Prologue

250 13 14
                                    

JOHN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

JOHN

Today’s my wedding day at maraming dumalo sa espesyal na araw ko ngayon. I can’t believe na, darating ang araw nato sa buhay ko. Like sino ba mag akakalang papakasalan ako ng taong mahal na mahal ko. Kung dati magkaibigan lang kami ngayon magiging mag asawa na.

Napangiti ako ng maisip ko iyon.

All my life I never felt this kind of excitement over something, ngayon lang din ako nakaramdam ng sobrang saya. Para bang ito na yung pinaka the best and memorable moment para sakin, and I will cherish this until I grow old and die.

“So our famous writer Mr. John Fernandez A.K.A J.F. Waldorf, will now be officially married” Sabi nung kaibigan kong si Renee nung makapasok sya sa room kung saan ako nag prepare kasama ang mga make up artist at designers ko for this day.

“See I told you hindi ako tatandang walang partner”  Tumawa kami pareho matapos kong sabihin iyon, sabay napatayo ako at nag yakapan kaming dalawa.

“You look good as always pero mas pomopogi at gumaganda ka today beshie, iba talaga pag ikakasal na nag goglow up bigla” Komento nya habang pinagmasdan ang buong pagkatao ko. Umikot ako to proudly show to her my whole look for today.

“Perfection!” komento nya na may kasabay pang palakpak.

“Ikaw rin naman beshie nung kasal mo ang ganda mo, pero ngayon wala ako masabi” Pabiro kong sabi sabay sinapak nya ako sa balikat dahilan na napaaray ako. Tong babaeng to kahit kailan sadista.

“Uyy salbahe ka ha kala ko ba kaibigan kita ha! Ang ganda ko kaya with or without makeup like duhhh I always wake up pretty kahit walang ligo noh!” sabi nya at nagkibit balikat sabay nag roll ng mga mata nya sakin.

Nag tawanan naman yung mga tao sa loob ng room at pagkatapos ay nag patuloy kami sa ginagawa naming pag aayos. Tumabi sakin si Renee at pinipicturan ako, syempre we took a couple of pictures together.

“Wala nang atrasan to beshie ha, pag sinaktan ka ng hubby mo, as always one call away ako and I’ll be there para rumesbak kasama yung dalawa ha” Napatawa ako sa sinabi ni Renee, she cares for me so much, like a real sister.

“Kahit kelan talaga beshie ang Overprotective mo sakin, pero you know him well naman diba? You know how gentle he is towards sakin kasi he knows how sensitive I am diba? So don’t worry I’ll be fine” I replied na may halong ngiti, hinawakan naman ni Renee ang aking kamay sabay gumanti ng ngiti sakin.

“I know that beshie, but natatakot lang ako I can’t bare to see you being in pain again.. You had enough since then” Sabi nya na may halong pag alala sa mukha nya. Oo nga pala sya pala yung nandun sa mga panahong sobra akong nasasaktan.

“Ano ba yan beshie Kasal ko to oh pinag overthink moko” Sabi ko na natatawa
“Oo nga Madam Renee, KJ mo po just saying” Sabi nung makeup artist ko na kamukha ni boy abunda, tiningnan naman ito ni Renee ng masama kaya natakot yung make-up artist ko at nanahimik.

“Di naman sa KJ ako, nag alala lang eh! Kayo talaga parang di nyo rin ako pinag overthink nung kasal ko ah daya nyo” she replied.

Bumitaw na si Renee sa pagakaka hawak sakin sabay nag bigay na ng senyales sa mga staff na itigil na ang ginagawa nila sakin.

“It’s time guys, I think My Best friend is ready to see and marry his groom”
Sabi nya sa mga staff at kasabay naman neto ang pag sang-ayon nilang lahat. Pinatayo na ako sa isa sa mga staff at inayos ang damit ko.

“Let’s go?” Sabi ni Renee sabay offer ng braso nya sakin, ngumiti ulit ako na tila bang excited ako sa magaganap na kasalan. Renee wrapped her arms around mine tsaka kami tuluyang lumabas ng preparation room at nag tungo na sa venue kung saan magaganap ang kasalan.

“So kami ng hubby ko magiging guardian mo today sa kasal mo, kung andito lang si Tita Clarice” Medyo nakaramdam ako nang lungkot nung binanggit ni Renee ang namayapa kong ina. Pero wala na akong magagawa kasi di na babalik yun at di nya rin masaksihan ang espesyal na araw na ito. Kung andito nga lang si Mama, alam kong masaya syang makita akong ikakasal.

Pagdating namin ng venue, I can see everyone na part ng entourage na nag sisimula ng maglakad, pero diko makita yung groom may nakaharang kasi na parang board na may mga palamuti tsaka bawal daw yun pamahiin daw. So matyaga akong nag antay, alam mo yung feeling na excited kang makita mapapangasawa mo, gustong gusto ko nang makita itsura nya siguro ang pogi nya today. Iniimagine ko palang na nakasuot sya ng itim na toxedo kinikilig na ako paano pa kaya pag nakikita ko na.

Maya maya lang dumating na ang oras na pinakahinihintay ko, lumabas na ako mula sa likod ng board at dahan dahang naglalakad palapit sa nakatalikod kong groom. Kinakabahan ako diko alam yung pakiramdam nakaka excite na nakaka nerbyos diko maintindihan.

As I slowly walked down the aisle, I could see the face of my future husband. Grabe halos malaglag panga ko dahil sa gulat, ang pogi nya sobra halos gusto ring kumawala ng puso ko dahil sa sobrang kaba at kilig na nararamdaman ko.

Napangiti akong nakita sya, those teary eyes and genuine smile, I could see na masaya syang nakita ako. He even whispered to me the words ‘I Love You’ habang papalapit ako sa kanya. I could never ever not Love this man, I know he's the one..

SEVENTEEN DAYS (BL/Tag-Lish Edition)Where stories live. Discover now