Chapter 05

13.9K 299 22
                                    

"Sinong nagsabing pangit ang boses mo? Ikaw kaya 'yung missing gem na matagal nang hinihintay ng mga talent agency!" Terence cheered.

Nakatayo sya sa harapan ko habang ako ay nakaupo sa sidewalk.

Nakabusangot.

Lumuhod sya para magkatapat kami. "Kaya tara na sa Pasay!"

"Terence..." I whispered then sighed. "Parang deserve mo ng yakap." Sinadya kong ikurap-kurap ang mga mata, nagpapa-amo dahil sa pagpapalakas nya ng loob ko.

Ngumiwi sya at tumayo kaagad. Inirapan ko sya. "Iyakap mo 'yan sa sarili mo. Ikaw ang lungkot na lungkot. Tignan mo itsura mo, oh!"

I did what he said. I really hugged myself literally. Naghalumbaba ako at nagkunwaring umiiyak.

"Ang sakit, pre. Crush ko kasi mismo 'yung nagsabi. Dapat ko na ba syang i-uncrush? Sa tingin mo ... tama sila? Na dapat ko nang lubayan si Elizzer?" This isn't me at all. Neither I could hear nor recognize myself anymore.

"Kailan ka pa sumuko sa mga crush mo?" He's lifting his right eyebrow.

Napangiti ako at nabuhayan. "I think tama."

"Kailan mo pa 'ko sinukuan, 'di ba?" Sinamaan ko agad sya ng tingin at halos mamula ang mukha nya sa kakapigil ng tawa.

Humalukipkip ako at nag-indian sit, hindi na pinansin ang pang-aasar ni Terence.

"Ikaw ba? Wala ka bang nagugustuhan? Baka mamaya ako pala 'yung crush mo, ah? Sabihin mo lang, malay mo... We could level up this friendship." Pilit kong nilalabanan ang tawang kumakawala na mula sa akin.

"Tigilan mo nga 'yan!" sigaw nya at kulang na lang ay mag-kulay berde ang mukha ni Terence sa pandidiri.

Ngumuso ako sa naging reaksyon nya. "Ang ganda ganda ko pero bakit ayaw nyo sa akin? Mabait naman ako, talented. Nakakapag-doubt tuloy. Bulag ba kayo o sadyang pangit lang ang taste nyo?"

Tinawanan ni Terence ang kayabangan ko at naupo sa tabi ko para tapikin ako sa balikat.

"Totoo naman ang mga sinabi mo maliban sa pangit ang taste ko. Sadang alam mo 'yon ... Hindi kita type." Siniko ko sya ng malakas matapos marinig ang sinabi nya.

Matapos ang training kasama ang 3:14 Dance Company ay umuwi na akong diretso sa bahay. We started early in the morning so we ended practicing early in the afternoon. Pagdating sa bahay ay naligo muna ako at nagbihis. Habang nakapulupot sa buhok ang towel, nakasuot ng red tank top at dolphin shorts ay sumayaw muna ako sa harap ng salamin.

I was recalling the additional steps we had lately. May isang part na sa tingin ko ay hindi ko maisagawa ng maayos kaya pinaulit-ulit ko. Sa kabutihang palad... Nakuha ko rin naman kaya pinagpatuloy ko na ang pag-ayos sa sarili ko. I'm not totally over from refreshing myself yet, hindi pa ako nakakapagpulbo at pabango, inuna ko pa ang pagsasayaw.

Nahiga ako saglit sa kama para mag-cellphone nang matapos. Bungad agad ang chat ni Akali galing sa GC namin.

Akali Heniz: Start na ng admission next month.

Thalia Aviatrix: Try us!

Irithel Zane: Iyon lang ang balak kong apply-an, malapit e tapos afford. Galingan natin!

Jaile Chandria: same 'yan lang din balak ko!

Akali Heniz: Marami pang bukas na University, apply-an nyo na rin lahat. Just in case na 'di tayo makapasa dyan sa EEU, we have back up schools.

Jaile Chandria: Tara take! Sabay sabay tayong apat.

Akali Heniz: Tapos na 'ko.

Jaile Chandria: Ay 'di nag-aya?

Alluring Gleam of Light (Scholar Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant