KBNT 15

192 7 6
                                    

SWEETEST GOODBYE
written by: azhblack

Note: Back to the business na ang lolo Tute niyo HAHAHAHAHA.

_________________________________
______________

KABANATA 15
Period

Tinototoo na talaga namin ni Josiah ang panliligaw niya. He also posted a status about him courting me just to inform everyone we know.

And of course we both received a lot of messages asking if that's for real. And one message from Aristotle.

From: Aristotle :)

I see, he is really courting you. If that's really your decision go. Just please. Siguraduhin mong nagbago na siya, make sure that before you give him your big yes he's really in love with you. And last. Maui, if he... If he ever hurt you, I'm going to kill him.

That's the only message I got from him after Josiah's facebook status. And that's maybe good, siguro ngayon sa iba ko na maitututok ang atensyon ko. Hindi na puros Aristotle nalang.

Scrolling through my news feed I found a photo of Shaira and Ken. Bagay na bagay talaga ang dalang to kaso bakla si Ken. Ayaw taluhin ni Shaira, what a weak woman.

Natawa ako sa naisip ko. Kung mahina si Shaira anong tawag sa akin? Tanga mo Maureen.

"Buti pala hindi ka sumama kay Jeds?" bungad sa akin ng kadarating lang na di Ashlee.

Hatalang bagong gising, wala pa sa mood to. Parang nasira tulog, I wonder why.

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. "Anong gagawin ko don?" balik na tanong ko.

Binatukan niya ako "Gaga! Nagtatanong ako huwag mokong sagutin ng tanong!"

I rolled my eyes and continue scrolling through my news feed while I speak to her.

"Pumunta siya sa Canada para ayusin ang requirements niya for college. Sa September 1 ang start ng classes niya kaya baka doon na rin na muna siya."

"But he's courting you!" sigaw niya sa akin.

"LDC gusto niya." nagkibit balikat ako.

"Anong LDC? Tangna neto. Hirap kausap." gigil na bulalas niya.

"Long distance courting." I laugh at her and her reaction.

Para siyang bulkan na handang handa ng sumabog kahit anong oras sa sandaling ito.

"Tangna mo!" binatukan niya ulit ako.

This time alam kong galit na talaga siya, ang sakit na niyang mambatok eh! Feeling ko tanggal ulo ko sa pambabatok niya.

"Bakit ba galit na galit ka."

"Pumunta talaga ako dito hindi para itanong si Jeds sayo." sumimangot siya. "Tapos yung animal mong best friend tawag nang tawag sa akin! Ipa-unblock ko daw siya sayo!" sigaw niya sabay pakita ng cellphone niya.

Convo nila ni Aristotle. Puros missed call ang ginagawa ng loko kay Ashlee. No wonder ganito na naman ang mood ng pinsan kong animal.

"Bakit ba kasi sayo tumatawag?"

"Because you block him on your social media, emails kahit sa text kaya hindi ka niya matawagan!" she pulled my hair "Ang gaga mo kasi bat ka na.b-block!"

SWEETEST GOODBYEWhere stories live. Discover now