OIC: PART 6 🤍

62 2 0
                                    

Sabina POV

Nasa labas na akong ng school sa may parking lot at tanaw ko si Jace doon. Siya ang mag susundo saakin bilin ni Ate

Lalapit na sana ako sakanya ng may pumigil sa akin braso. Nilingon ko kung sino ito at napabuntong hininga ako ng malaman kung sino ito

"Miggy ano nanaman ba!?" Sigaw ko dito

"Let's talk" he simply said before pulling me somewhere, nagtungo kami sa likod ng school at doon niya ako isinandal at kinulong sa gitna ng mga braso niya

"Bakit bigla ka nalang nag bago?" Tanong niya agad umiwas lang ako ng tingin dahil hindi ko rin alam ang isasagot

"Tell me, what was the sudden change of feelings Sabina. Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong ulit nito at hinarap ko na siya para sabihin na para matapos na toh

"Paano kung sabihin kong hindi na? May magagawa ba ako? Wala dahil napagod narin siguro ako at narealize ko na para na akong tanga" sabi ko at natameme naman ito

"Sa una nga dapat prank lang toh ehh, biruan lang" sabi ko at natawa ng mapait

"Pero kasi ng dumating si Tessa parang unti unting nagbago ihhh" naiiyak na sabi ko sakanya ng katotohanan

"Dumating siya at madalas ko kayong nakikita na mag kasama, hindi ko na alam ang nararamdaman ko!" Nabibigo kong pag amin dito

"Habang tumatagal, magkasama kayo habang ako ay paunti unti rin nagigising sa katotohanan na siguro isa lang ako sa mga taong taga hanga at sunod ng sunod sayo" sabi ko dito at nag punas ng mga luha sa pisnge

"Ngayun hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Kaya pwede ba! Wag mo muna akong kausapin at gusto kong mag pahinga muna" pinal na sabi ko bago ko siya tinulak at nag tungo ulit sa parking lot

"Oh anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni Jace ng makalapit ako sakanya

"Wala toh, aksidenteng nasira laptop ko at may mga file na kailangan ako dito. Check nalang mamaya sa bahay kung na save sa memory card ng laptop" sabi ko at nag punas ng mga luha

Wala naman na siyang tinanong at hinatid na ako sa bahay ko

.

.

Nakarating kami sa bahay sabay rin kaming pumasok at naabutan ko dun sila Mama at Papa na masayang kausap si Ate

Biglang nag liwanag ang mukha nito ng makita ako at patakbo akong nilapitan at niyakap

"Namiss kita!" Ang higpit ng yakap niya pero nandyan parin ang comfort sa yakap niya na nag papagaan ng pakiramdam ko

"Kamusta anak, bakit namumula mata mo?" Nag aalalang tanong ni Mama at lumapit sila si Papa saakin

"Wala po toh Ma, pagod lang ako sa pag review" pag dadahilan ko sakanila

"Umiiyak po yan kanina Tita" sumbong naman ni Jace kaya tiningnan ko ito ng masama

"Siguro umiyak kananaman dahil sa stress, diba sabi ko wag mong i stress sarili mo sa pag review, ayan ka nanaman" sabi ni Ate at pinunansan ang nga tuyong luha sa aking pisnge

"Ikaw inaasar mo naman kapatid ko!" Pinagalitan niya si Jace at malambing naman siyang nitong niyakap

"Sorry na, ehh nakahiligan ko ng asarin ang kapatid mo" sabi nito at hinalikan niya si Ate sa noo

"Ughh ayan nanaman kayo, kanina sa airport di kayo mapaghiwalay sa yakap hanggang nagyun ba naman!" Biro ni papa kaya natawa naman kami

"Miss ko kasi itong panganay niyo sir. Wag kayong mag alala. Pag magkasama mo kami masasanay nalang po kayo" birong sagot rin ni Jace at pinagpapala naman ito ni Ate na parang kinikilig

Di ko maiwasang mainggit sakanila pero hindi ko pinahalata

Naka tapos na kami sa pag kain at nagliligpit kami ni Ate, nasa sala nila mama, papa at Jace may pinag uusapan

Tahimik akong nag huhugas ng pinggan habang ang isip ko ay nasa nangyari kanina, napabuntong hininga na lamang ako

"May nangyari ba?" Agad na tanong ni Ate

"Wala Ate" sagot ko at nag iwas ng tingin dahil parang naiiyak nanaman ako

"Sabina, diba walang secret saating kambal. Kwento ko saakin para gumaan ang pakiramdam mo" sabi niya at niyakap ako

Tumulo nanaman ang mga luha sa mga mata ko at humarap sakanya. Nakita ko ang pag aalala sa kanya

"Pagod na atah ang puso ko para sakanya ate ihh" sabi ko at niyakap niya na ako at doon umiyak sa balikat niya habang inaalo niya ako

Collection || short storiesWhere stories live. Discover now