CHAPTER 31

32.2K 1.1K 233
                                    

Chapter 31

Finn Pov

"Ate Zofia baka mapagalitan ako nito ni Desmond pag nakita niya." nag-aalala kong saad kay Ate Zofia habang tinatali niya ang maliit na strap noong swimsuit sa likod ko. Kulay puting swimsuit ang pinasuot sa akin ni Ate Zofia. Aniya, ito na daw ang pinakamaliit niyang swimsuit. Iyong ano ko sa baba ay nagagawan naman pala iyon ng paraan upang di bumakat. Ate Zofia give me an instruction earlier kung paano at masaya akong gumana nga iyon.

Ngayon komportable na ako dito sa suot kong white na two-piece na see through pa. Kaso ang ikinababahala ko ay si Desmond. Sinabi ko pa naman sa kanya na di na ako magsusuot ng ganito. Mag-aalala na naman ako nito kapag tinapon niya tulad noong regalo ni Frenny sa akin. Di ko kasi iyong mahanap. Hula ko tinapon na o sinunog na ni Desmond.

Ate Zofia tapped my shoulder and fixed the thin strap of the bra I was wearing. Wala akong dibdib pero okay lang naman siya tingnan.

"Andrea will handle him." ani Ate Zofia.

"Sure po ba?"

Ngumiti si Ate Zofia sa akin at kinurot ng mahina ang pisngi ko.

"Yes, and besides if Desmond will get angry magalit ka rin. It's your right to wear whatever you want as long as you are comfortable with it. Don't let Desmond control you, Finn. Yeah, sometimes we have to be submissive, but not all the time. You should know when you are going to be submissive and when you are not, Finn."

Ngumiti ako kay Ate Zofia at tumango. "Ate Zofia." mahina kong tawag sa kanya.

"Yes?"

Ewan ko ba kapag nagsasalita si Ate Zofia tingin ko laging may dalang ngiti ang labi niya. Parang ang bait niya tingnan sa panlabas man o hindi.

"Ate, a-ano po ba kayo ni Ate Andrea?"

Saglit na natahimik si Ate Zofia sa tanong ko. Akala ko magagalit na siya o ano pero muli siyang ngumiti at bumuntong hininga.

"We're in-a-relationship, Finn. Your Ate Andrea and I are partners, we are lovers."

Matamis ko siyang nginitian. "Kaya po pala. Kami nga rin po ni... D-desmond." unti-unting humina ang boses ko. Out of the topic iyon masyado.

"Silly. Don't be shy nga. The first time I saw you with Desmond. Alam ko na."

"Hala! Hindi ate. Di pa kami couple n'on."

"Oh, really?"

"Opo!"

"Tsk! But you really like one though."

Pagbaba namin ni Ate Zofia pinatapis niya sa akin isang towel, tanggalin ko lang daw kapag nagpi-picture na kami. Ewan ko. Di talaga ako naiilang magsuot ng ganitong klaseng damit. Alam kong pambabae ito pero gusto ko naman. Cross-dressing is not bad. Cross-dressing is not awkward for me. Nasa pagsuot at pagdala mo lang iyan.

Nakita kong nags-set up ng camera si Ate Andrea. Nakakakilig at nakakataba sa puso na ganito nila ako kung tratuhin. Parang kapatid nila ako. Kahit na sa simpleng kuha lang ng larawan ay nag-ieffort silang dalawa para sa akin.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin