KBNT 12

197 7 8
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

KABANATA 12
Goodbye

It has been two days since my birthday na bukas ang celebration. Wala naman masyadong naging ganap nang araw na 'yon. Muntik lang magtalo si Tute at Josiah just because of Josiah's endearment to me. Nagtalo rin kaming dalawa ni Tute ng araw na 'yon.

I can still remember everything that happened that day.

"Dalaga ka na, Maureen!" malakas na tiling saad ni Ashlee matapos kong hipan ang dalawang kandila sa cake na hawak ng dalawang lalake.

"Happy birthday, mi Amore." si Josiah 'yon, hindi na niya hawak ang cake dahil binigay na niya 'yon kay Ashlee na hindi naman nagreklamo kay Josiah.

Lumapit siya sa akin at bumeso.

"Thank you, Josiah." I smiled at him.

Hinawakan niya ang kaliwang dibdib niya't umarte na parang ewan.

"Dapat ko na talagang sanayin ang sarili ko na Josiah ang tawag mo sa akin, mi Amore." umakto itong parang kinikilig.

"Ewan ko sayo." umiling iling pa ako sa kaniya.

"Happy birthday, Maureen!" lumapit sa akin ang buong myembro ng marupok, ni hindi ko napansin na kumpleto sila. Nandito din sila Camille at Shene na nakita ko sa mall kanina.

"Thank you." I smiled at them.

"Wala pa kaming dalang regalo kasi hindi naman eto ang celebration ng birthday mo." si Shaira 'yon na sinangayunan naman ng iba.

"Sige aantayin ko ang regalo niyo." I smirked "Siguraduhin niyong may dala kayo kasi sisiguraduhin kong hindi kayo makakapasok kapag wala kayong dala." I smirked widely.

"How about me, mi Amore? I can enter without gift naman diba." tanong ni Josiah na nasa tabi ko, naka hawak rin ito sa bewang ko.

"Tsansing ka ah." bulong ko sa kaniya, sinugurado kong kami lang ang nakarinig non. "No, of course, even though you are my escort you can't enter without gift. Ayos lang na wala akong escort kapag wala kang dalang regalo." I smiled at him.

SWEETEST GOODBYEWhere stories live. Discover now