Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

Chapter 1

380K 5.5K 578
                                    

Chapter 1

The Dare

Napabalikwas ako ng bangon at agad na inabot ang alarm clock sa side table ko. Pinatay ko ang alarm at tinakip ang unan sa mukha ko.

I'm still sleepy! I want more sleep! Bakit ba kasi nagpakamukmok ako sa inaaral ko kagabi? Well, malapit na kasi ang major exam kaya wala akong magagawa kung napakaraming mga quizzes ang patong-patong na ibinibigay ng mga professors.

Bumuntong-hininga ako at ipinikit ang mata ko. Just five minutes, five more minutes...

"Hoy, Chloe gumising ka na!" I groaned when I heard that annoyingly loud voice. It was my bestfriend, Mika, for sure. Siya lang naman ang nakakapasok sa kwarto ko ng walang paalam. Palibhasa close na sila ni Mama.

"Maingay!" reklamo ko sabay talukbong ng kumot. Five minutes lang please. I just need to make up my sleep.

"Aba't! Hoy Chloe! gumising ka na dyan! malelate na tayo!" sigaw nya ulit at halos maihagis ko na sa kanya ang unan ko sa sobrang lakas ng boses nya. Nakalunok ata 'to ng megaphone eh.

"Oo na. Anong oras na ba?" inaantok kong tanong sa kanya habang nakatalukbong pa rin ng kumot.

"Eight lang naman." Puno ng sarkasamo nyang sabi at yun ang nagpagising sa kaluluwa kong naliligaw pa sa hindi ko na matandaang palaginip kagabi.

"Eight na?!" How could it possibly? Parang kakapikit ko palang, ah! "Bakit hindi mo sinabi?!" Bumalikwas ako ng tayo at agad na hinagilap ang salamin ko sa side table.

"Eh, sa 'di ka naman nagtatanong eh," Walang ano-ano nyang sabi habang naghahanap naman ako ng tsinelas ko.

Asan na ba yung bunny slippers kong pink?!

Nang makapa ko ang tsinelas mula sa ilalim ng higaan ay dagling tumakbo ako sa banyo para mag-ayos ng sarili. Binilisan ko lang ang galaw ko at pinony-tail ko ang buhok ko pagkatapos kahit basa pa, palagi namang ganito ang ayos ko eh.

"Bessy, halika na! late na tayo dali!" sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng kwarto ko.

"Bye Mama!" sigaw ko kay mama na nag-aayos ng pagkain sa lamesa at tumakbo palabas.

"Yan tuloy nagmamadali ka. Bagal mo kasi magising," reklamo ni Mika habang nag-aabang kami ng jeep. Kumakamot pa sya ng ulo sa inis at mukhang bubuga na sya ng apoy sa akin.

"Nag-aral ako tapos nakatulugan ko. Sorry, may quiz tayo diba?" sabi ko sabay para dun sa jeep na dumaan.

"Wala ah!" sabi nya pagsakay namin na ikinakunot ng noo ko.

"Ha?" nagtatakang tanong ko, as far as I remember kasi may sinabi ang professor namin na may quiz.

"Teka nag-online ka ba?" Tanong nya habang nakataas ang kilay. Napa-isip naman ako at tinitigan ang daliri ko.

"Teka... one... two..." Nakagat ko ang labi ko.

"Mga two months ago ata?" Pero di ko sigurado eh, basta two months ago ata 'nung huli kong buksan ang facebook ko or three? I really can't remember.

"Ano?!" napaface-palm sya at nagmukhang frustrated.

"Kasi naman bessy, eh! Napakanerd mo talaga! tapos iyang glasses mo pa, kqpag may quiz nag-aaral ka na agad-agad tapos pagwala naman nagbabasa ka ng mga makakapal na libro! Yung totoo bessy, di ka nauumay sa kakabasa ng libro?!" nakapoker-face nyang sabi at napailing ako at nagkibit-balikat.

"Hindi, ah! ang saya kaya magbasa ng libro! Try mo!" Ngumisi ako. Totoo naman ah, ang saya kaya magbasa ng libro.

I would rather love a fictional character than loving a person na sasaktan ka lang din sa huli. I love fiction, it makes impossible things happen.

A Dare To Prepare (Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon