Ulol!

"Uhmm, galit ka parin ba saakin dahil hindi ako ang sumipot sayo kahapon?" Umiling ito at tumayo para harapin ako.

"Naiintindihan ko naman ngunit, may kaunting tampo ako sayo Prinsesa Amalia. Sana sinabi mo na saakin ng mas maaga na hindi ka pala makakapunta para hindi na ako nag hintay ng napakatagal sayo." Umiling ako at lumapit ako sakanya.

"H-hindi ko naman kasi alam na tatawagin ako ng aking kapatid para sa pag pla-plano ng kasal namin ni Prinsipe Mizra." Bumuntong hininga ako pag katapos kong sabihin ang pangungusap na iyon.

"Hindi ba't ang mahalaga ay nagkasama ulit kayo ni Naya?" dagdag ko pa at sumulyap  sa mahimbing na natutulog na si Gwen.

"Masaya ako at nagkaroon muli kami ni Naya ng magandang ala-ala kasama ang isa't-isa ngunit---,"

"Hay, kung ganon naman pala, patawarin mo na ako," putol ko sa kanyang sinasabi. Napakamot ito sakanyang ulo at tiyaka tumango. Wala na siyang magagawa kundi patawarin ako.

"O sige na nga," saad niya kaya ngumiti ako. Iniyuko ko ang aking mukha at bumulong saaking sarili.

"Manhid ka talaga, hindi mo manlang naramdaman na may pag tingin sayo si Naya," bulong ko saaking sarili habang naka ngiti.

"Ha?" tanong niya pero umiling ako.

"Wala wala, o pano? Iwan na muna kita dito? Babalik ako mamaya, may kailangan lang akong gawin," saad ko. Agad na nag taka ang kanyang mukha ngunit agad din itong tumango kaya nag paalam na ako at umalis.

Alam kong delikado ang aking gagawin ngunit, sobrang na cu-curious ako sa mga nangyayari. Lumabas ako saaming palasyo at bumungad saakin ang mukha ng Hari ng Garnet kasama ang dalawa niya pang guwardiya.

"O, Amalia? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ng hari. Ngumiti ako at nag isip ng aking sasabihin.

"Pupuntahan ko po si Prinsipe Mizra," saad ko.

"Nako nako ija, delikado sa labas. Mas mabuti siguro kung hintayin mo nalang ang iyong mapapangasawa dito sa loob ng ating palasyo," saad niya saakin kaya agad akong napa nguso.

"Payagan niyo na ako ama. Pangako pag may lumapit saaking ale, gagamitan ko siya ng skills ko, like kung fu," saad ko at nag pose pa na parang sa karate kid kaya agad na natawa ang Hari saakin.

"Ano ba ang iyong pinag sasasabi Amalia? O siya, papayag ako pero sa isang kundisyon," tugon niya kaya nata tango-tango ako.

"Ano po iyon?" tanong ko.

"Sasamahan ka ng aking dalawang guwardiya at bumalik ka rin dito agad, maliwanag?" tanong niya kaya ngumiti ako at tumango. Lumakad ang dalawa niyang guwardiya saaking likoran at nag lakad na kami papalayo.

Nang maka labas kami ng aming kaharian ay bumungad saakin ang walang katao-taong mga tindahan.

"Nasan ang mga nag bebenta?" Tanong ko sa isang guwardiya na nasa likod ko ngayon.

"Ipinag utos po ng inyong ama na manatili muna sila sa kanilang mga tahanan habang hindi pa nahuhuli at napaparusahan ang aleng nag bibigay ng lason," saad niya at yumuko.

"Alam niyo ba kung nasaan si Prinsipe Mizra?" Tanong ko sa mga ito. I kinda miss him-- hay ano bang pinag sasasabi ko?

"Kasalukuyang nasa nayon po siya at nag tatanong kung may nakakakilala ba o may nakakatanda sa mukha nong ale," saad ulit nung guwardiya at yumuko.

Out of this world (The Magical Quill)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora