Hinaplos niya ang pisngi ko. Hindi ko naman iyon binigyan ng masamang kahulugan.

"Get well, soon, baby..." Muntik nang umawang ang labi ko dahil sa tinawag niya sa akin.

At si Markus ay parang aso na bigla ay nagising. Tinampal nito ang kamay ng kapatid. Walang emosyon na nagtitigan pa ang dalawa.

Pero sino ba ang talo sa eye contact nilang magkakapatid? Si Michael. Takot niya lang sa Kuya niya.

"Kanina pa siya gising," nanunuyang sabi ni Michael at nagkibit-balikat pa.

"Nagpapa-baby sa 'yo, Thez. In-enjoy ang paghaplos mo sa buhok niya," ani naman ni Markin at ngumisi pa sa kuya. Sa huli ay nag-iwas nang tingin ang mga kapatid ni Markus.

Pero si Miko. Tumawa lang nang malakas. Wala talaga sa kanya ang madilim na mukha ng Kuya niya at kahit napakabigat pa ng presensiya nito. Parang wala lang talaga sa kanya.

Tinanggal ko na ang kamay ko sa buhok niya pero hinawakan niya lang iyon at hinalikan ang likod ng palad ko, may pag-iingat pa.

Noon, kay Rio ko lang nakikita ang ganitong side niya pero ngayon...

Malamlam ang mga matang sinalubong niya ang madilim at walang emosyon na mukha ko. Kahit iyong puso ko ay natutunaw na naman. Natutunaw na naman dahil sa ginagawa niya.

Hindi na naman mapapakali sa presensiya niya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Kulang na lang ay lalabas na ito.

"How are you, baby?" he asked me. Ang boses niya ay talagang bagong gising pa siya. I didn't answer though.

"Silent treatment," ani Miko. Pekeng umubo pa siya at pasimpleng binigkas ang mga katagang iyon.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" I looked at the door. Si Zanloyd. May dala na naman siyang isang basket na prutas kaya wala sa sariling napatingin ako sa isang table. Nandoon lahat ang mga dala ng Brilliantes clan, prutas at mga bulaklak.

Walang sumagot kay Zanloyd. Mariin na tumiklop ang bibig ko. May third batch pa ang pagdalaw sa akin ng mga bisita. Ang mga pinsan na naman ni Markus.

"Get out," malamig pero kalmadong wika ni Markus. Nakahilig na rin siya sa headboard ng hospital bed ko at hawak niya pa rin ang kamay ko na hindi ko naman mabawi-bawi, dahil sa higpit no'n.

"Kadarating lang namin, Kuya Markus," ani Daziel at tatawa-tawa na tinambak niya rin sa table ang dala niya.

Nasabi ko kanina na Brilliantes clan at talaga namang nandito silang lahat.
Napahilot ako sa sentido ko. Nakakairita silang lahat.

Pero ang nanatiling tahimik at seryoso ay mga eldest na kasing edad lang ni Markus.

Sina Engr. Darcy, Demilion, Briell at Engr. Orian. May dala rin sila pero ibinigay ng mga ito kay Markus. Na hindi naman pinansin ng lalaking ito.

"Thank you, fourth batch?" tanong ko at tiningnan ulit ang pintuan. Narinig ko na naman ang halakhak ni Miko.

"Seriously, hindi na tayo kasya rito. Lumabas na kayong lahat. Saka ano ba ang ginagawa niyo rito?" iritadong tanong ni Markus.

Si Zanloyd naman ang sumagot, "Oo nga, ano'ng ginagawa ng Brilliantes clan dito? Sa pagkakaalala ko ay wala na kayong ugnayan sa Medina family," nanunuyang sabi ni Zan at isa-isa pang tiningnan ang mga bisita ko. Bisita nga ba?

Nainis yata si Markus kaya umalis siya sa bed. Nilapitan niya si Zan na matapang naman itong humarap sa kanya.

Wala ring pakialam ang mga kapatid at pinsan niya. Hinahayaan lang siya ng mga ito. Hindi naman ako takot na baka gulpihin ni Markus si Zanloyd. Dahil baka si Markus pa ang mas kawawa sa kanilang dalawa.

The Rude Queen's Heart (Brilliantes Series #1) (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ