"Saang nayon siya naroon?" tanong ko.

"Medyo malayo pa po ang nayon na iyon dito ngunit, sakop parin po ang nayon na iyon ng inyong ama."

"Puwes, dalhin niyo ako doon."

********

"Pwede pa nating subukan."

"Lianna, nag mamakaawa ako sayo. Tigilan mo na ako." Tumalikod si Prinsipe Mizra dahilan para makita niya ako. Agad na pinulupot ni Lianna ang kamay niya sa bewang ni Prinsipe Mizra sabay silip saakin at ngumiti ng nakakaasar. Kumunot ang aking noo at ikinuyom mo ang aking kamay.

"Amalia?" Mabilis na tinanggal ni Prinsipe Mizra ang pagkayakap sakanya ni Lianna at dali-daling lumapit saakin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya saakin.

"Ah wala napadaan lang, pauwi na nga ako eh, diba?" tanong ko sa mga guwardiyang kasama ko.

"Hindi po ba't hinahanap niyo kanina si Prinsipe Miz---"

"Tumahimik ka!" Putol ko at Inis na tinignan ko ang isang guwardiya kaya natahimik ito at yumuko nalang dahil sa hiya.

"Hinahanap mo ako?" Naka ngiting tanong saakin ni Prinsipe Mizra at itinapat pa ang kanyang mukha saaking mukha.

"Ulol! Ba't naman kita hahanapin?" Inis na tanong ko sabay tingin kay Prinsesa Lianna na namumula na sa galit. Omg, hindi ko naman kasalanan na ako ang ikakasal kay Prinsipe Mizra at hindi siya! Ugh! Malanding palaka! In the first place siya ang nakipag hiwalay, tapos ngayon siya ang nag hahabol?!

Ngumiti ako ng kaunti sakanya at maslalo lumapad ang aking ngiti nang maslalong namula ang kanyang mukha sa inis. Kung sa tingin niya ay mataray siya, puwes mas mataray ako. Kung balak niyang pabalikin si Prinsipe Mizra sakanya then lalaban ako. Lalabanan ko siya! Ipag lalaban ko ang aking Prinsipe!

"Ba't ka naka ngiti? Naalala mo nanaman ako noh." Agad na nawala ang ngiti saaking mga labi at napatingin ako ng masama kay Prinsipe Mizra nang sabihin niya ang bagay na iyon.

"A-aray! Ang sakit ng ulo ko," pag arte ko at isinandal ko ang ulo ko sa dib-dib ni Prinsipe Mizra. Pasimpleng lumingon ako kay Lianna na halos maluha na sa inis. Mainggit ka b*tch.

"Anong nangyayari sayo Prinsesa Amalia? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Prinsipe Mizra at hinawakan din ako saaking braso.

"Hindi ko alam, bigla akong nahil--" bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay ipinikit ko na ang aking mga mata at nag kunyaring nahimatay. Rinig ko ang nag aalalang boses ni Prinsipe Mizra habang hawak hawak niya ako.

"Ano pang hinihintay niyo? Kunin niyo na ang karwahe at uuwi na tayo!" Rinig kong sigaw ni Prinsipe Mizra sa mga guwardiya kaya pasimple akong ngumiti.

Pano ba yan?

I won!!

***********

Lumipas ang ilang araw at unti-unti ng nag hihilom ang mga pangangati ko saaking katawan. Hindi parin nahuhuli ang ale ngunit, parang wala naman ng ginagawang aksyon ang aking ama ukol don. Tungkol naman kay Gwen, ayos na ang kalagayan niya at medyo naigagalaw niya na ang kanyang mga paa.

Kasalukuyang naka higa ako saaking kama dahil wala naman akong magawa. Si Prinsipe Gabriel ay nasa silid ni Gwen kasama si Lianna. Oo, nagawa pang bumisita ni Lianna dito.

"Paano kaya kung mag laro tayo!" Napatingin ako kay Prinsipe Mizra na naka higa sa sofa.

"Anong laro?" tanong ko. Tumayo ito sa pag kakahiga at umupo saaking tabi. Inabot niya ang isang mansanas sa gilid ng aking kama at inilagay iyon sa pagitan naming dalawa.

"Ganito, kung sino ang may hawak ng mansanas, kailangan mag sabi siya ng masasayang nangyari sa kanyang buhay." Boring pero sige na nga.

"O siya, ako na ang mauna," saad ko at kinuha ang mansanas. Sumandal siya sa headboard ng kama ko at nag hintay saaking sasabihin.

"Hmm, siguro ang isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko ay yong araw na natuto akong mag sulat ng nobela," saad ko.

"Nag susulat ka ng nobela?!" gulat na tanong niya.

"Kasasabi ko lang diba? Oo nga!" saad ko naman.

"Pero bakit ka ng susulat ng nobela? May inspirasyon ka ano?" Biro niya saakin.

"Wala noh!" saad ko.

"Pero ngayon meron na," bulong ko pa.

"Ha?"

"Hatdog!"

"Tsk ayan nanaman, pero bakit ang pag susulat ng mga nobela ang pinaka masayang nangyari sa buhay mo?" tanong niya. Ngumiti ako at bumuntong hininga.

"Dahil kung hindi ako naging manunulat, hindi sana kita nakilala," bulong ko.

"Ha?"

"Hatdog!"

"Ayan, ayan ka nanaman," saad niya kaya tumawa ako ng napakalakas at umiling-iling.

"Oo na sasabihin ko na. Nababagot kasi ako minsan dito sa loob ng kwarto ko kaya naisipan kong mag sulat nalang," pag sisinungaling ko. Tumango-tango ito at kinuha naman yong mansanas saaking kamay.

"Eh ikaw ano?" tanong ko.

"Ang akin siguro, yong panahong bumalik ako ng Carnelian pagkatapos ng ilang taon na pag aaral ng iba't-ibang uri ng armas. Alam mo kung bakit?" sambit niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi nong araw na iyon, hindi ko inakala na makikilala ko ang isang babaeng baliw na masungit at pilosopo na gaya mo." Ngumiti ako at kukunin sana ulit ang mansanas nang itapon niya iyon palayo.

"Ba't mo tinapon?" tanong ko.

"Nasabi ko na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko kaya ayoko ng mag laro," saad niya at ipinikit ang kanyang mga mata. Gago pala to' eh. Mag yayayang mag laro tapos agad na aayaw.

"Pishhh kahit na, hindi parin yon ang gusto kong marinig sayo." Humalukipkip ako sakanyang harapan at nakita kong iminulat niya muli ang kanyang mga mata.

"Ano ba ang gusto mong marinig?" tanong niya kaya nagkibit balikat ako.

"Gusto mo bang marinig ang salitang Gusto na kita? O nahulog na ako sayo? O baka naman, alam kong kailangan lang nung makilala kita ngunit alam ko saaking puso na mahal na kita."

To be continued...

****

#outofthisworld


Out of this world (The Magical Quill)Where stories live. Discover now