1 : Rumors

12 10 0
                                    

"tangina naman oh, ba't ba diyan tayo ililipat. buwesit na mga teacher, pag ako napili ni Sandra, dito mumultuhin ko talaga sila. Shit" Bulalas nitong kaibigan kong si Hannah habang nakatingin kaming lahat kay Guard habang binubuksan ang bago naming classroom. Nasunog kasi ang classroom talaga namin, nagkaroon daw nang short circuit kaya ayun sabog.

"Class 10- Aurora"  basa ko sa taas ng pinto ng bago naming classroom na ngayon ay magiging Class 12 Nemesis na. Classroom na kinatatakutan ng halos lahat ng estudyante dito, hindi naman kasi lahat naniniwala sa kagimbal gimbal na storya ng classroom na ito at isa na ako dun, kasi diba 'accidents happen all the time'. Ayon kasi sa mga sabi-sabi ng mga estudyante dito, limang taon na daw na nakakaraan nang may nagpakamatay dito na estudyante na nagngangalang Sandra and after that day, tatlong sunod sunod na taon na daw may namamatay dito mismo sa classroom na ito, which is ayun sa iba aksidente lang naman. Isang araw, isang guro ang nag lakas ng loob na mag suhestyon na ipatigil muna ang pag pagamit sa clasroom na ito dahil naniniwala daw siya na may iniwanan daw na sumpa si Sandra sa dito.

"Earth to Belle!" Pukaw ni Hannah sa diwa ko, di ko kasi namalayan na nakatulala na pala ako

"Shit okay ka lang? baka kung kung ano nang nakita mo ha, tapos di mo sinabi sa kin, diba ganun yung mga nasa horror movie? tapos bigla-bigla after makakita ng mga multo ay sasabihin ng bida sa best friend niya tapos di sya paniniwalaan kaya ayun deadbol"  Tangina talaga nitong si Hannah hayst masyadong paranoid, palibhasa mahilig sa horror movies

"Hannah please, kulang lang ako sa tulog okay. Punyeta kung ano-ano nang pinagsasabi mo"

"Eh kasi naman masyado talagang creepy tung classroom na to"  Dagdag pa niya

"Panong di magiging creepy to eh ang daming alikabok at mga spider web, kaya nga diba tingnan mo mga classmate natin oh naglilinis" Sarkastikong sambit ko sa kanya

"Ang unfair naman oh, wala si Clover. Tangina world is so unfair paniguradong nag papakasarap sya dun sa Japan tapos  heto tayo nakikipagdigmaan sa alikabok. Siya pa naman ang president" Ang reklamador talaga ng punyeta, dinamay pa si Clover sa mga reklamo niya.

Si Clover kasi ang president ng section namin slash bestfriend din namin ni Hannah at may dugong hapon. Pumunta kasi ito sa Japan para dalawin ang kapatid at ama nito, separated na kasi ang magulang niya kaya ayun ang kapatid niya nasa Japan kasama ang papa nila, tapos siya dito sa Pilipinas kasama ang mama niya.

"Di man lang tumawag ang bruha" Dagdag pa ni Hannah

"Hayaan mo na, nilubos lubos niya rin siguro ang bakasyon" Sa aming tatlo kasi sila ang mas close, palibhasa magkababata ang dalawa habang ako sumingit lang sa friendship nila nung Grade 3 pa kami

"Belle, Hannah, tumulong naman kayo oh! kanina pa kayo nakatayo lang dyan" Sita sa min ng kaklase naming si Tom

"Nahiya naman kami sayong gago ka, eh hawak-hawak mo lang naman yang walis tas di ka man lang naglinis. How childish" Sumbat ni Hannah sa kanya,

"buti nga ako may ambag, eh kayo?" 

"At anong ambag mo aber? tumayo habang may hawak na walis?" Hays kahit kailan talaga mag kaaway tung dalawang tu, eh mukha namang nag papapansin lang tung si Tom sa kanya

"Akin na nga lang yang walis, Tom" Sambit ko sa kanya

"Oh buti pa tong si Belle, Good dog" Sambit ni Tom habang inaabot sa kin ang walis. Ginawa pa talaga akong aso.

"Buwesit ka talaga, sana kunin ka ni sandra"  Hindi naman gaanong kalakasan ang boses ni Hannah pero naagaw pa rin nito ang atensyon ng mga kaklase namin.

No One Knows (Completed) Where stories live. Discover now