa ng mga pinsan ko at ng iba pa na kaninang nahaharangan nila.

Saktong pagpasok ni Mama Lucy ay ang pagpasok nina Mommy.

"Oh, luto na pala lahat." Sabi ni Mommy.

"Kids, go to the dining area. Prepare the plates and utensils. Kami na bahala sa food." Saad ni Daddy na agad na ginawa nila.

"Sige na, Dylan and Lairah dear. Mauna na rin kayo. Kami na bahala." Sabi ni Mama samin nang mapansin na nakatayo pa rin kami sa pwesto.

Damn. Paano ko sila haharapin yung mapanghusgang tingin nila?

Naglakad nalang ako papunta sa dining area nang mapahinto nang makita si Aiden na nakatayo pa sa may pinto ng kusina habang ang tingin ay napakaseryosong nakatingin sakin. Wait, no. Nakatingin sya sa likod ko. Napalingon nalang din ako sa likuran ko at nakita si Dylan na seryoso lang din ang mukha.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nilagpasan ko nalang din si Aiden dahil ayokong sagupain ang sama ng tingin nya. Pagdating sa dining area ay nakaayos na ito.

May anim na vacant sit sa may unahan habang may isa sa tabi ni Sam at Ate Jane. Yung vacants sa unahan ay para ata kina Mommy. Well, obvious naman na siguro kung para kanino yung upuan sa tabi ni Sam. Syempre for her beloved.

Naupo nalang ako sa tabi ni Noah at nang 3 pang vacant sit. Hindi ko na inaasahan na may mauupo pa sa kabilang tabi ko nang makitang maupo si Aiden dito kaya gulat ko itong hinarap. Ginagawa nya dito?!

Napatingin ako sa tabi ni Sam at nakita ang paupong Dylan dito. Huh? Bakit hindi sa kanya tumabi si Aiden? Nakita ko naman ang bahagyang pagngiti ng bahagya sakin ni Sam. Ewan pero parang may something sa ngiti nya. Napakunot ako ng noo nang may maalala.

Ah, oo nga pala. Muntik ko na namang makalimutan. Nandito nga pala parents namin. Self, don't be stupid! Syempre sayo tatabi asawa mo kasi nandyan parents nyo. Hays! Kung ano-ano iniisip ko.

Married To A Billionaire Where stories live. Discover now