CHAPTER 56

7.4K 160 3
                                    

Chapter 56: The culprit

"YOU want to eat something, baby?" I ignored Markus. I remained silent at sa labas lang ng bintana ang atensyon ko. Sakay na kami ng kotse niya.

Kanina pa niya ako kinakausap. Pero pinipilit niya pa rin akong magsalita, kahit ayaw ko. Ni hindi man lang siya nainis dahil sa pagbibigay ko nang silent treatment sa kanya.

Ganito pala manuyo sa isang babae ang Engineer Markus S. Brilliantes. Nakaiirita na rin...

Pinayagan agad ako ni Dr. Dex na ma-discharge sa hospital at heto nga sa kung saang lugar na naman ako dadalhin ni Markus.

"Ang hirap naman suyuin ng baby ko," pagpaparinig pa niya sa akin. I rolled my eyes.

Baby your face. Gusto ko sanang sabihin 'yan sa pagmumukha niya. Pero huwag na lang.

Napaayos ako nang upo ng makita ko si Rudeng. Bitbit niya si Marue at dinaig pa ang alaga ko dahil nakasimangot siya. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan para makuha ko ang alaga ko.

"My Marue," usal ko. Maingat naman ibinigay sa akin ng pinsan ko ang alaga kong pusa na unti-unti nang nagkakalaman. Pina-check up ko kasi siya sa vet, eh.

Hinaplos ko ang balahibo niya at mukhang nakilala niya ang amo niya.

"Aalis na kayo?" tanong niya sa akin. Umiling ako bilang tugon.

"Hindi ka ba sasabay?" tanong ni Markus.

"Friends tayo?" masungit na tanong naman ni Rudeng sa kanya. Hinayaan ko silang mag-usap. Bahala silang dalawa na magbangayan.

"Nope. But soon, I am free to call you Aunt Rudelyn. My uncle's wife, how's that?" ani Markus. Kahit hindi ko sulyapan ang mukha niya ay alam kong nakangisi na siya.

Pambihira. Sa lahat ng puwede niyang i-ano sa pinsan ko ay iyon pa. Ang i-pair niya sa uncle niya. Pinakaayaw pa naman ng isang 'yan.

Si Engr. Godfrey Brilliantes, ang lalaking biglang bumuhat kay Rudeng. Nasa bansa na naman siya. Para siyang multo na pasulpot-sulpot na lang sa kung saan-saan.

"In your dreams," sabi naman ni Rudeng at umikot pa ang eyeballs niya.

"How old are you, Ms. Rudelyn?" kapagkuwan ay tanong na naman ni Markus. Binubully niya lang si Rudeng, eh.

"Mas matanda ng apat na taon ang tiyuhin mong black sheep," sa halip ay iyon ang isinagot ng aking pinsan. Nasa boses ang iritasyon.

"Thirty one," maikling sambit ni Markus. Naramdaman ko ang paglapit ng katawan niya sa akin at ang kamay niya ay mabilis na dumapo sa bandang tiyan ko. Sinamaan ko siya nang tingin. Kung makahawak.

"Nine months from now, magiging Lola ka na pala at the young age," sabi niya na may ngisi sa labi at naaaliw talaga sa pagbibiro niya.

"Shut up!" sabay na sabi namin ni Rudeng.

***

I SHOULD ask Markus, kung ano ang ginagawa namin sa lugar na ito na hindi naman ako pamilyar. Pero tinatamad akong magsalita at ayoko rin siyang kausapin.

Huminto sa tapat ng malaking mansion ang sasakyan ni Markus. Napakalaki nito at nasa labas pa lang kami ay halatang mayaman ang may ari nito.

Pinagbuksan ako ni Markus ng pintuan ng kotse niya. Inalalayan pa akong makababa at ang isang kamay niya ay nasa ulunan ko. Na tila ba kung mauuntog ako ay hindi ako masasaktan at sa kamay niya tatama ang ulo ko.

The Rude Queen's Heart (Brilliantes Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon