"Hindi po kita maintindihan masyado. Tinatanong niya po ba kung bakit ako umiiyak?" Ang pangit ng boses niya! But deep inside, his voice was twisting my fùcking intestine! What the fùck?!

Tinaasan ko siya sa kilay ko at mas nainis ako doon sa di ko malaman na dahilan nang makita kong hinabaan niya ako sa nguso niya.

"Masakit p-po kasi ang ilong ko... nang bumagsak sa," tumingin siya sa bandang tiyan ko kung saan yata tumama ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang iangat ang kamay at pinindut-pindut ang tiyan ko. "Bakit kasi ang tigas ng tiyan mo po. Masakit tuloy ang ilong ko." anito.

Ewan ko hindi ko talaga gusto ang boses ng batang ito! Ang pangit lang para sa akin.

Kinuha ko ang kamay niya na di pa niya inaalis sa tiyan ko. Binagsak ko iyon.

"So kasalanan ko pa kung bakit nasaktan ko ang ilong mo?"

Inis akong napabangon at tiningnan ang bata sa harap ko. Naka-frog seat pa ito.

"Bakit kasi po ang tigas ng katawan ninyo?"

Nginisihan ko siya.

"Kasi... nag-g-gym ako."

Nalukot ang maliit niyang ilong sa akin.

"Ano po ang gym?"

Nagulo ko ang buhok ko. Bakit ba ako nakikipag-usap sa batang ito? Walang kakwenta-kwentang kausap.

Well, what would you expect to this small boy.

"Basta maiintindihan mo lang kapag malaki ka na. At saka itong tiyan ko. Hihilingin mo rin na magkaganito ka paglaki mo."

Ngumuso na naman siya na kinakati talaga ng kaloob-looban ko. Sa liit ng batang 'to ay mababalibag ko yata ito ngayon. Naiinis talaga ako sa panguso-nguso niya sa akin!

"Ayaw ko po n'yan." Pangatwiran naman nito sa akin.

Kumunot ang noo ko nang ilahad niya sa akin ang dalawang maliit niyang palad.

"What?" galit kong tanong.

I inwardly shouted a series of cuss when he pouted his dàmn lips! Nagpapa-cute ba sa akin ang batang hamog na ito?

"May candy ka po?"

"Candy? I don't have any."

Lumaylay naman ang balikat niya at binaba ang kamay.

Nahabag naman ako doon kaya naman napakapa ako sa bulsa ko kung may madudukot pa ako. May nadukot akong isang box ng mentos. Pinakita ko iyon sa kanya.

"Kumakain ka nito?"

Walang imik niya itong kinuha sa kamay ko at binuksan. Binawi ko naman iyon dahil may dumi ang kamay niya. Ako na ang kumuha ng isang piraso doon.

"Nga-nga!" utos ko dito.

Masurin naman pala ang batang ito at binuka ang bibig.

Bigla-bigla akong napangiti ng makita ko siyang napapikit at napa-alog sa kanyang balikat. Nalalamigan yata!

Ngumiti ito sa akin at hindi ko nagustuhan ang pagsipa na naman ng puso ko. Tàngina! May sakit ba ako?

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now