Agad itong tumawag. "hello"

"Salamat sir, malaking tulong po ito sa pamilya ko" aniya ng food delivery man.

"Itago mo tung perang nasingil mo baka mahulog sa daan. Ingat ka po"

Sumandal siya at napangiti.

Maya maya ay umupo siya ng maayos at may naisip na kalokohan.

"Kape"

Nakatingin ito sa kanyang relo. Wala pang 3minutes nariyan na si Tata.

"Kape"

Nahihinto ang ginagawa ni Tata, marami pa naman iyon.

"Kape"

(Ano, kape nanaman?) nagtatalang sambit niya

Nagmadali ulit siya sa pagtimpla.

Pabalik balik siya sa coffee area. Halos maubos na ang tasa.

Nang muli itong bumalik ay tatlong piraso na lang.

Nasa sink lahat ng cup.

Sa pagbalik niya ay wala ng natirang cup.

Pumasok ito sa office ni Zeq.

"Sir, wala na pong magamit na cup."

Nang ituro ni Zeq ang kusina ay nakita niya ang mga iyon. Lahat may laman. Yung iba halos hindi nagalaw.

Lumingon siya dito.

"Ang sama ng timpla mo. Did you taste it before you gave it to me?"

Umiling siya.

"Yung iba sobra sa asukal,yung iba ang pait." pagpapaliwanag niya

Sa kuryusidad ay tinikman niya ito isa isa.

Halos pate pareho ang timpla niya. (Sakto naman) bulong niya

"Magtitimpla pa po ba ako?" tanong nya

"No, just want a coffee from starbuck. I need it now"

Mabilis iting lumabas. "Ibang klase, hanep kung mag trip ah." napasinghap ito at umiling.

Naghanap hanap ito sa lugar. Nagtanong tanong na rin siya. Sa kabilang kalsada sa ikalawang building naroon ang hinahanap.

Hindi na halos nakakatapak sa lupa ang buong talampakan kakatakbo nito makabalik lang sa opisina ng mabilis.

Humugot ito ng malalim na hininga at pumikit. (Tata relax ka lang)

Pumasok ito at inilapag ang bitbit.

Napalingon siya sa bawat sulok. Walang tao pati ang coat at bag nito ay wala rin.

Biglang tumunog ang selpon niya.

Nasa screen ang name ni Zeq

"Hello?"

"May pupuntahan ako, sayo na yang kape"

Nagkibit balikat siya at napasapo sa sintido.

"Hyper ka mang trip. May araw ka rin"

Naisip niya pabor sa kanya iyon dahil walang istorbo at mabilis niyang matatapos ang mga gawain.

Tahimik ang kanyang paligid. Mayroon siyang peace of mind habang gumagawa.

"Where is Armando?"

Biglang tanong ng ginang.

"Maaari ko po ba malaman kung sino po ba sila?" tanong ni Tata

Ngumisi ang ginang at tinignan si Tata mula ulo hanggang paa.

"I don't need to waste my time" dumiretso ito sa may pinto

Humarang si Tata. "ma'am busy po si sir. Kung wala po kayong appointment hindi po siya pwedeng istorbuhin"

"tumabi ka" matigas na sambit ni Rebecca

"ma'am ako po mapapagalitan japag hindi ko sinunod si sir" giit ni Tata

Itinulak siya ng ginang. Hindi niya inaasahan na gagawin sa kanya iyon.

Malakas ang pagkakatulak sa kanya kata bumukas ang pintuan.

Nabigla si Armando sa nakita. Agad itong tumayo.

Pumasok si Rebecca ng hindi man lang niya tinulungan si Tata, nginisihan pa niya ito.

"Rebecca, what are you doing here!" mataas na tuno ni Armando

"Did you miss me may ex-husband?" nakangiti ito at nakipagtitigan kay Armando.

Napalingon si Tata sa babae ng marinig iyon. Hawak niya ang balakang na sumasakit gawa ng nasagi niyang door knob bago ito natumba.

(nanay kaya ito ni Zeq?" nagtatanong ang kanyang mga mata na nakatingin lang sa ginang.

Lumingon si Rebecca kay Tata. "Makikinig ka ba ng pag-uusapan namin? Bumaba na ba ang standards mo at mukhang hindi marunong itong bago mong sektretarya?" tinaasan niya ito ng kilay.

"Anong kailangan mo?" tumingin siya kay Tata at suminyas.

Isinara niya ang pinto at tyaka bumalik sa kanyang mesa.

(Baka nga nanay niya yun, sama ng ugali. Parehong pareho sila) bulong niya.

Tumayo ito para kumuha ng tubig.

"Hay naku, nandito nanaman ang dragonisa na yan"

"Kapag nakikita ko siya tumataas ang mga balahibo ko"

"Oo nga nakakatakot ang presensya niya"

"Uy Tata kumusta ka, nakita namin yung ginawa sayo ng matandang bruha na yun"

"Ah ano okay lang ako" aniya

"Pupunta lang naman dito yan kaapg kukuha ng pera."

"Sino ba yun?" sabat ni Tata

"Dating asawa ni sir Armando na nanay ni sir Ezequille"

"Diyan siya nagmana ng ugali"

"Kaso hat€ niya ang nanay niya ng 101%"

"So much of talk, yan ba ang binabayan sa inyo ang mang tsismis?"

Napalingon sila sa nagsalita. Mabilis silang nagsibaluk sa kanilang pwesto.

"Ikaw, kabago bago mo lang dito." pamumuna ni Rebecca kay Tata.

Yumuko si Tata at bumalik na rin siya

"I hat€ that girl" aniya habang sinusundan nita ng tingin






The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now