CHAPTER TWO

16.9K 358 33
                                    

WE kissed.

I kissed a stranger.

He's my first kiss.

Physically speaking, he's not bad as my first kiss pero ang ugali: bagsak na bagsak. His lips? Ang lambot!

"Peejay!" ang sigaw ng isang tinig bago ako nakatanggap ng isang malutong na batok. Kaagad tumabi sa akin si Clarissa at ibinitin ang kanyang kamay sa bisig ko.

"Anak ng!" ang eksklamasyon ko sa sobrang sakit ng pamamatok niya. "Clarissa, bakit ka namamatok, ha?"

"Namiss kita, eh," ang tugon niya.

"Weirdo," ang komento ko.

"OMG, Peejay!" si Clarissa. Napatingin ako sa kanya. "OMG! OMG! OMG!"

"What?" ang naguguluhan kong tanong. Tinamaan na naman siya ng topak.

"You're blushing!" ang tugon niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Blushing? Why would I even blush? It's just an accident, hindi ko ginusto yun!"

"Aksidente? Hindi ginusto? Anong pinagsasabi mo Peejay?"

Stupid me.

"W-wala. Don't mind me," ang depensa ko. Muli kong tinuon ang aking atensyon sa pasilyo. Muli ko na namang naalala ang lintik na lalaking yun at ang kanayang malambot na labi.

"Peejay, mas lalo kang nagblublush? What do you mean by that aksidente?

"Forget about it, okay?"

"Na-curious tuloy ako; you know me when I'm Curious," ang komento niya. "I can sense na may interesting na nangyari sa'yo at ayaw mong ikwento."

"Wala nga," ang pagpupumilit ko. "Just stop okay."

"Okay."

Malapit nang mapuno ang gymnasium nang makarating kami. Kaagad ko namang nakita ang mga kaklase ko sa bleachers.

"Itsura mo, Peejay," si Blaze. "Para kang kamatis. Lasing ka ba?"

"Gago," ang tugon ko.

"Isn't it obvious? He's blushing," ang singit ni Clarissa.

"Blushing?" ang halos sabay-sabay na tanong ng mga kaklase ko. Inulan ako ng mga tanong at intriga mula sa kanila.

"Bakit ba napaka-interisado kayo sa akin?" ang naiirita kong tanong. "Ever heard of the term, privacy?"

"KJ as usual," ang komento nila. Napa-ikot na lang ako ng mga mata.

"Bakit wala pa si Ethan?" ang tanong ni Clarissa sa isa naming classmate. Nagtaka ako dahil wala naman akong kakilalang Ethan sa mga kaklase namin.

"Miss ko na si Cutie," ang sabi ni Aryan.

"Sino na naman yang pinag-uusapan niyo?" ang singit na tanong ko.

"Nga pala, Baby Peejay. I have bad news," si Aryan. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Baby Peejay... "Hindi na ikaw ang ultimate crush ko, si Ethan na."

"Sinong Ethan?" ang sunod kong tanong.

"Bagong classmate natin, isang transferee. Kakikilala namin kahapon. Wala ka kasi, kaya huli ka na sa balita."

ONE LOOK: SECOND GENERATION (boyxboy)Where stories live. Discover now