KBNT 17

159 6 4
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 17
Two rounds

"Bakit ba kasi isasama mo pa kami?" reklamo ni Ashlee na ngayo'y nag-aayos ng mga gamit na dadalhin.

"Ayaw kong magkaroon ng issue. Baka kapag balik ko dito ang dami na ng mga kalat ng kwento tungkol sa akin."

"Tss. Parang di ka sanay sa mga ganyang issue ah." ngumisi siya sa akin.

"Noon okay lang ang mga ganoong issues about us. Pero iba na ngayon lalo na may jowa na yung tao."

Tumango tango siya na tila ba nakuha na rin niya ang ibig kong sabihin.

"By the way, tinawagan ko na si kuya Sam. Isasama niya daw si ate Faye." sumimangot siya sa akin. "Ako lang ang walang partner nito."

'I knew it.'

"Ode magpartner kayo ni Aristotle." inirapan ko siya.

She just rolled her eyes on me and packed all her things that she mostly needed.

"Huwag ng maraming reklamo, ayusin mo ja lahat ng dapat mong ayusin. Aayusin ko na rin ang ang because based on Aristotle the great maaga ang alis natin bukas."

"GISING NA alasingko ang alis natin!" pambubulabog ni Ashlee sa akin.

Parang hindi nagrereklamo kagabj nauna pang gumasing sa akin ang walang hiya.

Tinignan ko nag table clock ko, alas kwarto palang ng umaga. Para namang sure ang alasingkong alis namin. Lagi namang Filipino time ang oras ng mga gala namin.

Pero dahil alam kong hindi na ako lulubayan ng animal na Ashlee na 'to bumangon agad ako't pinagbiksan siya ng pintuan.

"Ang aga pa." reklamo ko sa inaantok na boses.

"Tanga, alasingko nga alis diba? Malamang maaga."

"Nag-almusal ka na?" I asked and she just shook her head "Bakit parang kumain ka na ng purong sarkastimong mga pagkain?"

"Stop with your lame jokes and start readying. Nasa baba na si Aristotle the great."

Then she left me, speechless. Hindi ko ba alam anong meron sa mga to na sa tuwing iiwanan nila ako lagi akong speechless. Ganon ba talaga ako ka slow, tanginang yan.

Para makasigiro ss mga sinabi mi Ashlee sa akin. Bumaba ako sa salas namin. And there is Aristotle the great sitting like he freaking lives in here.

Mabilis akong bumalik sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili. Himalang masasabi na hindi siya Filipino time ngayon. Ganon ba talaga niya kagustong pumunta kami sa Zambales?

Alas kwatro imedya na nang matapos ako sa paggayak ko. Bumaba ako sa salas na dala dala na ang mga gamit ko na hindi naman karamihan. Tanging dalawang backpack lang naman ang dala ko.

Pagbaba ko sa salas hinahanap ko agad si Aristotle dahil wala na siya doon. Lalabas na sana ako ng bahay para tignan kung nasa labas na na sila. Pero, may mga narinig akong ingay na nagmumula sa kusina.

When I entered the kitchen there I saw Aristotle, Ashlee, kuya Sam, ate Faye, at si mama. They're enjoying their cup of coffee.

"Halina't magkape ka na rin, Maureen." aya sa akin ni mama nang makita niya ako sa entrance ng kusina.

Syempre kape 'yon hinding hindi ako tatanggi.

Akala ko ay si mama ang magtitimpla ng kape para sa akin. Pero nagulat ako nang biglaang tumayo si Aristotle ay siya ang nagtimpla ng kape para sa akin.

SWEETEST GOODBYEWhere stories live. Discover now