chapter 18

1.8K 53 5
                                    

Hindi naman big deal sakin ang hindi niya paghatid at pagbili sakin ng santol at bagoong na yun ang hindi ko lang matanggap ay bakit hindi man lang niya sinabi sakin ang rason kong bakit.

Hindi man lang siya tumawag sakin kong bakit. Hindi man lang siya nag paliwanag.

It's been five days since that happened pero kahit isang reason hindi man lang siya nag sabi sakin kong bakit. Kahit isang paliwanag lang tatanggapin ko naman Kasi hindi naman ganon ka big deal yun.

Bukas ay may check up ako sana this time may oras na siya sakin. Napapansin ko Kasi na ilang araw na siyang walang oras sakin.

Hindi narin niya ako nahahatid parati kapag uwian na at wala lang din Yun sakin Kasi baka busy siya at may tinatapos kaya nagpapasundo nalang ako sa driver namin.

Napapansin ko naman mga nitong nakaraang araw na sobrang saya ni Ella at hindi na mababakasan ang lungkot sa mga mata niya.

I'm happy for her. Sana magpatuloy na yang ngiti nayan sa mga labi niya.

Napapansin ko rin na mas lalong lumalayo na nga siya sakin ngayon.

Anong ginawa ko? What did I do to treat me like this?

Hindi ako tanga para hindi maramdaman na may nangyayari na. Hindi ako ganon ka bingi para hindi marinig lahat hindu rin ako ganon ka bulag para hindi Makita lahat ng nangyayari pero pinipilit ko paring hindi makinig at maging bulag-bulagan nalang sa lahat ng nangyayari.

Mas pinili ko nalang manahimik para sa magiging anak ko. Pinili ko nalang na wag mag paka  stress sa lahat para sa baby ko.

Pero sa susunod parang hindi ko na ata kayang manahimik at maging bulag-bulagan nalang sa lahat at maging  bingi.

Dumating na ang araw ng check up ko at sinabihan ko narin si Kurt tungkol dito nag text narin ako kanina at kagabi pero walang response at reply naman tinawagan ko rin siya pero hindi naman sumasagot sa mga tawag ko.

Nang sabihan ko naman siya ay sabi niya sasamahan niya daw ako. Ngayon na araw na nang check up ko pero wala siya at hindi dumating. Hinintay ko pa siya ng ilang oras ngunit walang Kurt ang dumating. Walang Kurt ang sumipot sa hospital.

Hindi ko na siya hinintay pa dahil tinawag na ang pangalan ko at ako ang e check. Gusto king umatras sana pero para sa baby ko to kaya ayos lang at kaya ko to.

Gusto na mangilid ng kuha ko pero pinigilan ko ito.

We can do this baby. Laban ka lang, dahil lalaban si mommy para sayo.

Matapos ang check up ko ay dumiritso na ako sa bahay at dumiritso sa kwarto ko at nag lock ulit ng kwarto ay hindi na lumabas.

Nang makarating ako sa kama ko ay dun na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan bumagsak.

Maayos naman ang baby ko at malakas ang kapit sa'kin kaya wala daw akong dapat na ipangamba sabi ng doctor.

Ngayong nag umpisa na tumulo ang mga luha ko, ay wala naman na siyang tigil ngayon. Kahit anong punas ko pero tulo parin ito ng tulo at walang tigil.

Why Kurt? Bakit? Ganon kaba ka busy na kahit sa check up ko wala ka nang oras samin ng anak mo? Bakit? Anong ginagawa mo? Gusto ko ng reason sana pero natatakot ako sa magiging dahilan niya. Natatakot ako malaman Kasi once na malaman ko iyon alam kong iyon ang magiging sanhi ng pagbagsak ko at pagkawasak ko.

Is she that better that me?

Gustong gusto ko na siya sumabatan at sigawan pero hindi ko naman magawa kapag Jan na siya sa harapan ko. I ended up hugging him once I see him.

I really love him that much. Kahit anong kasalanan nya pa iyon kaya ko siyang patawarin ng pa ulit ulit. Kaya ko siyang tanggapin ulit. Kaya ko siyang yakapin ulit na parang wala lang nangyari.

Nakatulugan ko lang ang pag iyak hanggang sa nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako sa kusina para kumain.

Inayos ko muna ang sarili ko baka andun pa si mommy dahil minsan kahit ganitong oras bumababa si mommy para uminom ng tubig o gatas kapag hindi makatulog.

Pasaka naman ako dahil wala akong may nadatnan na tao sa kusina pagbaba ko.

Days had passed and it's already wensday. Sa dalawang araw na may klase ay hindi ko pinansin si Kurt. Nag tatampo at may galit parin ako sa kanya.

Kahit ganon sabay parin kami kumakain tuwing tanghali kasama sina Ella at Fritz. Si Fritz lang naman maingay samin kaya hindi medjo awkward samin na ipinasalamat ko iyon Kay Fritz dahil sa kadaldalan niya.

"Mauuna na ako." Sabi naman ni Ella saka tumayo na.

Hindi ko naman siya pinansin at hinayaan nalang ba umalis siya.

Inubos ko nalang ang pagkain ko at inayos ang mga gamit ko at tumayo narin.

"Mauuna narin ako." Paalam ko sa kanila saka umalis na.

Tinawag naman ni Kurt pero nag kunwari nalang ako na walang narinig na kahit ano.

"Hey, wait me!" Nakasunod parin siya sakin.

Bigla naman niya hinablot ang kamay ko saka ako pinaharap sa kanya.

"What?"

"Are still mad at me?" Tanong naman niya sakin ng makaharap na ako sa kanya.

"Why would I?"

"Kasi hindi kita sinamahan sa check up mo noong Saturday."

"Is that all? Naintindihan ko naman kong bakit hindi ka sumama kaya ayos lang sakin yun. Huwag mo nang alalahanin pa. Let's forget it."

"I'm really sorry. I was very busy that time kahit nangako akong sasamahan Kita. Babawi nalang ako sa susunod na check up mo, promise hindi na ako magiging busy nigan sigurado."

"Nah! It's okay, I understand." Sabi ko sakw ngumiti sa kanya. "Mauna na ako baka ma late Kasi ako eh." Sabi ko sa kanya.

Tumango lang naman siya sakin. Hindi na ako hinatid pa. Ganito naman set up namin palagi. Hindi na niya ako hinatid pa.

Alam kong nanjan pa siya sa likod ko kaya pero hindi ko na siya liningon pa.

I always understand you Kurt even it cause me so much pain.

Hiding The Architect's SonWhere stories live. Discover now