Kabanata 16 - Date

Start from the beginning
                                    

"Baliw ka! Bakit Hindi mo sinabi sa akin? Bakit ngayon lang?" Mahinang hinampas ni Cyntia ang braso ko

"I'm sorry, okay? Masyado akong nabigla sa mga nangyari nawala na sa isip Kong sabihin sa iyo" I explained

"Okay fine, kahit ako nabigla. Anong gagawin mo ngayon? Sasabihin mo kay Rheig ang totoo... I mean the Prince Neigo?" Sumeryoso ang mukha ni Cyntia

"Hindi pwede, pag nalaman ng Pamilya Lincole at pamilya Forviente ang tungkol dito maaaring maging magkalaban ang pamilya o maaaring ipakasal ako sa nakababatang Prinsipe Forviente"

"You mean, maaaring ipakasal ka Kay Otsori?" She sounded concerned about Prince Otsori

"Yes, maaaring kay Prince Sieto din" I forced to smile

"Oh gosh! Nakalimutan ko. Ibig sabihin wala na pala akong pag-asa Kay Rheig dahil Fiance mo na sya" si Cyntia, She sounds hopeless

"Yes, kung ikakasal kami" I bit my lip lower lip

Cyntia sighed heavily

"I'm sorry, may Otsori ka naman e" I teased her

"But he didn't know my name, Isa lang ako sa mga babae ni Otsori"

"Malay mo naman, he's looking for you right now" I said, Encouraging her

"I hope so" she smiled

Knock! Knock!***

Sabay kaming napalingom ni Cyntia sa Pinto

"Sino naman kaya 'yon?" Tanong ni Cyntia sa sarili saka tinungo ang pinto para buksan iyon

"Omg! ang gwapo ni Rheig sa baba no? Ano kayang ginagawa nya Doon?" Narinig kong sabi ni Fey galing sa labas

"Oo nga e, mukha talaga syang Prinsipe" kinikilig na Sabi ni Marie

Prinsipe naman talaga sya, pagtatama ng isip ko

"Sino kaya ang ka-date ni Rheig? Mukhang may hinihintay sya e

"Anong meron ha?" Nakapameywang na tanong ni Cyntia sa tatlong papasok na ngayon sa kwarto

"Si Rheig, may date ata. Mukhang may hinihintay dito sa Girls Dormitory e"kinikilig na Sagot ni Marie

"Date? E sino naman ang ka-date nya?" Matapos sabihin iyon, bumaling ng tingin sa akin si Cyntia sumunod din nang tingin ang tatlo sa akin

Omg! Niyaya nga pala akong lumabas ni Rheig Kanina! Bakit agad agad?

"Omg! Omg! Si Ms, Cool ang ka-date ni Rheig?" Lumapit sa akin si Marie, sumunod naman si Trish at Fey. Si Cyntia naman napailing-iling habang sinasara ang pinto

"Paano? Ang lihim mo talaga Ria" si Fey iyon

"Oo nga, kahapon kasama mo sya tapos ngayon magde-date kayo? Ang swerte mo Ria" kinikilig na Sabi ni Trish

"A-Ah kasi kanina inaya akong lumabas ni Rheig" sagot ko sa tatlong babae na nasa harap ko, mga mukhang Sabik sa sagot ko

"Hayyy, ang swerte mo talaga" walang buhay na naupo si Fey sa kanyang kama

"Nakakainggit Naman" si Trish iyon

"Oo nga nakakainggit, pero bagay naman sila ni Rheig kaya okay lang sa akin" si Marie iyon

"Tama bagay sila" sang ayon naman ng dalawa, tila mga nalugmok

"Hay nako, para talaga kayong bata" napangiti akong hinarap ang tatlo

"Tama ka, Ria" si Cyntia iyon

"Siguro nga, Kaya wala kaming boyfriends e" si Trish

"Magaganda, Mababait at Matatalino kayo, kaya impossibleng walang magkakagusto sa Inyo. Baka Hindi nyo lang napapansin ang mga lalaking gusto kayo dahil masyado kayong abala Kay Rheig" I said

Love behind the Mask (FORVIENTE #1)Where stories live. Discover now