CHAPTER 17

8.7K 255 7
                                    

Naramdaman ko na lumapit siya sa akin. Yinakap na naman niya ako.

"Hey, I'm sorry" ang paghingi niya ng tawad. Tinulak ko siya papalayo. Napabuntong hininga ako.

"I-i just want to rest" ang sabi ko. He lead me to a room. Kaagad naman akong nahiga. I burrowed my face on the pillow.

"PeeJay, sorry na." ang muling paghingi ng tawad ni Ethan. Hindi ako umimik. Naupo siya sa kama at hinawakan ang kamay ko. "I just want to know if you like me too"

Hindi ko pa rin siya pinansin. Ayaw kong gumalaw sa kinalalagyan ko.

"Lalabas muna ako para bumili ng makakain" ang paalam niya. He raised my hand and then kissed it. "Rest well, my love"

Tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Hindi ko maintindihan. Bakit niya kailangang gawin yun at ano bang gusto niyang patunayan? He's just insane. Ano bang gagawin namin dito sa Tagaytay? Mukhang mapapatay ko si Emily nang wala sa oras. Humanda siya sa Lunes.

Dalawang oras na ang nakakalipas pero hindi ako makaidlip. Marami kasi akong iniisip. Narinig ko ang pagdating ng kotse ni Ethan. Ayaw kong tumayo. Wala talaga ako sa mood. Narinig kong nagbukas ang pintuan ng kuwarto.

"PeeJay, gising ka ba?" ang tanong ni Ethan. Naupo siya sa kama.

"I'm dead" ang tugon ko.

"Are you sure" ang muli niyang tanong.

"Oo" ang muli kong tugon. "So, leave me alone and let me rest in peace"

May naramdaman na lang ako na may lumapat sa lips ko. Binuksan ko ang mga mata ko at kaagad tinulak si Ethan papalayo.

"What the hell are you doing?" ang galit kong tanong. Ilang beses na rin siyang nakascore sa akin. "You perve!"

"What?" ang painosente niyang tanong. "You said you're dead. So, I decided to do CPR. Ano na lang ako pag nawala ka sa buhay ko?"

Napaikot ako ng mga mata. Tinalikuran ko siya at tinakpan ang ulo ko ng unan; baka may gawin na naman siya. Hindi na napigilan ng labi ko na magpakawala ng isang ngiti. Kinilig ako sa sinabi niya. Buhay! Ano bang pinakain ko sa mokong na to? Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko. Katahimikan...

I've been awake for a while now,

You've got me feeling like a child now

Cause everytime I see your bubbly face,

I get the tinglies in a silly place.

It starts in my toes

Makes me crinkle my nose,

Wherever it goes I always know

That you make me smile please stay for a while now

Just take your time

Where ever you go.

Nagawa niya pang kumanta. Wala akong choice kundi pakinggan siya. My ears are filled by his voice. Dala lang ba ng nararamdaman kong inis o talagang maganda ang boses niya? Tinanggal ko ang unan sa ulo ko para pakinggan siya mabuti.

The rain is falling on my window pane

But we are hiding in a safer place

Under the covers staying safe and warm you give me feelings that I adore.

"PeeJay, sorry na" si Ethan pagkatapos kumanta. Hindi ko pa rin siya iniimikan. Gusto ko lang munang mahiga roon kasama siya. Yumakap siya sa akin. Hinayaan ko lang siya. "Sorry na, kinantahan na kita."

"Sa tingin mo, madadaan mo ako sa kanta lang?" ang tanong ko.

"Anong gusto mong gawin ko?" ang tanong niya pabalik.

"Die" ang suhestyon ko.

"I can pero wala ka nang baby" ang paglalambing niya. Tinanggal ko ang kamay niya at bumaba ng kama.

"Nagugutom na ako. Ala una na, hindi pa ako naglulunch" ang masungit kong sinabi sa kanya. Bumaba rin siya ng kama at yinaya ako sa kusina para kumain. Naglabas siya ng pares ng mga kubyertos. Napatingin naman ako sa binili niya. Take out from a restaurant.

"Let me guess" ang pagsisimula ko. "Hindi mo alam magluto"

"Uhh, Yeah" ang pag-amin niya.

"Hindi mo alam magluto ng kanin?" ang tanong ko. He nodded.

"Hindi mo alam magprito ng kung ano-ano?" ang sunod kong tanong. He nodded again.

"Tsk, tsk, tsk" ang reasyon ko sabay iling.

"Why?" ang nag-aalala niyang tanong.

"Minus pogi points" ang tugon ko. "Gusto ko pa naman, marunong magluto tulad ko"

"Huh? Pwede naman tayong magpaluto. Maraming kilala si Mommy na Chef"

"Minus pogi points ulit. Wala kang sense of romance"

"What? I'm doing my best para kiligin ka at nang mainlove ka na rin sa akin. Hindi pa rin ako romantic?" ang complain niya.

"Minus pogi points" ang komento ko.

"WHAAT?" si Ethan. "Bakit na naman?"

"Complaining about something you did for someone is a turn-off" ang paliwanag ko. "It only shows na hindi ka sincere"

"Sincere ako sa feelings ko for you" ang giit niya. "Sa tingin mo ba, magpapagod ako ng ganito kung hindi ako sincere?"

"Minus pogi points" ang sabi ko ulit. Nanlaki ang mga mata niya at napakagat labi. "Bakit mo sinusumbat sa akin na napapagod ka na? On the first place, hindi ko naman hiningi na gawin mo ang lahat para sa akin"

"Hindi naman yan ang gusto kong iparating eh. Gusto ko naman lahat ng ginagawa ko para sayo. It makes me happy" ang muli niyang paliwanag. "Bakit ang sama mo sa akin?"

"Minus pogi points" ang muli kong sinabi. He covered his face with his hands.

"Bakit na naman?"

"Sinabihan mo ako na masama ang ugali ko."

"Wala naman akong sinabing ganun, ha!"

"Sabi mo masama ako sayo. It only implies that you're indirectly telling me that I have a bad attitude."

"Of course not" ang giit niya. "It's all in your head"

"Minus pogi points" ang muli kong sinabi

"What are you trying to say? It's either im crazy or stupid"

"That's not what I meant, PeeJay" ang sinabi niya habang nakatakip pa rin ang mukha niya ng kanyang mga kamay. Napaluhod siya. "Kill me now, please"

"Minus pogi points" ang muli kong komento. I'm really enjoying this. Mukhang nakita ko na ang kahinahaan ni Ethan. "Maikli lang pala ang pasensya mo. Paano na lang kung maging tayo. Baka madali mo lang akong pagsawaan at iwan mo lang ako"

ONE LOOK: SECOND GENERATION (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon