MaxielindaSumagang's Special Chapter

278 9 1
                                    

"Hello, ma'am and sir, welcome to Jollibee."

"Wow..." usal ni Cecilia habang nililibot ang kanyang paningin sa kabuuhan ng Jollibee. Kitang-kita n'ya ang mga customer na nakapila, mga staff na inaasikaso ang mga customer maging ang mga nasa counter area. Bahagya s'yang napakapit sa tali ng kanyang itim na hoodie jacket na pagmamay-ari ni Yelisei. "So many people..."

"It's peak hour," tugon ni Yelisei at agad naman s'yang napatingin dito.

"Peak hour?"

"Lunch time. Basically, it's a busy hour for restaurants. Mas maraming tao 'pag lunch time at hapunan marahil dahil galing sa trabaho o eskwelahan ang mga kumakain dito," wika ni Yelisei habang nakapila na rin sila. Nakita ni Cecilia ang isa sa mga staff na nagtatanong sa mga customer na nakapila habang may sinusulat ito sa hawak na notepad. Tahimik lang n'yang pinagmamasdan ang staff hanggang sa nasa tapat na nila ito.

"Hello, sir, welcome to Jollibee. Ano pong order ninyo sir?" tanong ng lalaking Jollibee staff sa kanila.

"I'll take two Jolly Super Meal the one with lumpia, then two Champ Jr. solo, one chocolate, one large fries, one peach mango pie, and one ube cheese pie."

Inulit ng staff ang order ni Yelisei para alamin kung tama ba ang lahat ng nasulat n'ya. No'ng masiguro na n'ya na tama ay binigay n'ya sa binata ang listahan. "Ibigay n'yo lang po iyan sa counter para po ma-process ang order ninyo."

Tumango naman si Yelisei bilang tugon. "Thank you."

"I thought we're going to order on the counter," hindi mapigilang maikomento ni Cecilia.

"It's peak hour so it'll take much longer if we'll order at the counter verbally so the other waiter will take the customers' order while lining up. It's much better if we'll give them this list for faster process but if you want something to add to our order, just let me know."

Tumango naman si Cecilia at hindi n'ya mapigilang mapahawak sa braso ni Yelisei dala na rin ng excitement n 'ya habang sila'y nakapila. Tipid namang napangiti niyon si Yelisei habang pumipila sila palapit sa counter.

Maingat na hinahawakan ni Cecilia ang kanyang tray habang naglalakad na sila ni Yelisei palapit sa bakanteng mesa malapit sa may glass wall ng Jollibee. Inantay muna nilang dalawa na matapos sa paglilinis ng mesa ang waiter bago nila nilagay ang kani-kanilang mga tray at umupo.

"I told you, I could just ask one of the waiters to bring your tray," sabi ni Yelisei habang nagsisimula na nilang ilapag ang kani-kanilang mga pagkain sa mesa at itabi ang tray.

"It's peak hour."

Napatingin naman si Yelisei sa kanya. "What?"

"You told me earlier that it's peak hour so expected that the waiters have their plates full since there are so many people coming in and out of Jollibee to eat. It's no big deal for me to bring my own tray to our table though I will admit, it's my first time getting my own food than the people serving me," sabi naman ni Cecilia. "I may be the crown princess of Encland, Eshasea but I wanted to do what commoners do. That's one of the reasons why I came to this country."

"To experience self-service?"

Natatawang nagsalita si Cecilia. "To experience self-service."

Hindi na naiwasan ni Yelisei ang matawa sa naging tugon ni Cecilia. "Baka lumamig na ang pagkain. Kumain na tayo."

Napatingin si Cecilia sa kubyertos na hawak ni Yelisei bago dumako ang kanyang tingin sa kanyang mga kubyertos. "We don't have a knife?"

"We only have spoon and fork here," sagot ni Yelisei.

"How am I supposed to cut this fried chicken?"

Tinanggal ni Yelisei ang kanyang itim na gwantes at tahimik n'yang pinunasan ang kanyang mga kamay ng wet wipes at tissue para masiguro n'yang malinis ang kanyang mga kamay pagkatapos ay pinunit n'ya ang fried chicken skin at laman ng fried chicken bago sinawsaw sa gravy at inilapit ito sa mukha ni Cecilia. "Kamayin mo."

Wattpad Filipino Block Party 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon