"Ah, I see. So, how is he?"

"Super-hot! Super gwapo!" ang kinikilig na pag-de-describe ni Clarissa kay Ethan. Na-curious tuloy ako sa kanya. Batid ko naman na I'm attracted with the same sex. However, iilang tao lang ang nakakaalam sa identity ko, kabilang na diyan si Clarissa, Blaze, Aryan at Aldren. "Kaya lang, silent type, introvert at medyo suplado ang lolo!"

"Natural lang yun. Nag-aadjust pa yun," si Aldren. "O,andyan na pala yang ultimate crush niyo."

"Saan?" ang sabay-sabay na tanong ng mga classmate ko. Sinundan ko ng tingin ang kanilang tinititigan. May mga estudyante sa entrance ng gym, kaya lang hindi ko alam kung sino sa kanila si Ethan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang isang pamilyar na mukha sa kanila. Kinalibutan ako sa talim ng pagtitig niya sa akin. Napalunok ako. Gusto kong umalis ng aking kinalalagyan lalo na nang naglakad siya patungo sa amin habang nakatuon pa rin ang kanyang masamang tingin sa akin.

I'm dead!

"Hi, Ethan!" ang malanding bati sa kanya ni Aryan nang makalapit . Kaagad ko namang iniwas ang aking tingin sa kanya at pasimpleng tumalikod sa kanila.

"Ethan, bakit ngayon ka lang?" ang tanong ni Aldren.

"May tangang nagbigay ng maling dereksyon papunta rito," ang tugon niya. Naningkit ang aking mga mata sa aking narinig. 

"Baka naman kasi hindi estudyante ang pinagtanungan mo."

"Oh, I'm very sure that imbecile  is a student here 'cause I can see him here right now."

Nakakainis na siya at sa katatawag niya sa akin ng kung anu-ano para ipamukha sa lahat na bobo ako. Breathe in... Breathe out...Peejay, hold your temper.

"Peejay, si Ethan nga pala," si Clarissa. "Peejay?"

"Sorry, I don't have any plans and the mood to be friendly", ang masungit kong tugon.

"Superiority Complex," si Aldren.

"Insecurity," si Blaze. Hindi ko na lang sila pinapansin.

"Maybe, he just don't wanna be friends sa mga taong mas matalino sa kanya," ang komento ng hinayupak na Ethan na yan. Humarap ako sa kanila.

Mas lalong naningkita ng aking mga mata habang suot niya ang isang mapaglarong ngiti. Kita naman sa aking mga kasama ang pagkagulat sa komentong 'yun ni Ethan. 

"What did you just say?" ang naiinis kong tanong.

"Bingi," ang out of the place niyang sagot. Inangat niya ang kanyang kamay at hinarap sa akin. "I'm Ethan . Nice to meet you, Peejay?"

"Prince Jasper Gomez," ang pagtatama ni Clarissa. Napatingin ako sa kanya nang masama. Tinitigan ko lang ang kamay niya. Hinihintay na rin ng mga kaklase ko ang pakikipagkamay ko sa kanya. Kinuha ko naman yun at nakipagkamay dahil na rin sa pressure na ibinibigay sa akin ng pagtitig ng mga kaklase ko.

"Ethan is so nice talaga," ang papuri ni Aryan.

"I know right," ang pagsang-ayon ni Clarissa. I smirked when I heard that.

"Fix yourselves, everyone," ang utos ng department head namin. Dumistansya ako sa aking mga kaklase, lalo na kay Ethan. Nakakairita talaga ang ugali niya. Mag-isa ko lang sa harap at nakatitig sa ibang estudyante ng Saint Anthony. Sinusuri ko ang mga freshmen nang may tumabi sa akin. Hindi ko pinagtuunan ng pansin kung sino man yun. Hindi ko naman pagmamay-ari ang gym, lalo na ang bleachers. Unti-unting nagsadatingan ang mga kabaro ko sa aking koleyo kaya naman napuno ang bleacher sa banda sa amin. Hindi man ako tumitingin ay ramdam ko ang paninikip sa kinauupuan ko. Ramdam ko na rin ang ilang bahagi ng katawan ng mga katabi ko.

ONE LOOK: SECOND GENERATION (boyxboy)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora