asherinakenza's Special Chapter

4.4K 41 6
                                    


Love, Lorraine
By: Asherina Kenza

Nanunuot ang sakit sa bawat himulmol ng aking katawan. Napakaraming tanong ang pumapasok sa isipan ko na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan. Hindi ko rin maisip kung bakit ako pa ang napiling mabigyan ng sakit na 'to.

"Ayoko na..." Umiiyak na bulong ko habang pinagmamasdan ang bawat bakas ng mga turok na ginawa sa akin kanina. Kahit hinang-hina ang buong katawan ay dahan-dahan akong tumayo mula sa wheelchair at nagawa kong ihakbang ang mabibigat kong paa patungo sa railings ng rooftop ng ospital na ito.

Handa ko nang tapusin ang buhay ko, tutal doon na rin naman ang punta ko. Wala namang magbabago kahit gamutin ako ng paulit-ulit. Mariin kong ipinikit ang dalawang mata kong patuloy sa pagdaloy ang luha saka ko inilahad ang aking kamay upang damahin ang hangin, Summer ngayon, pero malamig ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay.

"Take me, Lord..." Bulong ko saka iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa ibaba kung saan tanaw ko ang mabibilis na sasakyang humaharurot sa daan.

Nanginig ang binti ko dahil sa pagkalula, pero buong-buo na ang loob ko na tapusin ang buhay kong unti-unti namang binabawi sa akin. Itinaas ko ang paa ko sa isang railings at kahit hinang-hina ay mahigpit ang kapit ko sa handrail. Ihahakbang ko na sana ang isang paa ko nang biglang may humila sa braso ko dahilan para mapayakap ako sa isang matipunong katawan na may mabangong amoy.

"Muntik ka na dun ah." Mahinahon ngunit lalaking lalaki ang kanyang boses, napalunok ako dahil nanatili siyang nakayakap sa akin. Dahan-dahan akong tumingala at nasilayan ko ang isang makisig na lalaki na ngayon ay nakikipag sukatan ng tingin sa akin. Bigla niya akong binigyan ng isang matamis na ngiti na lalong nagpatulala sa akin.

Hanggang sa bahagya akong napaatras nang ayusin niya ang bonnet ko dahil ayokong may ibang makakita na wala na akong natitirang buhok. Maging siya ay napaatras pero muli siyang ngumiti at itinuloy ang pag-aayos non.

"Mukhang desidido ka nang tapusin ang buhay mo ah?" kaswal na sambit niya. Nakangiti pa rin siya habang inaayos ang bonnet ko kaya naman hinawi ko ang kamay niya at umatras palayo sa kanya.

Napalumunok ako, "Alam mo naman palang desidido na ako, bakit nakialam ka pa?" Bulyaw ko na mas lalong nagpangisi sa kanya.

"Actually, hindi kita pipigilan." Cool na sabi niya saka isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. Napansin kong naka uniform pa siya dahilan para mas lalong bumigat ang puso ko. Namimiss ko nang pumasok sa school, namimiss ko ang mga tinatawag kong kaibigan na ngayon ay mukhang nakalimutan na ako.

"Napansin ko kasing magulo ang bonnet mo, that's why pinigilan muna kita. Wala ka nang buhok hindi ba? Ang pangit naman kung tatalon ka d'yan na hindi ka maganda." Panunuya niya na nagpakunot sa noo ko.

"Kasi ako? Kung mamamatay ako, gusto ko gwapo pa rin ako. Kaya dapat ikaw, mamatay ka sanang maganda ka." Dire-diretsong aniya na nagpainis ng husto sa'kin. Kinuyom ko ang kamao ko at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"How dare you!" Pabulong na singhal ko sa kanya pero narinig ko lang na tumawa siya.

"Why? Gusto mo diba? Come on, ituloy mo na. Papanoorin kita!" Tumatawang sambit niya, samantalang hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko. Lalo siyang tumawa, "Ayaw mo hindi ba? Come on, I know gusto mo pang mabuhay ng matagal. Kaya ka nga nandito sa ospital na 'to." Paninigurado niya.

"It's not your time yet, bakit mo minamadali 'yang pagkamatay mo? You're still lucky, dahil binibigyan ka pa ng Panginoon ng oras para labanan 'yang sakit mo, para makasama pa ng matagal ang mga mahal mo sa buhay, habang 'yung ibang tao d'yan bigla-bigla nalang namamatay sa aksidente o hindi na nagigising mula sa pagkakatulog nila." Litanya niya na nagpakurot sa puso ko. Mas lalong nag-unahang tumulo ang mga luha ko habang nanatili ang titig ko sa ekstrang hero sa harapan ko.

Wattpad Filipino Block Party 2022Where stories live. Discover now