one; "hello, dorm mate"

47K 1K 115
                                    

"Alexandra!"

Narinig ko na yung sigaw ni mama.

Sinusuot ko na yung white t-shirt printed na puro flowers— bigay ni mama nung birthday ko. Maaga ako pinapapunta ni mama ngayon sa university na sobrang aga, akala mo'y first day na ng klase.

Ang totoo, bukas pa ang first day of school ko, ngayon ay lipatan lang ng mga gamit sa bagong tutuluyan ko.

Magdodorm ako sa university.

Ngunit, naghahanda ako dahil na rin makikilala ko yung bago kong magiging kadorm mate, makakasama ko sa buong taon ng college ko at kung tumagal, baka hanggang makagraduate na ako.

Ngayon, nagsusuot na ako ng black pants. Sa kakamadali ko...

"Aaray!" Kakatalon ko, nahulog tuloy ako.

Dahil parang hindi na kasya sakin yung pants. Ayoko magpakatanga ngayon dahil alam ko sa sarili ko kung gaano ako ka-clumsy at dahil gusto ko rin maging maayos ngayong araw.

Nang masuot ko na yung pants ko,

"Alexandra!"

"Malapit na po!" Sagot ko at nagmamadali na akong magsuot ng flatshoes na floral na regalo naman sakin ni mama noong pasko.

"Okay, konting konti nalang. Nasaan jacket ko?" Tanong ko sa sarili ko.

Kailangan ko kapalan yung damit ko, takot kasi ako magsuot ng mga sleeveless at revealing clothes. I'm not that confident to wear something revealing.

Also, hindi nawawala sakin magsuot ng jacket lalo na kapag may pupuntahan.

Tinignan ko yung dresser ko, wala naman.

Pumunta ako sa banyo at sa likod ng pintuan ko, wala din.

Tinignan ko yung mga lumang damit na nasa basket. Wala naman dito yun.

"Nasaan na yung paborito kong jacket?" Kausap ko na naman sa sarili ko.

Nasaan na ba yun? Tinignan ko yung kama ko, nakalapag ng malinis yung jacket ko at bigla nalang ako napakamot sa ulo ko.

"Alexandra! Nandito na si Seb!"

Si Seb nandito na! Kaya lang hindi pa ako ready!

Sinuot ko na yung jacket ko at pumunta sa salamin, tinignan ang sarili. Tinali ko yung dark hair ko into a bun. Pero may mga natira pang mga buhok sa harapan ng noo ko. Ayos na 'to. Walang make-up, wala man lang powder. Okay na 'to, nag-aabang na si Seb.

I took a deep breath, "Magiging masaya ngayon taon. Think positive. Make new friends. High grades. Aim higher! And I'll be fine." Sabi ko sa sarili ko.

Bago ako lumabas sa pinto, nakalimutan ko yung bag ko at mga gamit na dadalhin ko. Kinuha ko na ito at lumabas na ako ng pinto.

"Alexa-" Napatigil si mama sa pagsigaw niya nang mapansin na niya ko at bigla nalang siya napaluha, "Mamimiss kita, anak. Palagi kang mag-ingat at huwag mo kalimutan tumawag at magtext sakin, ha?"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ngayon lang ako mamumuhay na hindi kasama si mama araw araw. Magiging independent ako sa sarili kong buhay ngayon.

"Mamimiss din kita, ma."

I let go the hug.

Pinunasan niya mga luha niya, "Kumain muna kayo ni Seb bago kayo umalis." Sagot niya at tumango ako.

Pinuntahan ko na si Seb sa living room dahil alam kong expected niya na maaga ako matatapos sa pag-aayos ko,

"Goodmorning, Seb."

[Book 1] Love has no bounds.Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz