Kabanata 13 - Unibersidad Fuemastico

21 7 0
                                    

PRINCESS REENROZE pov

"Mahal na Prinsesa, handa na ho ang umagahan. Ipinatawag kana ng Mahal na Reyna at Hari" katok iyon ng Royal maid

"Okay!" Sagot ko

"Mahal na Prinsesa, maaari ko ho kayong tulungan sa pagsusuot" presinta nga Royal maid

"Okay, come in" marahang binuksan ng Royal maid ang pinto

"Inihatid na ho ni Lucy ang isusuot nyo ngayong araw Mahal na Prinsesa, sandali ho at kukunin ko" sandaling umalis sa aking harapan ang maid at nagpunta sa aking closet kinuha nya roon ang Isang simpleng berdeng gown

"Ito ho ang iyong isusuot Mahal na Prinsesa" ipinakita sa akin ng Royal maid ang gown, I just nodded

"Nothing new, lagi namang gown Ang isinusuot ko. Nagiiba lang ang kulay" I rolled my eyes in the air " Dumito ka muna, maliligo lamang ako" dugtong ko, saka nagtungo ng aking banyo

New day, but always boring. Lalo na pag naaalala ko Yung ginawa sa akin ni Rheig! Mayayari talaga sya sa akin pag nagtungo na ako sa unibersidad!

A few minutes later, I came out of my bathroom. Sinuot ko na ang aking gown katulong ang royal maid. Matapos iyon, nagtungo na ako sa Kwarto ng Hapag kainan para kitain at sabayan ang Reyna at Hari

"Mahal na Reyna, Mahal na Hari. Magandang Umaga ho sa Inyo" I bowed twice and smiled

"Magandang Umaga Mahal na Prinsesa, maupo ka. Nais ka naming makausap ng Mahal na Reyna" The king said

Naupo ako sa silyang nasa harapan ng Mahal Kong Reyna, she smiled genuinely and I smiled back with nod

"Mahal na Prinsesa, nais lang namin malaman Ng Reyna kung kamusta ba ang pagbisita ng Prinsipe kahapon? Pasensya na at naging abala ako at ang Reyna kahapon kaya't Hindi na namin sya naharap" the king said

"Maayos ho ang pagbisita ng Prinsipe kahapon Mahal na Hari, nagtungo po kami sa Hardin at nag tsaa" I smiled fakely, I lied!

"Ganoon Mahal na Prinsesa? Nakakatuwa Naman iyon, mukhang magkakamabutihan kayo ng Prinsipe" the Queen said cheerfully

Nakakatuwa? Kung alam nyo lang. Tss!

"Oho Mahal na Reyna, mukhang nagkakamabutihan nga ho kami. Binigyan na nga ho ako ng isang Halik ngunit sa pisngi lamang" I smiled

Fuck! Bakit nasabi ko iyon!. Wrong move, Arrghh. Bakit ba pumasok sa isip ko ang Halik na iyon? Nakakainis

"Talaga! I'm glad he's moving haha" makahulugang Sabi ng Reyna

Moving? Natural gagalaw iyon! Tao naman ang Prinsipeng iyon

Tao nga ba? E mukhang diyos iyon e. Greek God, yum!

"Ang paghalik ng prinsipe ay masyadong mabilis, kaya't dapat bilisan na rin natin ang kasal. Mamaya ay higit pa ang gawin ng Prinsipe sa ating Prinsesa, mahirap na" the king said

Sabi na e! Wrong move talaga. Mukhang mapapabilis tuloy ang kasal ko! Ano ba Kasi tong bibig ko!

"Mahal na Hari, kumain na ho muna tayo. Maaari natin iyang pagusapan mamaya" pagiiba ko ng usapan

Sumang ayon naman ang ama at Ina ko. Nagdasal, kumain at nagusap. Buti nalang Hindi na muli napagusapan ang kasal namin ni Rheig. Dahil Ayoko rin iyong pag usapan.

"Mahal na Reyna" lumingon ito galing sa pakikipagusap sa Mahal na Hari

"Ano iyon Prinsesa?" Takang tanong ng Reyna, ganoon din ang itsura ng Hari

"Ahmm, Mahal na Reyna. May nais lang ho akong sabihin sa iyo....sa Inyo ng Mahal na Hari" They just stared at me, waiting for what I'm going to say

"Gusto ko hong lumipat sa dormitoryo ng Fuemastico" Sabi ko

Love behind the Mask (FORVIENTE #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu