Chapter 14

12.3K 248 51
                                    

"Anong gagawin natin sa Red Cross?" tanong ko kay Elizzer habang nakatitig sa mukha niya.

He's so handsome. Even the simplest movement he did, I get so damn attracted. Nagmamaneho lang siya Jaile. In love na in love ka na naman.

"Magdo-donate ako ng dugo."

"Nagdo-donate ka pala? Kailan pa?" tanong ko.

"Before I aged eighteen, I already made up my mind. Na kapag tumuntong ako sa wastong edad, magdo-donate ako ng dugo. Limang beses sa isang taon." Sagot niya na ikinaawang ng labi ko.

"Buti may dugo ka pa?" Tawa ko.

"May time interval naman each donation. Hindi naman sa isang kuhaan, limang bag agad." He then chortled.

"Well, buti payag ang mommy mo?"

"Bakit naman hindi?" Well, right, each bag, he'll save lives. Kaya bakit hindi? Tumaas ang isang kilay ko. Tama nga naman. I never knew at this age he has this kind of aims and plans.

"Gusto mong kumain?" si Elizzer.

"May pagkain ba?"

"Mag-aalok ba ako kung wala?"

Humalakhak ako matapos marinig ang sinabi niya. Aakusahan niya na naman ako nitong walang common sense!

"Nandiyan sa backseat, kunin mo." Utos niya. Kaagad ko namang sinunod ang sinabi niya at nakita ang paper bag ng Burger King. Now I conclude, favorite niya ito. He has nachos and chicken nuggets. Sumubo agad ako. I really did not enjoy my lunch meal recently. Kaya ngayon ako babawi.

Seryoso na ang pagkain ko at ilang piraso na rin ang nasubo ko nang may mapagtanto. Bumagal ang aking pagnguya at dinala ang tingin sa lalaking nagmamay-ari nito. "Thank you pala. Gusto mo?" Nakangisi akong alanganin. I forgot to ask him! Kumain agad ako!

"May natira pa ba?"

Sinilip ko ang lagayan. Napangisi ako nang makita ang laman nitong nachos at lima na lang ang nuggets. "Oh, kuha ka." Tinapat ko sa kaniya ang bunganga ng paper bag.

Tinapunan niya ako ng tingin habang nakataas ang isang kilay. Seemed like he's not aware I'd say it. Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngisi. Does he thought I'd feed him myself? Well, if he want he should ask me then. I need him to ask me to feed him nuggets!

"Gilid ko muna ang kotse. Wait lang Jaile, ah? Para makakain ako." Rinig ko ang pagtatampo sa kaniyang boses.

Lumawak lalo ang ngisi ko. "Gagi huwag! Mala-late ka sa mission mo ngayon! Ako na! Subuan kita!" sabi ko, nakaharap na sa kaniya.

"Okay? May alcohol diyan sa gilid Jaile. Sanitize ka muna bago mo ko subuan."

Nanlaki ang mata ko sa inutos niya. "Malinis 'yong kamay ko hoy! Kanina pa ako kumakain, Elizzer! Nang naka-kamay!"

"Joke lang…" he laughed. "I know that, okay?" 

Ginawa ko nga ang nais niya at sinubuan siya ng isang pirasong nuggets. Tila ba'y may kuryenteng dumaloy sa aking kamay nang ilapit ko ang daliri sa labi niya.

"Tamang-tama, kakakamot ko lang sa puwet." sabi ko matapos ko siyang subuan. Kaagad akong natawa nang makitang halos mabilaukan siya matapos marinig ang sinabi ko. "Hindi mabiro!? Dugyot ba talaga ang tingin mo sa'kin, Elizzer?!" sigaw ko.

Pinagsingkitan niya ako ng mata habang ngumunguya. "Hindi naman, medyo lang."

"Tatlong beses akong naliligo sa isang araw!" Protesta ko.

"Alam ko … Ngumunguya na nga, 'di ba?" Ganti niya at pinagtaasan ako ng kilay. Nakipagtawanan siya sa akin at napa-iling na lang ako habang sumusubo ng nachos.

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon