MsjovjovdPanda's Short Story

622 15 0
                                    

Campus King Meets Miss Pangit (SPIN-OFF)

By: MsjovjovdPanda

Paano kung isang araw magising ka nalang na nagbago ang katauhan mo at nailipat ang pagkatao mo sa pinaka-hate na hate mong tao...

Fairy's Point of View

Pinagmamasdan ko ngayon ang isang dalaga na ubod ng pangit na nilalait ng isang binatang guwapong mayaman ngunit napakasama ng ugali.

Naisipan ko silang lapitan kung kaya't iwinagayway ko ang aking magkabilang pakpak. Lumipad ako kasabay ng pag-ikot ng aking mga kamay at itinutok ko ang aking magic sword sa buong kapaligiran.

Unti-unti tumigil ang lahat ng mga mortal sa paglalakad ganon din ang kanilang oras.

Dumapo ako sa dalawang taong labis na magkaaway.

Pinagmasdan ko sila at binasa ang mga katauhan. Sina Melanie "Bebang" Dimakales at Ozu Kang na talo pa ang aso't-pusa kung magbangayan.

Nang matapos ko iyon ay ngumiti ako sa kanilang dalawa. "Isa, dalawa, tatlo, kayo ay pagpapalitin ko ng pagkatao. Bukas ng umaga magbabago ang lahat sa inyo."

Matapos ko iyong sabihin mabilis kong ibinalik ang lahat sa dati kasabay ng paglaho ko sa palagid.



Bebang's Point of View

Nagkakamot ako ngayon sa ulo ko ngunit bakit ganon parang naging maiksi yata ang buhok ko?

Napahikab ako pero bakit ganon parang may nakapa akong bukol na maliit sa gitna ng leeg ko?

Tumagilid ako sa kanan at tumagilid ako sa kaliwa pero bakit ganon parang may mahaba sa aking gitna?

Bigla namang tumunog ang alarm clock ko kaya bumangon na ako. Pumunta ako ng cr habang nakapikit pa. Iihi akong nakaupo pero bakit ganon parang may kakaiba?

Pagdilat ng mga mata ko nagulat ako sa nakita ko-may cobra!



Ozu's Point of View

Napakunot-noo ako nang maramdaman kong parang ang tigas naman yata ng kama na hinihigaan ko ngayon. Ano ba'ng ginawa ng katulong namin dito mapapatay ko talaga siya dahil hindi ako gaanong nakatulog.

Sa sobrang badtrip ko padabog akong bumangon. "Yaya, iligpit mo na mga damit mo! You're fired!"

Pumasok ako sa loob ng banyo matapos kong gumawa ng ingay. Naiihi rin kasi ako.

Nakapikit pa ako ng mga mata habang kinakapa ko ang aking maselan na parte ngunit bakit ganon parang kakaiba ang hugis nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang sa paghubad ko ng aking short, kakaiba ang nakikita ko.

Mabilis na dumagundong ang buong bahay sa lakas ng pagsigaw ko.

"Paano ako nagkatawang babae!" gulat na gulat kong sambit nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Ngunit ang labis kong pinagtataka ay si Pangit ang nakikita ko ngayon, ang babaeng madalas kong nilalait dahil sa pangit niyang itsura.

*****

Pagkapunta ko sa Kang Academy mabilis kong hinanap si Pangit. Pero papunta pa lamang ako sa hallway nitong building may nang trip na kaagad sa akin.

"What the f-" anas ko. Sumubsob ako sa lupa dahil may tumulak sa akin. "Damn, it hurts," pagpipigil ko ng galit.

Pinagtatawanan na ako ngayon ng lahat. Di pa sila nakontento binato pa nila ako ng itlog at harina. Ano pa nga ba ang inaasahan ko si Pangit kasi ang nakikita nila sa pagkatao ko ngayon.

Wattpad Filipino Block Party 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon