Chapter 2

17 15 0
                                    

TROUBLE TWO: Welcoming Fight-Match

I fought the urge to look back at him again. I don't know why but his eyes are magnetic so I almost couldn't resist just by looking at it.

Nabalik naman ako sa ulirat dahil doon. Disgusting! Why did I even think of that? Hindi naman ako gano'n, hindi dapat ganoon ang nasa isipan ko. Para akong biglang na-attract sa kan'ya kung gano'n pala ang pagkakatingin ko sa kan'ya kanina.

Huminga na lang ako ng malalim at sinuri na lang ng mabuti ang kanilang paglalaban sa isa't isa. 'Di pa pala sila tapos? Tsk.

Tinaasan ko ng kilay 'yong lalaking 'yon dahil napaupo siya habang nakaangat ng tingin sa kinakalaban niya.

Is he surrendering now? What a coward. I smirked at the thought. Nangre-recruit itong kasamahan ko tapos ang na-recruit nila, lampa naman. Walang saysay.

Pusta ko, susuko kaagad ito at iiwanan na lang niya bigla ang tambayan naming ito.

Or that was what I thought. . .

Suddenly, my smirk faded because of what I saw next to his sudden movement. My jaw unconsciously dropped because of what I saw.

He immediately stood up and without further ado, kaagad niyang sinipa ang magkabilang binti ng kalaban niya at mabilis siyang pumunta sa likod nito saka ginamit ang dulo ng siko niya patungo sa likod ng leeg ng kalaban niya kaya napasalampak sa sahig ang kasama namin habang napapadaing at ang sunod pa niyang ginawa sa kasama namin ay tinapakan niya ang likod nito at pinilipit niya ang magkabilang kamay nito habang nakahawak siya nito.

Hindi na nakaganti o nakabawi ang kalaban niya dahil sa mga ginawa niya para rito.

Bigla na lamang siyang napatingin sa 'kin. Parang pinapahiwatig niya na masama siyang kalabanin o 'yon ang pruweba niya na hindi siya katulad ng ibang lalaki na kadalasan ay mga duwag.

Nang mapatingin naman ito sa 'kin ay iniba ko kaagad ang ekspresiyon ko at tinikom ko ang bibig ko mula sa pagkakabuka nito dahil sa kan'yang ginawa.

"So, how's my performance?!" Umalingawngaw ang sigaw nito patungo sa direksiyon ko.

Blangko ko siyang tinignan habang naglalakad na ako patungo sa kan'ya. Nasa likod ang magkabila kong mga kamay at nakahawak din iyon sa isa't isa habang papalapit ako ng papalapit sa kan'ya.

Forget about that weird feeling you felt earlier around him, Sove.

Nababaguhan ka lang, gan'yan ka naman parati kapag nababaguhan ka sa kasamahan mo dahil sa walang tigil ng iba mo pang kasamahan na mang-recruit ng bago.

Walang kaso 'yon at wala ka dapat pakialam niyon. Umalis ka sa isip ko masamang espiritu.

Nang sa wakas ay nakalapit na ako sa kan'ya ay tinapik-tapik ko siya ng mahina sa balikat pagkatapos ay pinapagpagan ko iyon na parang may alikabok kahit wala naman saka ko kinikiskis ang kuko ng mga palad ko at tinititigan ito bawat anggulo.

Tinaasan ko na siya ng kilay dahil sa bahagyang paglayo niya sa 'kin matapos kong pinagpag ang kan'yang tela sa balikat kahit wala namang alikabok. Oh, ano'ng ini-aarte niya d'yan?

Nagsasalita na ako habang inikot-ikotan siya ng dahan-dahan. Ramdam ko rin ang pagtitig niya sa 'kin kaya hindi ko mapigilang maasiwa sa pagkakatitig niya ng mariin sa 'kin.

"Not totally bad for a first performance, big boy. As you can see, rito ang tambayan namin. Bago ka maging ganap na kasamahan namin ay may pa-welcome gesture kami sa 'yo..." pagsisimula ko.

"And what is it?" Tanong niya naman.

Seryoso ko siyang tinignan pero no'ng kalaunan ay tumaas ang gilid ng labi ko kaya nakita ko ang bahagyang gulat niya. Scared, big boy? That's right, just be scared at me because I'm your leader.

Troublesome Girls Series #1: A Perfect Time TroubleWhere stories live. Discover now