Pero sa huli, maiisip ko ang lahat ng nakakainis na ngisi niya at pang-aasar niya sa 'kin.

You better not.

Hindi talaga!

Nawala lang ako sa pag-iisip nang matigilan ako dahil umangat ang tingin ni Enzo sa gawi namin ni Antonia. Mabilis lang dahil tuluyan na silang nawala sa paningin namin dahil nakapasok na sila sa building.

Agad akong napamura at nanlaki ang mga mata ko. "Tumingin ba siya rito?!" Nilingon ko si Antonia.

"'Wag kang masiyadong umasa." Umiling siya at napasimangot ako.

"Kaunting suporta naman!" sabi ko at agad siyang tumawa.

Minsan talaga, hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan!

Basta! Tumingin si Enzo. Buo na ang araw ko.

━━

"Talaga naman. . ." naiiling kong sabi habang tinitingnan si Antonia na kausap si Alec sa labas ng klase namin.

Malapit na ang next subject. Mukhang nagkapatawaran na ang dalawa dahil nakikita ko si Alec na may ibinibigay kay Antonia habang maganda ang ngiti.

Dahil kuryoso, tumayo na ako para puntahan sila.

"Pasabi kay tita, thank you," si Antonia na tinanguan naman ni Alec.

"Okay. Ime-message kita mamaya."

Umirap ako dahil sa nakita ang ngiti ni Alec. Ni hindi man lang napansing dumaan ako! Talagang nasa isa't isa ang atensyon ng dalawa.

Hindi ko na lang sila ginambala dahil alam kong hindi ko na sila dapat guluhin. Mukhang masaya si Alec na kausap si Antonia kaya sino naman ako para pigilan ang pagporma niya sa kaibigan ko?

Dumiretso na lang ako paalis ng klase dahil gusto kong pumunta sa banyo bago pa man magsimula ang susunod na subject.

Habang naglalakad sa hallway, hindi ko napigilang ilibot din ang tingin ko sa paligid. Kakaunti ang nasa labas ng mga rooms dahil nagsisimula na rin ang halos lahat ng klase.

Kaya nga hindi nakatakas sa paningin ko nang bigla kong makita ang isang pamilyar na bulto sa hallway, lumiliko sa isang pasilyo.

Agad akong natigilan. Si Eros 'yon, ah?

Hindi ako pwedeng magkamali! Syempre, mag-isa siya. Hindi ko naman nakikitang mag-isa si Enzo kaya tiyak na si Eros 'yon.

Hindi pa ba nagsisimula ang klase niya?

Agad akong naglakad papunta sa hallway na nilikuan niya at sinilip kung saan siya pupunta.

Mukhang palabas na siya ng building. Agad akong naglakad kasunod niya.

Ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Araw na rin ang lumipas. Parating si Enzo ang nakikita ko, pati na si Amos. Ano kaya ang pinagkakaabalahan niya? Saan siya nagpupunta kadalasan? Saang cafeteria siya nagpupunta?

Susunod na sana ako palabas ng building nang agad akong natigilan dahil may biglang nakasalubong.

Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang makita si Eros na mukhang pabalik ulit sa loob ng building! Halos bumangga ang mukha ko sa dibdib niya pero nagawa kong pigilan ang sarili ko sa tamang oras.

Inangat ko ang tingin sa mga mata niya at parang may gumapang na kilabot sa buong katawan ko nang masalubong ko ang mga mata niya. His hazel eyes look more vivid in daylight—ibang-iba sa mga mata niyang nakita ko n'ong gabing 'yon sa restaurant.

He frowns when he realizes that it's me.

He sighs and smirks. "I told you to get it right," aniya at pinagtaasan ako ng kilay. "Ako na naman ang nahuli mo. Do I need to have a nameplate on me so you won't confuse me for my brother?"

Agad na namang uminit ang ulo ko. "Alam kong ikaw si Eros, 'no!"

Lalong umangat ang kilay niya. "So you're stalking me now?"

Nalaglag ang panga ko at nawalan ng sasabihin.

Para siyang natatawa sa 'kin. Kung ako rin naman sa kaniya, matatawa rin ako sa sarili ko.

"I'm not stalking you!" Umiwas ako ng tingin.

"You're a bad liar and you know it."

Uminit ang mga pisngi ko at matalim ang tinging ipinukol ko sa kaniya. Tatalikod na sana ako pero agad akong natigilan nang magsalita siya ulit.

"For the past few days, you always had your eyes on me. Do you know how hard it is to not laugh when I catch you gawking?"

Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga dahil sa sinabi niya. Had my eyes on him? On him?!

He sighs when he realizes I confused him for Enzo—again!

"Aren't you getting tired of confusing me for my brother?" he asks.

Agad akong nanlumo. Hindi ko na rin alam sa sarili ko. Bakit ba hindi ko magawang tukuyin kung si Enzo nga ba ang nasa harapan ko?

Ngayon lang ata ako tumama sa hula ko. Si Eros nga ang sinundan ko rito. Pero sa lahat naman ng pagkakataong tama ang hula ko, kay Eros pa talaga.

Hindi naman siya ang nagustuhan ko ng tatlong taon.

"How about I help you? I will let you get to know me better and get closer with Enzo at the same time so you won't have a hard time telling who is from who anymore. What do you think?"

Kumunot ang noo ko at seryoso siyang tinitigan.

"Bakit mo naman gagawin 'yon para sa 'kin?" I ask.

He stares back at me with the same intensity. "So you'll stop mistaking me for someone else. It's bothersome."

I purse my lips and he brings his eyes down to them, smirking after.

It's like a devil's offer.

With his cunning eyes and smirk, I know it's a deal with the devil himself.

However, even though I am fully aware of it, I find myself staring and nodding at him.

"Okay," I say, signing my name on the contract with the devil, Eros Avillanoza.

TVD #8: You Missed, Cupid!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant