alyloony's Short Story

1.5K 95 16
                                    

FALLEN

Written by: Aly Almario (Alyloony)

One thing I love about working in a coffee shop in front of a beach is I can watch beautiful sunrise and sunset from here. Since gawa sa glass wall ang coffee shop na 'to, tanaw na tanaw ko ang kalangitan mula rito.

It's almost six in the morning. Open na kami but the shop is still empty. Karamihan ng mga turista ay either tulog pa o nasa harap ng beach, nag-aabang din ng sunrise.

Habang nagbabantay sa counter area ay napatingin ako sa kalangitan mula sa glass wall. The sunrise is extra beautiful today. A mixture of golden yellow and orange painted the sky. Summer na, and someone told me na mas maganda ang sunrise pag summer. He's not wrong about that.

Habang nakatingin ako sa kalangitan ay narinig kong tumunog ang bell na nakasabit sa pinto ng store namin kaya naman napatingin ako rito. I saw a guy enter. He's quite tall, broad shoulders and lean body. His hair is jet black, so is his eyes. But what caught my attention is the beautiful smile he gave me nung nag tama ang mga paningin namin.

I smiled back at him, trying to act normal. Pero sa totoo lang, parang gusto ko nang matunaw. Everytime na pumunta siya rito sa coffee shop na 'to at nginingitian ako, pakiramdam ko para akong matutunaw. He's like the summer sun-he gives the warmest and most beautiful smile.

"Good morning," bati niya sa akin as he reached the counter. His voice is lower than usual and a little bit husky. Probably dahil kagigising pa lang niya.

"Good morning, sir. Having your usual?" tanong ko sa kanya.

"No. Not today. I think I'll have iced coffee instead," sabi naman nito. "Summer na talaga. Ang init na, eh."

Napangiti ako ulit at tumango habang pina-punch ko ang order niya sa monitor screen.

"Oo nga po sir, eh. Dahil nandito na kayo, summer na ulit," sabi ko sa kanya.

"Hmm? Ako ang palatandaan mo na summer na?" he asked with an amused expression on his face.

Tumango ako. "Opo, sir. Kasi pag bumibisita kayo rito sa beach, alam kong summer na."

He used to live around the area at every morning siyang nagkakape rito. But three years ago, lumipat na siya sa city para doon mag trabaho kaya naman every summer na lang siya nakakabisita.

And god knows how much I look forward to summer para makita siya.

"You're quite observant," he said.

'Sa 'yo lang,' I thought. 'Dahil wala nang ibang nakakakuha ng atensyon ko sa mundong 'to kundi ikaw lang.'

Tanging ngiti lang sinagot ko sa kanya at tumalikod na ako para gawin ang kape niya. Napansin kong pumunta siya sa may hand-off area at pinapanood akong gumawa ng kape.

I suddenly feel conscious. Sana hindi ako mukhang tanga rito. Siguro naman hindi pa ako haggard kasi kaka-start lang ng shift namin, 'no? Bakit ba siya nakatingin kasi?!

"Nakita mo yung sunrise?" dinig kong tanong niya.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya and I saw him staring at me with a smile on his face. Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa kape na ginagawa ko dahil pakiramdam ko parang may pumipilipit sa puso ko.

"Mula rito, oo" sagot ko.

"Pero nakita mo na ba 'yung sunrise doon mismo sa dalampasigan?"

"Dati," matipid kong sagot.

"Kailan ang huling beses?" tanong niya.

Muli kong inangat ang tingin ko sa kanya and I stared at his eyes. There's curiosity in it. While me? I saw flashes of images from a distant memory.

Me and guy, seating side by side in the seashore, waiting for the sun to rise. He's holding my hand while I was leaning on his shoulder. Then he whispered to me, 'iba talaga ang ganda ng sunrise pag naghintay ka ng matagal para mapanood ito.'

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Matagal na," sagot ko sa kanya.

"Pag hindi ka naka-duty try mo umupo roon sa may dalampasigan tapos intay ka lang na sumikat ang araw. Promise, 'di ka magsisisi. Sobrang ganda. Lalo na pag inantay mo, iba ang ganda nito."

Bahagya akong napahinto at pakiramdam ko parang humihigpit ang kung ano mag pumipiga sa puso ko. Huminga ako nang malalim.

"Fallen Coffee Shop," dinig kong sabi niya at nakita ko siyang binabasa ang pangalan ng shop namin mula roon sa coffee cup na nasa harapan niya. "Hanggang ngayon curious pa rin ako bakit Fallen ang pangalan ng coffee shop na 'to."

"May myth," sabi ko habang hinahalo ko ang iced coffee niya. "Sabi nila yung mga nagtatrabaho sa coffee shop na 'to ay mga fallen angels daw na nawalan ng pakpak at hindi na makabalik sa langit dahil umibig sila sa mga moral."

Inilapag ko yung kape sa harapan niya at ngitian siya. "Tingin mo ba sir totoo 'yon?"

Napansin ko na napatitig siya sa akin. He look dazed at parang pina-process niya ang tanong ko. Then maya-maya, he broke into a smile.

"So angel ka rin? Kanino ka na-in love?" tanong nito.

I shrugged habang natatawa tawa. Napatawa rin siya at kinuha niya ang kape na inilapag ko sa harapan niya.

Sa pagkuha niya ng kape ay may napansin ako sa daliri niya na dati ay wala pa n'on.

Wedding ring.

Napahinga ako nang malalim and I felt like my heart's being torn into pieces. Yung pakiramdam na para akong sinusuog nang buhay.

This is a curse indeed.

"Salamat," sabi niya sa akin.

I forced a smile. "Thank you, sir. Balik po kayo!"

He gave me one last smile bago siya tuluyang lumabas ng coffee shop.

"Is he worth it?" dinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan ko na kanina pa pala nakamasid. "Falling in love with him, I mean. Worth it ba na matanggalan ka ng pakpak at hindi na makaakyat sa langit dahil minahal mo siya? Kahit na burado ka na sa alaala niya?"

Hindi ako sumagot agad.

Inalala ko kung paano ko siya unang nakilala. Summer. Dito rin sa beach na 'to, during sunrise. I am an angel of death and he's not supposed to see me. But I made myself seen. And after that, we fell in love.

I remember each moment I had with him. That one whole summer I've spent with him, hoping he could spend the rest of his life with me. We've watched a lot of sunrise and sunset, talk about the most random things, and love like we're dying the next day.

I know angels are not supposed to fall in love with humans, and I suffered a great consequence because of that. Pero kahit na wala na akong pakpak o hindi na niya ako naalala, okay lang.

Basta makita ko siyang masaya.

Basta nakikita ko siya.

Kahit tuwing summer lang. Kahit ako na lang ang nakakaalala. Ayos lang.

Because that's how much I love him.

"Wala akong pinagsisisihan."

Wattpad Filipino Block Party 2022Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon