Chapter One

49 1 0
                                    


Alexandra's POV

Nandito ako ngayon sa 7/11 nagpapalamig ng ulo nakakainit kasi ng bait sa bahay puro sila work work hindi na nila ako naisip idagdag mo pa ang ate at kuya ko na laging kasama ang boyfriend at girlfriend nila kaya nga minsan iniisip ko kung may dadating pa ba para sa akin baka hintay lang ako ng hintay sa wala.

Ako nga pala si Alexandra Lopez.,Hindi kami mahirap pero hindi din naman kami sobramg yaman. 22 years old. Graduate ng Architecture sa Saint Paul Academy. May tatlong kapatid, isang babae at dalawang lalake. Ang ate ko ay si Jonalyn Lopez at ang kuya kung isa ay si William Lopez at ang isa pa ay si Elton Lopez.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasama kasi naman yung magaling kong bestfriend kasama ng boyfriend niya kaya ayan wala akong mapaglabasan ng sama ng loob.

Tahimik lang akong kumakain ng Instant Noodles ng biglang may umupo sa harap ko na isang lalake. Tiningnan ko lang siya sandali at ibinalik din ang tingin sa kinakain kong noodles. Tahimik lang kami ng bigla siyang magsalita.

"Ah miss wala kang kasama?" tanong niya.

"Nakita mo ba akong may kasama?" Sagot ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng parang-nagtatanong-lang-look. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"What? Sinagot ko lang ang tanong mo."

"Sungit mo naman. Ako nga pala si Charlie, ikaw anong pangalan mo?"

"Wag mo ng alamin."

"Dali na miss."

"Ayoko."

"Please. Please. Please. Plea---"

"Alex, Alex is my name. Now will you shut up your mouth?"

"Nice name ha, Alex"

"Bakit ba dito ka pa umupo?"

"Wala na kasing maupuan at ito na lang ang vacant kaya dito na ako umupo."

Tiningnan ko ang paligid at oo nga ang daming tao at wala ng maupuan.

"Nice to meet you nga pala."

Hindi ko na siya pinansin, ang kulit naman niya tapos ang daldal pa daig pa niya ang babae sa sobrang kadaldalan. Nang matapos na akong kuamin ay tumayo agad ako para makaalis. Maaga pa kaya mag-gagala muna ako.

Habang nasa labas ako at nag-iintay ng taxi nang biglang lumapit sa akin yung madaldal na lalake na ang pangalan ay Charlie daw.

"Ano nanamang kailan mo?"

"Saan ka pupunta?"

"Tinatanong kita kaya wag mo akong sagutin ng tanong din."

"Ihahatid na kita." sabi niya na parang walang narinig sa sinabi ko.

"Pupunta pa ako sa mall."

"Sige sasama ako, wala din naman akong gagawin e."

"Bahala ka."

Nakarating kami sa mall ng puro bunganga niya lang ang naririnig ko. Ang daldal niya at nagkuwento pa siya tungkol sa pamilya niya. Napag-alaman kong mayaman pala ang isang 'to. Sila ang sa may-ari ng isang restaurant na isa sa pinakasikat dito sa Pilipinas. Meron din siyang bunsong kapatid na lalaki. Meron din---

"Hoy! kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman pala nakikinig." sabi niya ng nagkakamot sa batok niya.

"Psh."

May nakita akong quantum kaya agad akong pumasok at sumunod naman siya. Pumunta ako sa part ng basketball, naturuan kasi ako nang dalawa kong kuya sa larong basketball.

"Woah. Marunong ka pala niyan?"

"Yeah."

"Tara laban tayo, pataasan ng score."

"Sige ba." mukhang exciting 'to.

"Pero bago yun kailangan natin magdeal, pag ako nanalo magiging magkaibigan tayo at pag ikaw ang nanalo susundin ko lahat ng gusto mo. Ano deal?" not a bad idea.

"Deal." Nagumpisa na akong magshoot.

Guess what? Talo ako, siguro hindi pa talaga ako sobrang galing sa larong yun. Better luck next time.

"Oyy, Bestfriend ice cream tayo!"

Psh. Bestfriend, nakakapagsisi ayaw ko magkaroon ng bestfriend na katulad niya masyado siyang madaldal. Hay! wala na naman akong magagawa kaya sige na lang.

"Sige, Libre mo"

"Oo naman ikaw pa e bestfriend kita."

Matapos naming kumain ng ice cream, naglibot libot muna kami tapos ay umuwi na inihatid niya ako sa bahay.

Paakyat na sana ako ng biglang may humigit sa akin at pinaupo ako.

"Sino yung naghatid sayo?" ate

"Boyfriend mo ba yun?" kuya William

"Bakit hindi mo pinakilala sa amin?" kuya Elton

"Saan siya nakatira?" kuya will

"Ilang taon na siya?" kuya el

"nag-aaral o graduate na?" ate

"Mayaman o mahirap?" kuya will

"Saan kayo nagkita?" kuya el

"Saan sila na---" ate

"PEDE BANG TUMAHIMIK KAYO?" sigaw ko sa kanila. Ayaw magsitahimik. tss

"Hindi.Ko.Siya.Boyfriend.Okay?"

"Pero bakit---"

"Nakilala ko siya sa 7/11 isa siyang makulit at madaldal na lalake na gusto akong maging kaibigan. Ka-I-bi-gan. Kaibigan. Okay? Aakyat na ako sa taas dahil masyado akong nabingi nagyong araw."

Umakyat na agad ako sa taas para hindi na sila makapagtanong pa. Inopen ko ang fb ko, ang tagal ko na din 'tong hindi nagagamit ah.

Pagbukas ko 10 fr, 5 messages at 66 notif. Inaccept ko na lahat ng fr at may isang nakapukaw nang atensiyon ko...

____________________________

Sino kaya yun?

Don't forget to vote if you like it.

One True LoveWhere stories live. Discover now