PROLOGUE

428 9 0
                                    

THE DAY SHE SAID GOODBYE

This is a work of fiction. Names, characters, events, businesses, places, and incidents are just made by the authors imagination or either used in a fictitious manner. This, any resemblance to actual person, living or dead even events are coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, or modify, display, or create derivative exploiting the content of this book in any form. Procure authorization or permission from the author.

**********

Buong buhay ko pinapatunayan ko sa mga magulang ko na karapat dapat ako maging isang Sandoval.

Buong buhay ko wala na akong ginawa kundi sundin ang gusto nila.

Naiinggit ako sa mga ibang bata na may isang masaya, kumpleto at simpleng pamilya.

How i wish na sana ako din ay mayrong isang simple, masaya, at kumpletong pamilya but sadly i have the opposite one i have a wealthy and famous family na kahit kelan hindi ko hiniling na magkaron kasi all i wanted is a simple and happy family.

Lahat na ginawa ko, sinunod ko ang lahat ng gusto nila but..

But why I'm still useless to them? Why i'm still not enough?? Why?

Kahit anong gawin ko hindi ko pa rin maabot ang expectations nila saakin.

Eh anong magagawa ko ganto na talaga ako? Na hanggang dito lang ang kaya ko? Is it still not enough for them?

Sana di na lang nila ako binuhay sa mundong to kung hindi nila matanggap kung ano ba talaga ako.

Nagsilbing human puppet nila ako na lahat ng kilos at decision ko sa buhay ko ay sila ang nagdidikta at wala akong nagagawa kundi ang sumunod na lamang dahil gaya nga ng sabi ko hindi ko kayang sumuway sakanila.

Si kuya axel na lang ang palaging magaling, matalino, mabait.  Puro axel axel axel axel nakakasawa na!

Kelan kaya magiging ako?? Kelan?!

They put so much pressure on me, on my school even in my life.

Hindi ko na nga mataandan kung kelan yung huling beses na ginawa ko yung bagay na gusto ko eh.

They always keep telling me na ginagawa nila to for my own good but they're not doing this for my own good kung hindi para sakanila!

Para hindi ko madumihan ang pangalan at ang apelyido namin na tinitingala ng maraming tao at hinahangaan sa sobrang mahabang panahon na dahil sa galing sa business industry at marami pang iba.

In my whole life kahit kelan hindi ko naramdaman na minahal nila ako, tanging isang tao lang ang nagpaparamdam saakin na mahal nya ako at mahalaga ako sakanya sya yung nagiisang tao na nagsabe saakin na i'm enough, na hindi kona kailangan patunayan ang sarili ko o gawin yung mga bagay na hindi ko naman gusto para lang patunayan ang sarili ko and it's my yaya elly.

Simula bata ako sya na ang nagsilbing takbuhan ko kapag malungkot ako at sya na rin ang nagsilbing pamilya ko that's why i love her so much sya lang yung taong nagparamdam saakin na mahal nya ako kung ano man ako.

Kahit kelan hindi ko naramdaman na mahal ako ng pamilya ko.

Kahit na lumaki ako ng may gintong kutsara sa bibig ay hindi ibig sabihin masaya ako at kontento na sa buhay ko dahil nagkakamali sila hindi pera o kahit ano mang bagay ang gusto ko wala akong pake dun.

Dahil ang tanging gusto ko lang ay ang maramdam ang pagmamahal na galing sa pamilya ko at magkaron ng isang simple at masayang pamilya kahit hindi man ganon kadami ang pera basta masaya at kumpleto ayos na ayos na ako don kaso pinagkaitan ata ako ng diyos na ibigay ang tanging hinihiling ko.

Dahil kabaligtaran non ang ibinigay nya sakin.

Kelan ko kaya mararamdaman ang pagmamahal na gusto kong maramdaman mula sa pamilya ko?

Mararamdaman kopa ba ito? o hindi na dahil huli na ang lahat para maiparamdam pa nila saakin iyon?

Ako si Astria Faith Sandoval 17 years old nanggaling sa isang kilala at mayamang pamilya.

Ang tanging hinihiling ko lang simula bata pa lang ako at magpa hanggang ngayon ay ang magkaron ng isang masaya, simple at punong puno ng pagmamahal na isang pamilya.

Ito ang kwento ng buhay ko..

******

THE DAY SHE SAID GOODBYE ( UNDER EDITING )Where stories live. Discover now