"Grabeng miss talaga hahaha! Anyway, kumusta jan?"

["Hmm okay naman. Mabuti nalang talaga, natanggap ako agad."]

May inapplyan kasi siyang trabaho sa ibang bansa. Sa isang bar ng family friends nila bilang bartender. Yun kasi talaga ang gusto niya.

"Mabuti naman. Maganda naman ang buhay mo jan?"

["Oo namanㅡPomela!ㅡOh shet! Bye muna, girl. Tinawag na ako ng boss ko."]

"Ano? Nagseselpon ka habang nagtatrabaho?" Tumawa lang siya. "Sige na, bye na! Ingat ka jan." Pinatay ko na agad ang tawag at napailing-iling nalang.

Binalik ko ang tingin sa tv na timing namang nasa comedy part kaya natawa ulit ako. "Cartoon lover, huh?" Napalingon ako sa gilid ko at muntik ng mahulog sa sofa dahil sa lapit ni Daren sakin.

Agad akong lumayo ng ilang pulgada sa kanya. Tumikhim ako. "Um.. h-hindi naman masyado. Itong Taffy lang.."

Tumango siya at bahagyang tumaas ang gilid ng labi.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. May kung ano saking kausapin siya kasi nga diba galit siya? Ano, gagawin ko ba o hindi? Comment naman kayo oh, hehe!

O sige na nga, kakausapin ko na!
.
.
.
.
.
Wag nalang, hindi ko kaya!

Hindi! Kaya ko to! Kaya koㅡ

"Are you talking to yourself?" Napatigil at napakurap-kurap ako ng biglang nagsalita si Daren. Nilingon ko siya, nakataas na ang kilay niya.

Napalunok ako. "Um.. D-Daren.. h-hindi ka ba galit sakin?" Stupid! Hindi dapat yun ang sinabi ko!

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "I am mad, Athena.."

Sinubukan ko siyang tignan sa mata. "Kung ganun.. a-anong ginagawa mo dito? Diba dapat, lalayuan mo ako kasi g-ginamit lang kita?"

Matagal siyang nakatitig sakin. "Gusto mo bang layuan kita?" Mahinahong tanong niya na nakapagpanganga sakin. Naging mapungay ang mata niyang nakatitig sakin na para bang wala akong ginawa sa kanya.

Hindi! Gusto kong sabihin sa kanya yan pero alam kong hindi pwede. I pursed my lips as I refuse to answer him.

Buti nalang naalala ko bigla si Skier nakalimutan ko kaya naman tumayo ako at tinawag siya. "Skier?"

"Ah, I want to sleep." Lumabas siya na bagong ligo na. Bahagya pa siyang nakanguso.

Natawa ako. "Then sleep in my room so you can have a rest." Tumango si Skier at pumasok sa kwarto.

"Your room?" Napayuko ako kay Daren at nakita kong nakakunot ang noo niya. "Why would he sleep in your room?"

"Kasi napagod siya. Saka wala naman ibang matutulugan yun. Ganun kami ka-close kaya ayos lang sakin na matulog siya sa kama ko." Bumalik ako sa pag-upo.

Skier plans to stay here for three weeks. Kailangan niyang bumalik pagkatapos dahil graduating na rin siya. Civil engineering kasi ang kinuha niya at nasa fifth year na siya ngayon. At dahil nga mas close siya sakin, dito siya sa unit ko patutuluyin.

Hindi na nagsalita si Daren pero nakikita ko ang pagalaw ng panga niya. "Hey, are you okay?" Di ko napigilang magtanong.

"No.." bulong niya pero di ko narinig. He shook his head bago tumayo. "I'm leaving bago pa ako makagawa ng pagsisihan ko." Aniya.

Nagtaka ako. "Huh?"

"Thanks for the food." Walang emosyong sabi niya saka tuluyang lumabas ng unit ko. Okay? What the hell was that?

Childhood Sweetheart | STALKER DUOLOGY #1 Where stories live. Discover now