Chapter 1

22 15 0
                                    

TROUBLE ONE: Unforgettable Past

September 8.

That's my birthday but unfortunately, everytime I'm turning into another year of existence here on earth, I always felt gloomy, empty and longingness.

Wanna know why?

It's because of my own mother. Ha! Funny it is that she's the one who always ruined everytime I'm going to celebrate my birthday, not to mention that each year she's been doing some things I don't want her to meddle.

Mula nang mawala si dad ay parang lahat na lang ng mga utos at kung anu-ano pa man ang palaging ginagawa ni mom ay dapat kailangang masusunod. Noong una, wala naman talaga 'yon sa 'kin pero sa mga nakalipas na panahon ay naso-sobrahan na siya, pati sa 'kin na anak niya, palagi niya akong iniistorbo, kapag nakatatanggap ako ng mga awards galing sa school, balewala lang niya.

Hindi naman siya ganito sa 'kin noon pero ngayon, grabe na ang pagbabago niya. Minsan napapatanong na nga lang ako kung ampon lang ba ako?

Dahil doon ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko at hindi na ako nakikinig sa mga pinanggagawa at mga sinasabi niya sa 'kin. Naging rebelde ako.

Palagi na akong napapadalas sa away, minsan pa nga ay tumatambay ako sa mga kalalakihan at wala naman 'yong kaso sa 'kin. Mga kaibigan ko naman 'yon. Pero kung subukan lang nila akong manyakin, tiyak 'di na sila sisikatan ng araw sa 'kin.

Naalala ko naman ang mga pinanggagawa ko noon mula no'ng namatay si dad at doon nagsimula ang pagrerebelde ko.

–FLASHBACK–

"Souraine Venice, what are you doing to yourself?!" Nagmumula ang sigaw na 'yon ng aking ina. Tinignan ko lamang siya ng walang emosyon.

"Why are you staring at me like that? First and foremost, I'm your mother and you have no rights to stare like that to me," pagpuputak niya. Tsk, paano ko siya re-respetuhin bilang ina kung pati sa anak niya ay hindi niya rin kayang respetuhin?

"Wala ba 'kong karapatang mag-reklamo dahil sa mga pinanggagawa mo sa 'kin?" Walang gatol na tanong ko habang nanatili pa ring nakatingin sa kan'ya ng walang emosyon.

"For goodness sake, gan'yan ka na ba ngayon dahil wala na ngayon sa tabi mo ang ama mo, ha?! Don't be such an immature child, Sove!" She exclaimed.

"Oh, ano na naman 'yang tingin na 'yan? Magre-rebelde ka? Sove naman, kapag 'di ka pa sumunod sa mga bilin ko sa 'yo, tignan natin kung hanggang saan lang aabutin 'yang katigasan mo sa ulo. I'm doing this for your own sake, makisama ka naman, anak!" She exasperatedly rebuked.

Nagpapatawa ba siya? She's doing this for my own sake? Ngayon ko lang nalaman na marunong pa lang magbiro ng gan'yang katatawanan ang magaling kong ina.


Hindi-makapaniwala ko siyang tinignan at tumayo habang nakapamulsa saka nagsalita. "Kahit ano pa man ang sabihin mo, hindi mo mababago ang isipan ko. Aalis na ako, mom."


Tinalikuran ko siya at nakakailang hakbang pa lamang ako ay nagsusumigaw na siya. Ano na naman ba'ng problema niya? Hindi ko siya nilingon man lang dahil nagsisimula na akong mairita sa boses niya, maging sa kan'yang mukha.


"Napapagod na ako sa mga ginagawa mo sa sarili mo, Sove! Ano ba?! Bakit hindi ka nakikinig sa 'kin?! Ina mo ako, respetuhin mo naman ako bilang ina mo. Itigil mo na 'yang pagre-rebelde mo dahil wala kang mapapala d'yan!"


"Yeah, yeah, whatever," balewalang sagot ko at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.


"Souraine Venice Villahermosa, kinakausap pa kita!" Muling sigaw pa niya pero hindi ko na siya pinansin.


Nang makalabas ako ay huminga ako ng malalim. Dinala ako ng mga paa ko papunta sa tinatambayan ko kapag gusto ko ng away. Pampalamig lang ng ulo.


Doon na nagsimula ang pagrerebelde ko mula sa sarili kong ina. Mas gusto ko pa ngang 'pag nakauwi na ako ay may kaunting pasa na sa mukha ko pati na sa tungki ng kamao ko. Kaya ang palaging nangyayari pag nakapasok na ako sa bahay ay naghihintay na sa 'kin si mom at sinesermonan na ako ngunit walang talab 'yon sa 'kin at nilalampasan ko na lang siya.


Pero sa kabila naman no'n ay kapag nasa sariling silid na ako ay roon ko na ibinubuhos ang lahat-lahat ng mga sama ng loob ko mula sa sarili kong ina. Iniiyakan ko 'yon, yes, I'm a sensitive person. Even petty things and small arguments, I always ended up crying on my own. Kinabukasan naman ay parang wala lang sa 'kin ang nangyari.


Noong tumungtong ako ng sekondarya, napapadalas na ang detention slips ko at naga-guidance. T'wing nasa bahay lamang ako ay palagi na lang akong pinapagalitan at sinesermonan ni mom. Gan'yan palagi ang routine ko kada araw.


Mabuti na lang talaga at hindi pa rin ako pina-drop out ng paaralan na pinapasukan ko kahit nakakarinig na ako ng kung anu-anong isyung natatanggap nila mula sa 'kin at masama 'yon sa pandinig ko.


–END OF FLASHBACK–


And that's where it all started. Saklap ng buhay ko, 'no?


"Kung gan'yan ka nga rin ngayon katulad no'ng mga kaklase mong babae, 'nak, baka ma-impress pa ako sa 'yo kaysa sa pagre-rebelde mo na hindi naman makakatulong sa 'yo," bulong ni mom sa tainga ko.


'Eto na nga ba ang sinasabi ko. Now, she even compares me to my girl classmates even when I'm not them. Hindi naman ako gan'yan manamit na parang lalabas na 'ata ang mga  pribadong parte nila.


Hindi ko na naman mae-enjoy ang sarili kong kaarawan dahil nandito na naman si mom para istorbohin ako. Hindi ba p'wedeng mawala muna siya sa paningin ko dahil siya lang naman ang tanging pino-problema ko hanggang ngayon?


"I'm not like them and will never be," I coldly uttered while not looking at her face.


"Aalis na ako," sabi ko ang walang sabi-sabing umalis sa tabi niya. Nakaka-frustrate na ganito na naman ang nangyayari sa kaarawan ko, hindi ko naman 'to ginusto! Ugh!


Lumabas ako sa bahay para magpahangin. Kahit kinamumuhian ko ang sarili kong ina, mas pinili kong dito dapat ako magce-celebrate dahil tahanan ko rin 'to. Ang kaso lang, ang daming umepal sa kaarawan ko, lalo na 'yong mga iniimbitado ni mom na mga kaklase kong hindi ko naman ka-close.


Ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ang preskong hangin nang may maalala ako na makapagpanumbalik ng saya ko at pagka-enjoy.


'Yon ay ang pumunta sa tambayan ko. I feel like I need to regain my enjoyment over something I want to do. Perhaps, I want to pick a fight, that would be awesome!


Marunong naman na ako mag-motor dahil binilhan naman ako ni dad ng motor no'ng nabubuhay pa lamang siya kaya walang problema sa 'kin kung saan ako magpunta ngayon. Bahala nang umasikaso si mom sa mga bisita niya, tutal siya naman ay nag-imbita sa kanila at hindi ako. Kaya niya na 'yan, wala naman akong pakialam.


Pagkarating ko sa gusto kong destinasyon ay binusinahan ko sila. Binati naman nila ako pero sa impormal na paraan na siyang gusto ko rin naman.


"'Oy, Sove, may bago pala tayong kasama ngayon, nasa loob siya lumalaban pa, tignan mo dali!" Excited na sigaw no'ng isa.


Tinaasan ko lamang siya ng kilay at bumaba sa pagkakasakay sa motor ko. Kuryoso naman ako sa sinabi nito kaya pumasok kaagad ako.


Pagkapasok na pagkapasok ko ay itinuro kaagad no'ng nagsabi sa 'kin ang taong sinasabi niya.


Nang mahanap ko na siya sa paningin ko ay bigla siyang napatingin din sa 'kin. Hindi ko alam pero nahigit ko bigla ang sariling hininga nang magtama ang paningin naming dalawa.


What the fuck I am feeling right now?



_~_

Troublesome Girls Series #1: A Perfect Time TroubleWhere stories live. Discover now